Kadarating lang ni Steven (Min Yoongi) sa bagong Eskwelahan na nilipatan."Saan kaya dito yung building ng magiging classroom ko."
Naglakadlakad sya para hanapin ito saka naisipan na magtanong tanong.
"Miss, excuse me.. alam mo ba kung saan ang building ng Juniors?"
"Sorry.. hindi eh.. bagong transfer lang din ako." Sagot nito sa kanya.
Ilang sandali pa may biglang nagsalita sa di kalayuan.
"Pre, bagong transfer ka ba? Samahan na kita. Hatid na lang kita sa classroom mo para di ka maligaw. Alex (Park Jimin) nga pala."
"Talaga? Naku salamat.. Steven nga pala."
Nakatingin lang sya dito ng mapansin
nya na-"Teka sandali... Tomboy ka ba?" tanong ni Steven.
"Yeah.. bakit?" Sagot ni Alex.
"Kalimutan mo na.. di ko kailangan ng tulong mo.." Sagot naman ni Steven
"Sigurado ka ba? Malaki tong School.. baka maligaw ka.. ikaw din." Saad ni Alex.
"Ano naman? Wala kang paki.. jan ka na nga" sagot ni Steven saka umalis.
"Fine! Gagalit agad? Maligaw ka sana.. yabang nito.." sigaw nito kay Steven.
Afterwards...
Hinahanap ni Jin ang kapatid na si Alex, dahil malapit na tumunog ang bell, hudyat na magsisimula na ang klase.
"Nasaan na naman kaya tong si Alessandra?"
Saad ni Jin."Love kumalma ka, (humawak sa balikat ni Jin) hanapin na lang natin sya.." sagot ni Chris (Namjoon) sa kanya.
"Malapit na tumunog yung bell, kung saan saan pa pumupunta." Medyo naiinis nang sagot ni Jin.
Isang estudyante ang lumapit sa kanila.
: Hinahanap nyo ba si Alex? Andun sya locker hall
"Naku salamat ah.. (tumingin kay Jin) tara na puntahan na natin si Alex." Saad ni Kent (Taehyung)
Pagdating sa Locker hall...
Nakita nila si Alex na may kausap na babae.. ang ganda pa ng ngiti nila sa isa't isa.. nakasandal ang babae sa pader, habang nasa tapat nito si Alex na ang kanang kamay ay nasa pader.
"Hay naku🙄 nambabae na naman pala. Saad ni Nicko (Jungkook).
"Hoy Alex.. tama na yan.. may klase ka pa.. mamaya na yan.." Sigaw ni Gelo (Jhope).
"Sorry naman.. ito na nga papunta na.." sagot naman ni Alex.
Tumingin sya sa babaeng kausap saka nagpaalam.
"Mamaya na lang ah.. puntahan na lang kita sa Classroom mo."
"Sige, see you later." Sagot ng babae.
Ngumiti ito sa kanya saka umalis.
Si Alex naman ay naglakad at tumingin sa mga kaibigan saka nagsalita.
"Oh, Tara na.. baka malate pa tayo, malapit na magbell." Saka nauna maglakad sa kanila.
"Luh? ano ba yang kapatid mo kuya Jin, tayo pa ang iniwan. Saad ni Kent.
"Hayaan nyo na.. ang mahalaga nakita na natin sya.. tara na.." sagot naman ni Jin.
Sa Classroom...
"Hoy Alex.. pasaway ka, bakit mo naman kami iniwan." Saad ni Kent.
"Luh? Akala ko nasa likod ko lang kayo. Sabi nyo kasi may pasok pa, kaya umalis na ko. Eh di pala kayo nakasunod sa akin." Sagot naman ni Alex.
"Paano makakasunod eh nang iwan ka nga bigla." Tugon naman ni Kent.
"Sorry na Kent, libre na lang kita ng snacks mamaya." Sagot ni Alex.
Biglang Pumasok ang Adviser nila, saka nagsalita.
: Tigilan nyo na yang daldalan nyo.. may announcement ako.
Natahimik naman ang mga lahat, saka muling nagsalita ang adviser nila.
: Magkakaroon kayo ng bagong kaklase, kaya lang wala pa sya eh.. nasaan na kaya un.
Nagtinginan naman ang mga kaklase nya saka nagbulungan.
Samantala...
Nagmamadaling tumakbo si Steven paakyat ng hagdan.
"Sh*t late na ko."
Pagpasok nito sa pintuan, napatingin sa kanya ang lahat.. saka siya nagsalita.
"Good morning Sir, Sorry I'm late, naligaw po kasi ako.
: Ganun ba? Okay lang, first day mo pa lang naman dito kaya natural lang na maliligaw ka pa.
"Thank you Sir." Sagot naman ni Steven.
: Introduce yourself para makilala ka ng mga kaklase mo.
"Hi Guys, I'm Steven Min. Nice to meet you all." Nakangiting pakilala ni Steven.
Nakatingin lang si Alex sa kanya.. at napabulong sa sarili..
"Tingnan mo nga naman ang pagkakataon, classmate ko pa pala tong mayabang na to."
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?