Namatay ang ilaw. Tahimik at lakas nang ulan ang aking naririnig. Hindi maganda ang palagay ko dito. Agad kong kinuha ang baril sa aking bag at ilang bala. Dahan dahan akong lumakad, hindi gumawa nang kahit anong ingay. Pumuwesto ako sa likod nang pintuan, pinakiramdaman ang nasa paligid.
Kakaiba ang araw na ito, ayoko man magisip pero kinukutuban ako. Hindi ko alam kung ipipihit ko ba ang pintuan o maghihintay. Pero paano si Steven? Kailangan ko siya makita.
Kumuha ako nang lakas nang loob, at maingat na ipiniit ang pintuan sabay binuksan ito.
Nakatutok agad sa labas ang aking baril. Walang tao ako nasinagan.
Naglakad ako nang dahan dahan na walang bakas nang ingay.....palabas ako nang kwarto at mabilis itinutok ito sa kaliwang parte nang bahay.Wala pa ding tao o kahinahinalang kahit anong nilalang o bagay man lang.
Kinabahan ako sa bawat pagtapak nang aking paa at maingat kong binuksan ang pintuan nang kwarto ni Steven.
Tinignan ko ang kwarto niya wala parin bakas ni Steven, napakunot ako nang noo. Nasaan ba siya?
Humakbang ako patalikod para makalabas nang maramdaman kong may presensya sa aking likod.
Agad akong tumalikod at ikinasa ang baril sabay itinutok ko sa kanya ang aking baril.
Nanlaki ang mata ko dahil parehas kami nakatutok ang mga baril namin sa isa't isa.
"St-steven..."parehas namin ibinaba ang mga ito at tumakbo ako para yakapin siya.
"San ka ba nagpupupunta?" tanong ko sa kanya. Naramdaman ko ang hinigpitan niya ang yakap sa akin. At naramdaman kong hinalikan niya ang sentido ko.
"Nasa labas ako nang mawalan nang kuryente"sambit niya. Humiwalay siya sa yakap ko at tinignan ko siya mabuti. Naramdaman kong kinapa niya ang aking mukha sabay nun ay kinuha ko ang kanyang kamay na nakalapat sa aking mukha at hinalikan iyon.
"Akala ko nawala ka na..." pabulong kong sabi. Idinikit niya ang noo ko sa noo niya.
"Alam mong hindi ko kaya iyon di ba?"tumango ako. "Dahil ang akala ko ay ikaw ang nawala sa akin, kaya nagmadali ako umakyat"hinalikan niya ang tungki nang ilong ko."Basta ang importante magkasama tayo." Iniyakap ko ulit siya nang mahigpit.
Dahan dahan niya sinarado ang pintuan. Nang walang ingay na nililikha.
Agad kinuha ni Steven ang bag niya at kumuha nang ilan pang baril. Binigyan niya din ako nang isa pang baril.
"Para saan ito.."tanong ko sa kanya. Lumapit siya akin " Incase of emergency, pagwala ka nang bala.....gawin mong reserba iyan. Maraming bala iyan kahit maliit. I bought it in Germany, hindi ko siya nagamit kay Agusto nang party." pumunta ulit siya sa kanyang bag at may kinuha ulit dito.
Nang natapos na siya ay pumunta ulit siya sa akin. Isang kidlat ang aking narinig, hindi ako natakot bagkus ako ay kinakabahan na talaga. Ayoko nang ganitong pangitain.
"Nasaan sila Kira?" tanong ko. Hinawakan niya ang aking kamay. "Hindi ko alam, pero paakyat ako nakarinig ako nang mga tunog nang baril. Silencer ang gamit nila....at ilang baril na malalakas" nanlaki ang mga mata ko, ito na ba iyon?
"Ibig sabihin..." bumuntong hininga si Steven. Bumaksak ang balikat nito.
"Oo, natagpuan na tayo..."hinawakan niya ang kamay ko. At hinalikan ito."Just promise me..one thing"napatingin ako sa kanya. Kahit umuulan at madalim, nakikita ko pa din ang mga mata niya. "Don't leave me....always stay my side no matter what happen.... okay?" tumango ako. "Isa pa, pag nalagpasan na natin ito, we will forget anything at magkakaroon tayo nang mundo kasama ang magiging anak natin,Your mine... alright Mrs. Deovenir?" tumango ulit ako.
For the first time he called me Mrs. Deovenir...gusto kong magtatalon pero hindi pa ito ang tamang oras. Kailangan muna namin to malagpasan ito.
"Yes's Mr. Deovenir....I'm yours.....with our future children" ngumiti din siya. Hindi na ako nagatubili at ako na ang kumabig sa kanya palapit at hinalikan siya sa labi. Isang malalim na halik.
Madaming maaring mangyari, isa doon ay matupad ang pangarap naming dalawa pero may isa ding katotohanan maaring mangyari at iyon ang mawasak ito. Pero hindi ko iyon iniisip, isinantabi ko iyon.
Bumitiw na siya sa halikan namin. Alam kong matagal na siya nagpipigil.
"I'm sorry...." sagot ko sa kanya. Umiling siya.
"Baby, no need....makakapaghintay pa naman ito di ba?" tumango ako.
"Ikaw talaga..."pinisil ko ang pisngi niya. Sabay non ay hinalikan niya ako nang mabilis sa labi at noo.
"Tara na...ready na tayo..."sambit niya. Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko nang mahigpit.
BINABASA MO ANG
Nerd by Day, Assassin by Night
ActionAn Extra ordinary woman who has Special Mission to do She will do no matter what it takes She will do anything to fight for Even her own blood will be paid off Nerd by Day, Assassin by Night Highest Achieve Rank on What's Hot Wattpad in Action -Rank...