17th - Future Wife

20.1K 528 17
                                    

"Will you be my Girlfriend?" tanong niya na ikinagulat ko!


Napalunok ako at nanlaki ang mga mata. Seryoso ba siya? Sasagot na sana ako kaso may humila nang braso ko. Napaangat ako nang tingin at si Raven ang kumuha nito!

"Wag mo kausapin nang ganyan ang fiancee ko .... o mas sabihin natin future wife" kinuha ako ni Raven at inilagay sa kanyang likod. Napailing lang si Steven at ngumiti nang nakakaloko.

"I don't care! Tandaan mo future pala iyon madami pang pwedeng mangyari" tumalikod na ito sa amin at pumasok sa sasakyan niya. Napahawak nang mahigpit si Raven sa aking kamay at para  bang  naiinis siya. Bumuntong hininga siya at humarap sa akin.

"Stephanie....may meeting pa tayo, let's go" gamit ang malamig niyang boses sabay hinatak niya ako papunta sa sasakyan at pinasakay na ako.  Tahimik at walang kaming imikan.  Walang nagsasalita parang nagpapakiramdaman kami. Pumunta kami sa hide-out para mapagplanuhan ang bahay na papasukin namin.


Umupo ako sa mahabang table kasama si Xian at pumunta na sa harapan si Raven para ipakita ang presentation.  


Unang bumungad sa akin ang isang plano ng bahay at ang pasikot-sikot nito pagkatapos biglang nag-flash sa screen ang apo ni Mr. Clark,  na siyang ikinagulat ko!


Siya!?

"S-si.....Steven....." halos napatakip ako nang bibig. Hindi ko akalain ang dati kong matalik na kaibigan ay apo pala nang isang malaking mafia group. Hindi lang iyon....nagiisa siya at siya lamang ang bukod tanging tagapagmana.

Ang mahina, masayahin, matalino Stevenna una kong nakilala ay ang apo ni Mr. Clark.

"I know nakapasok ka na sa bahay ni Steven" tumitig si Raven sa aking. "Sinundan ko kayo nung hinimatay ka at di nga ako nagkamali siya nga ang apo ni Mr. Clark. Ang kaisa-isang lalaki legal na tagapagmana" hindi ako kumurap. Halos hindi makapaniwala sa nalaman ko! Pero paano nangyari iyon? Masyado magulo ang mga nangyayari ngayon simula't nong nagising ako.

"Red"napatingin ako sa kanya, seryoso nakatitig sa akin"ako na ang papasok sa bahay nila" seryoso sabi niya sa akin. Bakit siya? Eh kahit papano ay nakapsok na ako? Mas may alam na ako doon.

"Bakit hindi ako Black? Di ba nakapasok naman na ako? Ako nalang dahil kahit papano ay-" hindi ko na natuloy pa nang bigla niya pinutol ito.

"Manganganib sa bahay na iyon, Red" nakatingin siya sa akin nang diretcho. Walang emosyon.
"Ikaw lang ang tanging tao nakapasok doon at nakalabas ng buhay na walang buhay na kapalit" kinilabutan ako sa sinabi nito.

"Paghihinalaan ka nila, hindi si Steven kung hindi ang mga nakabantay sa paligid nito. Hindi mo man sila nakikita pero binabantayan nila ang bawat kilos mo kahit nasa malayo ang mga ito, isang mali mo lang doon tiyak patay ka na. So please Red...sundin mo nalang ako" pinatay nito ang powerpoint at lumabas na ng meeting area.


Kinalabit ako ni Xian na parang may pagtataka sa nangyari.


"Ate, hayaan mo na si Kuya ....tiyak nagaalala lang iyon" tumango ako. Palaisipan pa din sa akin ang mga nangyayari. Simula nang mawala si Cheska, makidnap kami ni Steven ang dami sikreto at pangyayari ang nabubunyag. 


Ano ba balak sa amin nang tadhana? Naguguluhan na ako. 


Kinabukasan ay pumasok na ako sa eskwelahan. Himala wala ata gulo ngayon? Naglalakad ako papasok ng school at nakita ko si Ariela with Steven. Tama nga si Raven dapat magconcentrate na ako. Dapat di manaig ang emosyon. bumontong hininga ako nang mahina at nilagpasan sila. 


Pumasok na ako sa next subject namin nang may malalim na iniisip. Ano kaya mangyayari sa susunod naming plano? Nagising ako sa huwisyo nang nagsitayuan na ang mga classmate ko. Tapos na pala ang klase namin.

Isa-isa ko na din inilagay ang mga fillers at books ko ng may tumunog sa bag ko. Ang Cellphone ko!


TO: 09133************

Meet me at the canteen , Now!



Sino to? Walang pangalan? Hindi man lang nag-abala magpakilala? Nanguutos pa? Ayoko nga! Di ko naman to kilala. Baka nangtritrip lang? O na wrong send? tama! Kaya binura ko nalang iyon at nagsimula umalis. Hindi pa ako nagugutom kaya dumiretcho na ako library...ang isa sa pinakapaborito kong tambayan! 


Nagbasa ako nang iilang libro, halos inabot ako nang isang oras ng tinamaan ako nang antok.

Napailing-iling ako para mawala ang antukin kong aura. Pero hindi ko na  inaantok talaga ako kaya , napagpasyahan ko manghiram nalang ng libro at dalhin sa bahay dahil mas nakakapagconcentrate ako doon. Tumayo ako pumunta sa Filipino section.


Naghanap ako nang mga makakatulong sa case study namin. Nakita ko ang isa sa libro pwede makatulong sa amin pero nasa taas siya! 

Bahala na! Gagawa nalang ako ng paraan!

Itinaas ko ang paa ko para abutin sana ang libro na iyon ng may kumuha na nito sa likuran ko.

Agad ako napatingin ako sa likod ko at halos nagtama ang ilong namin, agad ako nakabawi at aatras sana ng hinawakan niya ang bewang ko palapit sa kanya, katulad ito ng ginawa niya sa akin noon!

Ang mas lalong kinagulat ko ng hinalikan niya ang tungki nang ilong ko!


Napabitiw ako sa libro hawak ko at napababa nang paa. Pinulat niya ang librong nahulog at inabot niya sa akiin ang librong nahulog.

"A-anong g-ginawa m-mo dito?" Sobrang utal ng mga salita ang lumabas sa bibig ko! 

Napaatras ako patalikod at humakbang siya paharap. Napalunok nanaman ako!


"Sabi ko sayo pumunta ka nang canteen, di ba?"  hinawi niya ang buhok ko sa kaliwang tengga at humakbang siya ulit palapit sa akinm, sinubukan ko muli umatras.

"Magaaral sana tayo"he paused at ang kamay niya ay nanatili sa labi ko. Tumingin muli ako sa kanya ng nagsalita muli siya.

"Kaso di mo ako sinipot...." humakbang muli ako patalikod hangang sa naramdaman ko na ang shelf ng mga libro. Umabante ulit siya! Hahalikan niya ba ako? Gagamitin ko na ba ang lakas ko sa kanya? Baka mabuko ako! Pumikit nalang ako at nagpakita nang kahinaan. Ngumit wala pa ako nararamdaman na kahit anong malapit sa akin. Inimulat ko ang mga mata ko nang makita ko ang leeg niya at ang mukha niya ay nasa gilid na ng tenga ko! 


Bakit nanging ganto si Steven! 



"A-ano..."nanginginig kong sambit.


"Shh....... " bumulong siya sa tenga ko na halos ikinataas nang balahibo ko! "Wag kang maingay, wala naman ako gagawin na masama. Kukuha lang ako nang libro sa likod mo" he whisper it with a husky voice! Halos nakakasamid ang bago Steven! Pero....naalala ko may ganito ding scenario dati ng binigyan niya ako ng cookies, tama ung dating Steven na napakalayo sa kasalukuyan katauhan nito.


Napatingin ako sa kanya at nagiwas muli ng tingin.


"Meet me after your class.....I'll text you again"he whisper me again for the last time"my girl.." at may dinukot na nga itong libro mula sa aking likuran. Halos di ako nakahinga, napatulala sa nangyari, tumalikod na siya at umalis sa harap ko.


Sobrang bilis nang pintig ng puso ko..... dahil ba sa kaba? o dahil sa kakaibang pintig ng puso ko para sa kanya? Napailing ako, hindi pwede dahil kaibigan ko siya. Baka nagkakamali lang ako at hinahanap ang dating kong kaibigan.


Napapikit muli ako at bumuntong hininga.....


Siguro kailangan ko nang magpacheck-up sa doctor!


Dahil hindi na maganda ang bilis ng tibok ng puso ko kapag andyan siya! 



Itutuloy.....

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon