Sa loob ng opisina nakita ni Steven si
Alexis na abalang nagsketch ng mga Jewelry designs."Good Afternoon Ms. Park My Loves, I mean Ms. Alexis Lee." Pagbati ni Steven.
(My Loves ka jan, suntukin kaya
kita sa lalamunan.. kapal nito.) Sa isip ni Alexis."Kumpleto ba yan?" Tanong ni Alexis.
"Yes My Loves.. este Ms. Lee pala." Sagot naman ni Steven.
"Andito sa usb yung reports for Marketing plans and Strategies for the last 2 years. And andito naman sa folders yung para sa taon na to." Paliwanag ni Steven.
"Thank you; you may leave." Tugon naman ni Alexis.
Hindi umalis si Steven. Nanatili sya para kausapin si Alexis, at sabihin ang lahat ng nararamdaman nya.
"Can we talk?" Tanong ni Steven.
"About what Mr. Min?" Sagot naman ni Alexis.
"I know, it's been 10 yrs. but, I want to say sorry. Nagkamali ako, hindi ko muna inalam ang totoo. And I hurt you.. sobrang nagsisisi ako sa nangyari." Panimula ni Steven.
(Aba, dapat lang na magsisi ka kasi ikaw ang may kasalanan ng lahat ng to! hindi sana ako mapapahamak kung hindi dahil sayo.) Sa isip ni Alexis.
"I'm really sorry My Loves, narealize
ko kung gaano kita kamahal nung
nawala ka na, and until now ikaw pa
rin, di nagbago un." Sabi pa ni Steven.(Ay weh?? loyal ka sakin ngayon echusero, di na ko marupok sayo oi.. tigilan mo ko.. sa iba na lang.) Sa isip ni Alexis.
"My Loves alam kong di mo pa ako mapapatawad ngayon pero sana mapatawad mo pa rin ako. I love you, and I really miss you, Master." Dagdag pa ni Steven.
(Tse! di mo ko madadaan sa mga pa I love you, I miss you mo..🙄) sa isip ni Alexis.
Nang matapos siyang magsalita, umaasa si Steven na mayroong sasabihin si Alexis sa kanya.
"Ahm.. wala ka bang sasabihin?" Tanong ni Steven.
"Sasabihin? about what?" Tanong din ni Alexis na biglang nag isip ng sasabihin.
"Oh.. pakisabi kay Mr. Jung, yung hinihingi ko ding reports paki padala na kamo ha.. thank you.." Sagot ni Alexis.
"Huh? My Loves naman, sa dami ng
sinabi ko yun lang sasabihin mo.
Wala na bang iba?" Reklamo ni Steven."Kung galit ka sakin sabihin mo, makikinig ako. Bigyan mo lang ako ng chance na maitama ko mali ko." Dagdag pa ni Steven.
Pumasok na din si Gelo sa office dala din ang reports na hinihingi ni Alexis.
"Oh ano nangyari sayo Steven? umiiyak ka ba?" Tanong ni Gelo.
"Eh kasi si My Loves eh, sa dami ng sinabi ko sa kanya, ang sagot lang nya sakin sabihan kita sa reports na pinapadala nya." Umiiyak na reklamo ni Steven.
Napatingin si Gelo kay Alexis na nakatingin din sa kanya at nakangiting nagkibit balikat.
"Haist.. Ms. Lee pasensya na po.. lika na nga Steven, bat dito ka pa nagdrama, nakakahiya. pasaway ka talaga.. sorry po uli." Sabi ni Gelo.
Nilapag na ni Gelo ang reports nya, saka hinila si Steven palabas, at nagsosorry kay Alexis sa ginawa ni Steven, nakatingin naman si Steven kay Alexis na wari nagpapatulong dahil ayaw pa nya lumabas.
Natatawa na lamang si Alexis sa reaksyon ni Steven..
'Cute' sabi ni Alexis.
Sa labas ng office.. parang bata pa rin si Steven na nagmamaktol dahil gusto bumalik sa loob para kausapin si Alexis.
"Gelo, sandali.. balik tayo, kausapin ko pa sya.. please.. sige na.." sabi ni Steven.
"Aissh... tumigil ka jan.. di mo ba nakikita, naiilang na sayo si Ms. Lee, di nya nga alam isasagot sayo. Baka isipin nun baliw ka na." Sagot naman ni Gelo.
"Baliw naman talaga ko sa kanya alam mo yan, nung nawala sya, hanap ako ng hanap sa kanya, di kami tumigil ni Jin sa paghahanap sa kanya." Tugon naman ni Steven.
"Alam ko.. ako kaya sumusundo sayo pag napagkakamalan kang manyak o di kaya stalker.🙄" Sagot ni Gelo.
"Bumalik ka na sa Office mo.. mag work ka na dun.. pasaway to.. di sya si Alex.. si Alexis sya." Sabi ni Gelo.
"Oo na babalik na.. pero sure ako at ramdam ko sya si Alex My Loves ko, kaya di ako naniniwala sayo, bleh😜
Sagot ni Steven, saka tumakbo pabalik ng office nya."Steven Min!!! Bumalik ka ditong Espasol ka!!" Sabi ni Gelo.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?