10th - King

25.8K 675 19
                                    

Napatigil ako sa paglalakad. Sigurado ako siya nga yon. Humugot ako nang malalim at sinagot ko siya nang hindi nililigon. "O-okay lang ako" nauutal na sabi ko sa kanya. Nagpatuloy ako maglakad nang hinatak niya braso ko. Napatingin ako sa kanya. 

Kahit nagbago ang panglabas na anyo niya masasabi ko ganon pa din ang mga mata niya. Compared sa dating Steven eh, medyo bad boy na itong kaharap ko ngunit alam ko may natatago pa din to kabaitan. 

May biglang liwanag ang papunta sa amin. Isang Pulang Red Sports car  ang tumabi sa daan at ang lumabas sa sasakyan na iyon ay si Raven. Nakita kong nagsukatan sila nang tingin dalawa at hinawakan ni Raven ang kabilang braso ko.

"Let her go" malamig na titig ni Raven sa kanya. Napalunok ako dahil ramdam na ramdam ko ang namumuong tensyon sa dalawa. Binitawan ako ni Steven at ngumisi. Sa unang pagkakataon, ngayon ko lang nakita ang reaction ni Steven.

"Sorry, hindi ko alam na may darating pala siya na Knighting Shinning Armor" tumingin nang mapakla si Steven sa akin. "Anyway, don't worry I am not interested to her" ngumisi ulit to nang nakakaloko kay Raven. 

Hindi na niya pinansin ang sinabi ni Steven at binuhat niya ako. "Buti naman " yan ang huling sambit ni Raven sa kanya at isinakay ako sa kotse niya. Tahimik lang kami sa biyahe nang napagpasyahan ko basagin ang katahimikan.

"Paano mo ako nakita?" tanong ko kay Raven. Nakakapagtaka kasi na sinundo niya ako.

"Well, I have my ways Steph.."Malamig na sabi niya sa akin. 

Andito kami sa Ospital para gamutin ang galos ko. Medyo magkakapeklat lang daw ako pero mawawala naman ito. Inihatid niya ako sa tinutuluyan ko dati. Dito ko pa din napagpasyahan na tumira dahil mas delicado kung wala ako mga kapitbahay. Kinalas ko ang belt at magpapaalam na sana nang may bigla inabot sa akin si Raven.

"Ano to?" tanong ko sa kanya. Sumenyas siya sa akin para buksan ito. Nakita ko doon ang isang profile nang matandang lalaki. Pero para saan naman kaya to?

"Yan ang target mo red" malamig na sabi niya sa akin. Pero target? Ang alam ko tinalikuran ko na ito. 

"Per-" sabi ko kaso pinutol niya. 

"No, Buts .... yan ang pinatrabaho sayo nang lolo mo" huminga siya nang malalim " Hindi pwede sumaway ka Red. May impormasyon ako na may kinalaman siya sa Organization na Orz na umatake sa inyo 2 years ago" Iniabot niya sa akin ang picture na naglalaman nang mga tatoo. Ito ang tatoo nakita ko, tama nga si Raven.

"Ngayon ko lang din yan nalaman nang may nagpadala sa akin nang mga litrato na iyan. Napagpasyahan ko ikaw ang gagawa nang trabaho na yan,  dahil may nakamasid sa akin ngayon" tumingin siya sa akin.

Hindi ako nakapagsalita nang bigla niya hatakin ang kamay ko at inilapit ang bibig niya sa tenga ko. 

"Just stay still .....my red, I know may nanonood lang sa atin" napalunok ako at minatsagan ko mabuti ang paligid. Impossible magkamali si Raven nang hinala.

Bumitiw na siya sa pagkakayakap sa akin at inayos ang buhok ko. Bumaba na ako at nagpaalam na sa kanya. Sa huling pagkakataon ay sumulyap ako sa labas, ngunit wala naman ako nakita kahinahinala..

Kinabukasan , palakad na ako nang eskwelahan nang makasalubong ko si Jason. Babatiin ko sana siya ngunit nakita ko may nangharang sa kanya. Nagtago ako at maingat na sinundan sila. Anim na amardo lalaki ang nakapalibot dito. Kung iisipin ko ay isa tong gang, pero naningkit ang mga mata ko nang may inabot siya bag sa mga ito. Tumango ang nakaitim na suit na lalaki at tinulak si Jason.


Nagtago ako para hindi niya makita. Kung hindi ako nagkakamali , nakita ko ang nakatatak sa kotse ngayon lang ay ang Oraganization logo  nang Orz pero anong kinalaman ni Jason sa kanila? Kailangan ko pang mag-ingat. 

Katulad nang dati, tahimik parin ako nagmamasid sa paligid ko at kung ano ang kinikilos nila. May narinig ako ingay, galing sa labas nang room. Sumilip ako at nakita ko siya....

And its him Steven... nang bubuli nanaman. Lumabas ako nang classroom at nakita ko sa nasa gitna sila nang building . Ang kanyang upuan ay para bang hari sa sobrang laki. Isang sabi lang ni Steven at may kung anong binubuhos na doon sa mga lalaki na walang kalaban-laban. Napaisip ako , bakit pinapayagan ang ganto sa eskwelahan? Bakit ganyan si Steven? Iba siya sa Steven na kilala ko  dati at kahapon.

Sa gitna nang mga sigawan ay biglang tumahimik nang dumating si Arianne na may mga alipores sa likod nito. Naglakad siya papunta ka kay Steven at walang pasabi ay hinalikan itong si Steven. Isang matindi at malalim na halik na para bang walang tao nakalibot sa kanila. Habang tinitignan ko sila, nakita kong nakatitig sa akin si Steven. Kumurap ako at tumalikod nalang, baka guni-guni ko lang. Umiling-iling ako at bumalik sa classroom. 

Kailangan ko muna magfocus sa pinapratrabaho sa akin. Habang nagka-klase, gumagawa na rin ako nang plano. Iniisip ko kung ano ang connection ni Jason sa Orz? At bakit wala siya ngayon? Ano ang mga kailangan ko gamitin para masagawa ang mga plano ko.

Bumalik ako sa Hwisyo nang biglang nagbell at nagayos na ako nang gamit. 

Katulad nang dati , ako nanaman ang nahuli walang kasama. Inayos ko ang mga upuan at binura ang mga nakasulat sa black board. Iniisip ko nga minsan "OLD HABITS are hard to die" napangiti ako nang maalala ko na kami dalawa ang natitira ni Steven sa paglilinis nang classroom. Pero alam ko napakaimposible na, wala na ang mga dati kong kaibigan... wala na sila ni Cheska.Inilapag ko na ang eraser at kumuha nang malalim na hininga at ibinuga ito na para bang mawala ang bara nito sa aking dibdib.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas nang classroom. Nang may humatak nang kamay ko at isinandal ako sa pader. Napalunok ako sa nakita ko, bakit siya andito?

Nagiwas tingin ako sa kanya.

"A-ano g-ginagawa mo?" nagstustur pa ako sa harap niya. Napapikit ako dahil sobrang lapit na niya sa sakin at matutunaw ako sa titig niya. 

Nang magmulat ako ulit nang tingin, nanlaki ang mata ko nang palapit na ang mukha niya sa akin hangang sa naglapat na ang labi ko sa labi niya. Nanlaki ang mata ko at itutulak sana siya nang pinigilan niya ang kamay ko,  nakaramdam ako nang panghihina sa halik niya na ginagawa niya. Inilagay sa batok niya ang dalawang kamay ko. 

Napapikit nalang ako nang tinugon ko din ang halik niya.



Itutuloy.....

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon