19th - Turn

17.3K 547 16
                                    

Kinabukasan naglalakad ako nang nakakita nanaman ako nang kaguluhan sa gitna. Kitang kita ko na pinapahirapan ni Steven ang kawawang lalaki. Bumalik nanaman siya sa kanyang ugali. Pumasok ako sa classroom at namataan si Jason.....nakabalik na pala siya. Lalapit sana ako nang pinigilan ako ni Ariela.


"So...partner kayo nang Fiance ko?" she said that while chewing a bubble gum.

Hindi ako nagsalita at hinawi na ang kamay niya kaso bigla niya hinatak ang braso ko. 

"You musy know the limits bitch!" binitawan niya ang shoulder ko at dumeretcho na ako papunta doon sa kinauupuan ni Jason.

"Jason....." he smiled. And I smiled back " Nakabalik  ka na pala? " He nodded.

"Yup....may inayos lang ako ilang bagay. Tsaka sayang dahil sa mga namiss ko lessons" we chit chat and attend our subject hangang sa tumayo na ito. 

"Sige mauna na ako"


"Sure!" kumaway ako sa kanya. Nagaayos ako nang gamit nang makakita ako nang isang notebook. Tatawagin ko siya kaso napakabilis niya nawala. Kinuha ko iyon at tinignan ang loob non. Kung hindi ako nagkakamali ay transaction iyon. 



Isa-isa ko binuklat at may transaction siya ngayon kung hindi ako nagkakamali kailangan ko siyang sundan. Inilagay ko sa aking bag at sumunod sa next class ko. Ngayon araw ay pasahan nang report namin. Isang text galing sa kanya na nagsasabi siya na ang nagtapos. Nakita ko na agad ang likod niya....gusto ko siya puntahan at yakapin pero alam ko imposible iyon. Dumeretcho na ako sa upuan ko, ung malayo sa kanya.



Pumasok na ang teacher namin at kinuha ang mga reports. Wala naman kakaiba..kaso ramdam ko may nakatingin sa likod ko. Umiling-iling ako baka nagkakamali lang ako dahil alam ko imposible iyon. Natapos ang klase ko, inayos ko na ang gamit ko nang makarinig ako nang isang tinig mula sa labas. Ariela hugged him...and give a peck on the lips. Yumuko nalang ako at hindi pinansin iyon bagamat hinanap ko si Jason. 



Tahimik ko siyang sinusundan nang makita ko ang symbolo nang Orz........ nagpalitan sila nang bag nang bigla nilang binaril si Jason..na ikinalaki nang mata ko! Naglagay sila nang  Orchid Sa labi nito at umalis. Dali-dali ako pumunta para tulungan siya 

"Jason!!!!" nakita ko ang dugo umaagos sa kanya. 

"Sabi ko na nga ba darating ka" umubo siya nang dugo.

"Teka hihingi ako --" hinatak niya ang braso ko.

"Umalis ka na dito..... kilala kita alam ko galing ka sa pamilya nang mga assasin.. ayoko madamay ka kaya iniwan ko ung notebook...at alagaan mo ang kap--"

"Jason" wala na siyang hininga. Dali dali ko siya iniwan. 


Naglakad ako na lutang parin ang isip ko. Pumunta ako sa part time job ko dahil hindi parin maalis sa aking isip na namatay si Jason...napakabilis nang pangyayari. Nagbihis ako at pumunta sa counter. 


Itinuro nang nakacap na lalaki ang straberry cake hindi siya nagsalita  at hindi rin kita ang mukha nito dahil naka Aviators din ito. Kinuha ko ang bayad at para ako nakuryente. Masyado na ata ako nagiisip nang kung ano-ano. Inilagay ko sa lalagyanan ang cake at ibingay ito kasama ang change kaso tinalikuran ako at nagmamadali umalis at hindi ko na siya nahabol pa.
Sa nagdaan nang araw madami nangyari hangang sa D-Day nang mission namin ngayon. Sa loob nang ilang araw ay naging civil kami ni Steven pero hindi na kami nagpapansinan. Parang hangin nalang ako sa kanya. 

Lagi ko na siyang iniiwasan o kaya hindi tinitignan. Hangang sa isang araw nakita ko siya kasama si Ariela...kissing torridly  sa labas nang campus at nakatingin siya sa akin pero baka namalikmata lang ako, hindi ko iyon pinansin at yumuko ako. May kumirot na parte sa puso ko, kaso hindi dapat iyon ang pairalin.


"Ready?" tanong sa akin ni Raven.Ngayon na malalaman kung ano ba ang nasa loob nang usb na iyon.... at sana makuha ni Raven ang susi.

"Ready..." I said then he made more polish on our plan. Back-up niya ako. Hating gabi isasagawa namin ang plano. May device tracker kami nilagay sa kanya to detect him. 

"If ever na di ako makabalik....umalis na kayo" sabi niya sa amin habang inaayos niya ang kanyang gloves.


"Kuya....alam ko makakabalik ka" sabi ni Xian. Tama makakabalik si Raven. Alam ko he is one of the top assasin sa academy kaso magisa lang siya. Nagulat nalang ako nang halikan niya ako sa noo. This is the first time again, when he kissed me on my forehead. Magsasalita palang ako nang bigla siya umalis. 


Ayon sa plano pupunta siya sa kwarto ni Steven. Nagdadasal ako na hindi ito magising. Fifteen minutes na pero hindi pa din nagrereport na Raven. As a cue, tumayo ako at inilagay ang mask ko.

"Ate saan ka pupunta?" tanong sa akin ni Xian, habang inilalagay ko ang backpack sa likod ko. 

"Sa tingin ko kailangan ko na nang backup ni Raven. Fifteen minutes na Xian...dapat makalabas siya nang buhay"

"Pero Ate..ako--"

"Stop, ikaw ang kailangan dito" then I left him.


Inihagis ko ang tali sa dingding. Pinashut-off ni Xian iyon para hindi gumana ang Electric Barricade. Mula sa baba ay nakaakyat ako nang walang ingay. Nagtago ako sa puno at iniscan kung may tao bang nagbabantay and luckily wala. Hinanap ko kung saan ang kwarto ni Steven. Alam ko nandito lang iyon....ayon sa compass ko nasa tapat na nito. Inihagis ko mabuti ang tali at umakyat nang dahan dahan. 


Tahimik ito...walang ingay... hangang sa may nagsalita sa akin earphone.


"Ate Buma---" naputol ang sinasabi ni Xian.

"RED! BAKIT ANDYAN KA! SABI KO MAGHINTAY KA!" boses ni Raven. Ibig sabihin nakabalik na siya. Lumakas ang tibok nang puso ko dahil katapusan ko na.


Nagmadali ako at pumuhit ako pabalik  sa bintana nang naramdaman ko may tumutok sa ulo ko nang baril at ikinasa iyon. Napatigil ako. Isa-isa bumukas ang ilaw at nakapaligid sa akin ang mga malalaking armado. Napapikit ako. Damn Wrong Move. Wrong turn. Sa oras na humarap ako...mababaliwala ang pinaghirapan namin. 


"Why are you here?" hindi pa din ako nagsasalita. Siguro mas mabuti nga mamatay nalang ako kesa masira ang plano namin. Inagaw ko ang baril kaso naging mabilis din ang pagalaw niya. Ang pinagtataka ko ay hindi kumikilos ang mga armado lalaki. 


Siniko ko siya at pinaikot ang kamay niya hangang sa nabitawan niya ang baril. Bumaliktad siya kaso nakabawi ito at ipinulupot niya ang kanyang braso sa akin.Nagtataka ako dahil ang bilis niya kumilos kaya ginamitan ko siya nang kutchilyo para magkaroon nang galos kaso.... naging mabilis siya at inagaw ko iyon  isasaksak ko na sana iyon para hindi mabaliwala ang lahat. Tatapusin ko na ang buhay ko nang naagawa sa akin ang kutchilyo .Ngunit  hinawakan niya ang parehas kong kamay at inilagay sa aking likod at naramdaman ko niyakap niya ako.... halos namanhid ako at naramdaman ko ang kanyang bibig sa aking tenga. 



"Baby..." nakapulupot parin ang braso niya sa akin. "I.miss.you...." Wag mong sabihin.....


"Alam kong ikaw yan..Stephanie or Should I say Assasin Red"





Itutuloy....

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon