Part 10 : Steven nakakarami na ng Kiss!

58 5 0
                                    

"My Loves ito na yung donut mo oh.." sabi ni Steven, saka muling humalik sa noo ni Alex.

(Hinampas si Steven)

"Wala na si Enzo, tumigil ka na.. nakakarami ka na eh.." sagot naman ni Alex.

"Aray! Grabe naman sa hampas.. di mo na ko love!!" Tugon ni Steven, saka nagkunwaring natumba.
(Everyone laughs)

"Ay bakit? Love ba kita? Kelan pa?" Sagot naman ni Alex.

"Hala bumalik si Enzo." Biglang sabi ni Steven.

Agad na hinila ni Alex si Steven, saka ito napayakap sa binata.

Tumingin naman si Chris ng makahulugan kay Steven.

Nagkiss uli si Steven sa Noo ni Alex, saka tumingin at ngumisi kay Chris.

"Wala naman eh.. (kinurot sa braso) nanadya ka lang eh.'' Inis na sabi ni Alex.

"Wala ba? Akala ko kasi pumasok uli eh, sorry na Master My Loves." Sagot ni Steven, saka yumakap uli kay Alex.

"Nakakarami ka na ah.. sapak gusto mo?" galit na sabi ni Alex.

"Ayoko nga.. kiss lang gusto ko.. ito oh.." sagot ni Steven saka humalik sa pisngi ni Alex saka biglang lumayo.

"Ikaw!! 😡 halika nga dito ng masapok kita!!" Tugon ni Alex.

Lumayo naman agad si Steven.

"Ayoko nga.. bigat ng kamay mo eh.. kiss lang gusto ko." Sagot ni Steven saka tumakbo.

Tumayo naman si Alex saka hinabol si Steven.

"Hoy bumalik ka dito BOY REGLA.. Nanggigil ako sayo 😤." Galit na sabi ni Alex.

Aliw na aliw naman ang mga kaibigan ni Alex habang pinagmamasdan silang dalawa na naghahabulan.

"Mukang dito na magsisimula ang love story nila." Sabi ni Kent.

"Sa tingin ko din.." Sagot naman ni Gelo.

"Let's see.'' Tugon naman ni Jin.

--- Time Skip ---

-- One week passed --

Sa Library...

Patakbong lumapit si Nicko kay Alex at Kent na kasalukuyang nagbabasa.

"Bat ka ba tumatakbo? Nakakahiya library to.. " Tanong ni Kent.

"Oo nga Nicko.. anong meron?'' Tanong din ni Alex.

"Yung school natin ngayon at yung school natin dati.. well.. magkakaroon lang naman ng practice game." Sagot ni Nicko.

Napatango naman si Alex at Kent.

"Ang malupit pa dun, dito gaganapin sa School natin." Dagdag pa ni Nicko.

"Ano ba yan.. so makikita ko na naman si Enzo." Inis na sabi ni Alex.

"At makikita ko rin ang pagbabalik ng tambalang MASTER MY LOVES, at BOY REGLA... Ayieee.. iniisip ko pa lang.. kinikilig na ko.." Sabi naman ni Kent.

"Talagang makikita mo.. kasi diba.. kasama na si Steven sa team. So kasama sya sa lalaban." Sagot ni Nicko.

"Ay pak.. so need mong icheer si Steven sa game, para di makahalata si Enzo." Sabi ni Kent.

"Kailangan ko ba talaga gawin un?" Tanong ni Alex.

Bigla naman dumating si Steven saka nagsalita.

"Syempre naman Master My Loves.. pag mahal mo dapat icheer mo.."

"Tigil tigilan mo ko Steven.. di kita Love." Sagot naman ni Alex.

"Lumayo layo ka sakin.. baka magdilim paningin ko sayo.." dagdag pa ni Alex.

"Kaya nga ko nandito My Loves.. para bigyan ng liwanag ang paligid mong madilim." Tugon naman ni Steven.

Binato ni Alex ng libro si Steven.

"Ah Talaga ba Steven? Nakakadiri ka.. makaalis na nga.." sabi ni Alex.

"Wait lang Master My Loves, hintayin mo ang BR ng buhay mo." Sagot naman ni Steven.

"Tse!!" Tugon ni Alex.

"Ayieee.." pang aasar ni Kent.

"Inlove na yarn?" Pang aasar din ni Nicko.

Patakbong lumabas si Alex. Pero paglabas ng gate, di nya inaasahan na makikita nya si Enzo na naghihintay.

"Hi Lizzie... Hatid na kita sa inyo.. teka nagugutom ka na ba? Gusto mo ba magmeryenda muna?" Sabi ni Enzo.

"Ano na naman bang kailangan mo? Bat andito ka na naman?" Tanong ni Alex.

"Actually baka alam mo na to eh, magkakaroon ng practice game ang school natin pareho." Sagot ni Enzo.

"So I hope you come and cheer me. Malaking bagay sakin yun.'' Dagdag pa ni Enzo.

Dumating bigla si Steven.

"Bakit ka naman nya ichecheer? Boyfriend ka ba? Ako ang boyfriend nya." Sabi ni Steven saka umakbay kay Alex.

"Kung may ichecheer man sya.. ako lang un.. hindi ikaw. Diba Master My Loves.." dagdag pa ni Steven, saka humalik kay Alex sa pisngi.

---------

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon