TMCG - Chapter 16

11.3K 348 156
                                    

Napalunok ako sa kanyang sinabi.

Isang tanong ang nasagot sa aking mga katanungan at iyon ang pagkakahambing nang asawa niya sa akin. Tama, wag kang magillusyon hindi ka naman mapapansin nang isang Zeus kung walang kinalaman ang sa kanyang asawa.

Ang asawang kinababaliwan niya.

Hindi ako nagsalita man lang o nagreact. Ayoko makita niya ako naapektuhan sa kanyang mga binitiwang salita pero bakit nga ba?

Isang sagot lang din.

Hindi naman niya ako lubusang kilala at higit sa lahat kamukha ko lang naman ang asawa niya at sa una't huli wala ako karapatan sa kanya. 

Kailanman.

Lahat nang pagiisip ko ay nawala nang bumukas ang pintuan at napakunot ako nang noo dahil hindi lang si Bruno ang pumasok dito kung hindi kasama rin si Manong Dado. Hindi niya ako tinignan at tuloy-tuloy lang siya sa pagpasok nang kwarto hangang tumapat siya kay Zeus. 

"Long time no see, Zeus"bati niya rito. Matagal na sila magkakilala?Pero akala ko...

"O'teka wala ka bang irereact? Andito ako sa harap mo oh...at hindi mo ba nagugustuhan ang serbisyo nang katulong mo?"tanong niya kay Zeus at  itinuro niya ako pero nakatitig lang si Zeus kay Manong Dado na tipong hindi interesado. 

Maya't maya ay kumuha nanaman siya nang sigarilyo at binuksan iyon gamit nang lighter. Katulad nang dati wala siyang respeto sa mga kausap niya at binugahan niya nang usok si Zeus nang harap-harapan. 

"Di ka ba nagtataka kung bakit ka andito?" makikita mo si Zeus na nakatingin lang kay Manong Dado at ang malala doon ay humikab lang ito na tamad sa kanyang harapan.

Wala paring reaction si Zeus..parang blanko ang kanyang itchura. Hindi mo siya basta-basta mababasa. Ngunit nagsalita na rin siya  sawakas at halatang hindi ito interesado sa pakikipagusap kay Manong Dado na humihithit ngayon nang sigarilyo.

"I don't care with your fucking concerns"pagkatapos ipinikit niya lang ang kanyang mga mata na para bang wala lang sa kanya si Manong Dado. 

Napatigil siya kay Zeus  nang tingin at kinuyom ang kanyang kamay na parang gusto niyang patayin ito sa galit.

"Bwisit!"sigaw ni Manong Dado pagkatapos ay itinapon na niya ang sigarilyo sa sahig at lumapit siya kay Zeus na nakatingin sa mata.

"Tignan natin kung makakatagal ka pa sa oras na dumating ang pagkikita nang Phoenix Society. Baka hindi ka na makaatend at isang araw bumaksak nalang ang Orz sa mga kamay nang iba "tumawa siya na para bang nababaliw at napapalak-pak siyang parang bata ngunit agad nawala iyon nang nagsalita si Zeus na nakapikit.


"Let's see, unahan lang yan" dumilat siya nang mata at tinitigan si Manong Dado "Pakisabi rin sa amo mo na ang kanyang tuta ay walang kwenta. Isa pa.."ngumisi siya sa harap ni Manong Dado "Don't ever try me..I know hindi niyo ako kayang saktan bakit? "pumikit si Zeus na para bang matutulog nanaman"Coz you're nothing but a garbage waste"hindi na minulat pa ni Zeus ang kanyang mata.

Wala na siyang pakielam sa gagawin ni Manong Dado.

Akamang sasapakin ni Manong Dado ang mukha nito ngunit pinigilan ito nang kanyang mga tauhan.

At ito pa ang isa kong pinagtataka bakit kaya hindi pwedeng saktan si Zeus?

Umalis si Manong Dado na may inis sa kanyang mukha at halata na nagalit siya sa sinabi ni Zeus.  Lalo na ang pagkakasabi nitong isa siyang 'garbage waste'.  Napatingin ulit ako kay Zeus na seryosong nakatingin sa akin at mula't na mula't ang kanyang mata. 

Nagiwas tingin ako..ayan nanaman ang tingin niya!Akala ko ba tulog siya? 

Pagkadating nang gabi ay ginising ko na siya.Akala ko nung una wala siyang balak matulog pero kinalaunan alam kong hindi na niya pa napigilan ito.

Katulad parin nang dati papel at ballpen ang naguugnay sa amin. 

Hinimay ko siya nang isda tsaka sinubuan gamit ang kutchara habang nakatingin sa akin. Itinuro niya ang baso at lumapit ako sa kanya nang konti para gabayan siya sa paginom nang tubig.  Pagkatapos niyang uminom ay inilapag ko na ang baso sa kanyang gilid at bigla nalang siya nagsalita. 

"Tell me about yourself" parang namamalikmata ata ako.  Ang tingin niya ay parang pagtataka na para bang interesado siya. Hindi ako gumalaw at tinignan siya "I'm getting bored" tumango ako at kinuha ang papel at ballpen.

"Iba nalang tanugin mo" at ipinakita ko sa kanya. Kumunot ang kanyang noo. 

"Fine"matigas niya ingles sa akin at tumingin sa aking mga mata. 

"If you'll be given a chance to live once again, what will you choose...to live in present or remain in your past life?" Napaisip ako doon sa tanong niya simple lamang ito pero mahirap. Mahirap mamili sa dalawa dahil kahit anong piliin mo ay malaki ang epekto nito sa magiging buhay nang isang tao. 

Nagsulat ako sa papel at ipinakita sa kanya. 

"Mas gugustuhin kong mabuhay ngayon kesa sa nakaraan. Ayokong itama ang mga kamalian ko noon at baguhin nalamang basta basta dahil kung meron man ako nagawang mali, ang gusto ko ay may matutuhan ako sa situationg iyon at itama sa ngayon at sa hinaharap..dahil wala akong pagsisihan kung meron man ako naging desisyon noon.Ginawa ko iyon kahit alam kong may akibat na bigat ito. Hindi naman ako perpektong tao, kahit mamuhay tayo sa nakaraan o ngayon ay may mali parin tayo magagawa. At  kasabay non ang pagtama ka agad nito sa hinaharap mula sa pagkakamaling nagawa" mula sa aking nakatagong maskara ay ako napatingin sa kanyang gawi.

Nakatingin lang siya sa akin kaya't  pagkatapos ang pagkakaharap at pagkakausap namin ay tumayo na ako atsaka iniligpit ko na ang pinagkainan niya.

Pagkabalik ko nakatulog na ata siya ulit kaya't sinamalanta ang pagpupunas sa kanyang mukha.

Nerd by Day, Assassin by NightTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon