Napatakbo na si Steven dahil baka masapok sya ni Alex."Bumalik ka dito" sigaw ni Alex habang hinahabol si Steven.
"Ayoko nga, bubugbugin mo lang ako." Sagot naman ni Steven habang tumatakbo palayo kay Alex.
Sa di kalayuan, naroon ang mga kateam ni Steven sa basketball, nakamasid sa kanilang dalawa.
Kiro: Mukang nagkakamabutihan na sila ah.
Renz: Sa tingin ko din.
Quinn: Iba talaga si Steven.
Jedd: Sinabi mo pa.
----------
One week passed at patuloy na naging malapit sa isat isa sina Steven at Alex.
Ngunit kahit na nagiging close na sila ni Steven, may kung ano sa isip at damdamin ni Alex ang nagsasabing huwag muna magtiwala kay Steven.
Sa School grounds...
"Alessandra bakit ang seryoso mo jan? Ano bang iniisip mo?" Tanong ng Kuya Jin nya.
"Iniisip ko lang si Steven, ewan ko ba kuya.. may nagsasabi sa isip ko na wag muna ko magtiwala kay Steven." Sagot naman ni Alex.
"Bunso, mabait naman si Steven.. siguro kaya ka ganyan kasi di naging maganda ang unang pagkikita nyong dalawa. Bigyan mo sya ng chance." Payo ng Kuya Jin nya.
"Ewan ko kuya.. feeling ko talaga parang may mali? Pero kung sa tingin mo dapat ko sya bigyan ng chance, gagawin ko." Sagot naman ni Alex.
"Yan ganyan.. wag kang matrauma sa nakaraan. Di mo yan deserved." Tugon naman ni Jin.
Bigla namang dumating si Kent.
"Bat di nyo naman sinabi na may heart to heart talk pala kayo dito. Tara na oi.. magchecheer ka pa Alex kay Steven BR mo." Sabi ni Kent.
-----
Papasok na sila sa gymnasium ng makita nila si Enzo.
"Hi Lizzie, are you here to cheer me para ganahan ako sa laro?" Tanong ni Enzo.
Hindi na nakasagot pa si Alex dahil biglang dumating si Steven at nagsalita.
"You wish.. feelingero ka talaga.. hindi ikaw ang iche-cheer nya.
"At sino naman? Ikaw? Bakit kasama ka ba sa team ng school nyo para icheer ka nya?" Tanong naman ni Enzo.
"Aba syempre.. magchecheer ba sya dito kung hindi? Baka BR nya to?" Sagot naman ni Steven.
"BR? Anong BR?" Tanong ni Enzo.
"Ano pa edi B- " di na natapos ni Alex ang sasabihin dahil tinakpan ni Steven ang bibig nya.
"BETTER REASON, Best Relationship sana.. kaso di pa kami kasal.. saka na lang." Sagot ni Steven.
"Lizzie? Is that true?" Tanong bi Enzo.
Di na nakasagot pa si Alex dahil biglang nagsalita ang Kuya Jin nya.
"HOY PAANG TINUBUAN NG MUKHA! HINDI KAILANGAN NG KAPATID KO NA SAGUTIN ANG TANONG MO! AMBISYOSO TO. (tumingin sa mga kasama) Tara na nga! Nakaka imbyerna..(tumingin ng matalim kay Enzo).
Pumasok na si Jin kasunod naman nya si Alex at ang mga kaibigan.. maliban kay Steven.
Lumapit pa si Steven kay Enzo saka nagsalita.
"Narinig mo sabi ng Bayaw ko.. Nakaka imbyerna ka daw.. ang pangit mo kasi eh.. Hahaha.." saka sumunod kela Alex.
"Ang yabang ah.. tingnan na lang natin mamaya kung may ibubuga ka sakin." Sabi ni Enzo habang nakatingin sa likuran ni Steven.
------Nasa loob na ng Gymnasium ang maraming estudyante mula sa magkabilang School. Naghihintay na lamang sila na magsimula ang laro.
Bumulong muna si Steven kay Alex bago pumunta sa mga teammates nya.
"Master My Loves, cheer mo ko ah.. para ganahan ako maglaro."
"Ayoko nga.. tomboy ako tapos ichecheer kita? Eeeww..." Sagot naman ni Alex.
"Bigyan kita 10k deal? " Tanong ni Steven.
"10k? Okay deal." Sagot naman ni Alex.
"Bilis ah.. sinabi ko lang 10k payag ka naman agad." Tugon ni Steven.
"Aba 10k yun.. pang date din un sa chix na liligawan ko." Sagot naman ni Alex.
(Loko to ah.. sa babae ka pa talaga makikipag date.) Sa isip ni Steven.
"20k + isang buwang allowance ko, basta dapat sa akin ka lang makikipag date. Ano deal?" Tanong ni Steven.
"Wow 20k + allowance mo.. payag na ko.. Deal 😎" sagot ni Alex.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?