Part 29 : Follow your Dreams

53 5 0
                                    


Agad tumayo si Enzo, para lumabas. Sumunod naman sa kanya si Chris at Nicko.

Pagpasok nila, May lalaki ng hawak  ang mga bodyguard ni Enzo.

"Steven?" sabi ni Jin.

"Ah.. eh.. Hello sa inyo.." sagot ni Steven

"Ba't nandito ka?" Tanong ni Gelo.

"Nakalimutan mo na ba? linggo ngayon, andito sya para kay Alex.. makikibalita.." sagot ni Jin.

"Sabi ko na eh.. tama nga ako..
ikaw nga si Alex ko." Sabi ni Steven kay Alexis.

"Alex mo? bakit? kelan ba naging tayo?" Tanong ni Alexis.

"Ay na real talk.." sabat ni Nicko.

"My Loves naman eh.. oo di tayo naging official, pero mahal mo ko, at mahal kita, nagkamali man ako noon, pinagsisihan ko yun." Sagot ni Steven.

"Nung narealize ko ung mali ko, di ako tumigil sa paghahanap sayo, para itama ang mali ko." Dagdag pa ni Steven.

"Hindi sa sinisira ko yung moment mo Steven.. pero andito si Enzo? baka nakakalimutan mo?" Sabat ni Gelo.

"Ano naman? okay naman ako kay Enzo, thankful pa nga ako eh, kasi  niligtas nya si Alex ko." Tugon ni Steven.

"Eh di ba nga si Enzo yung-" di na natapos ni Gelo ang sasabihin.

''Tama na yang hanash mo Gelo. hayaan mo na si Steven, okay na si Alex, un ang importante." Sabat ni Jin.

"Sa 10 yrs. pinakita naman nya satin
yung pagsisisi nya. Kaya hayaan na
lang natin si Alex kung papatawarin
man nya o hindi si Steven." Dagdag pa ni Jin.

"Alexis kuya.. Alexis Lee. Yan na ang
itawag nyo sakin..  Not Alex." Sagot ni Alexis.

"Huh? bakit pa.. andito ka naman na, di mo na kailangan maging Alexis." Sabi ni Chris.

"Hindi pa kasi pwede kuya Chris, di pa kasi kami nakakasiguro na okay na talaga ang lahat, na di na sya hinahanap ni Kiro." Sagot naman ni Enzo.

"Sino ba yung ex nya?" Tanong ni Steven saka Umupo sa tabi ni Alex.

"Ang alam ko yung nag gaganito.." sabi ni Gelo habang dinedescribe ang cheerdancing.

"Ah si Maxine.. yung nagtour sa atin dati sa school." Sagot ni Kent.

"Diba deads na yun? naaksidente yun eh, tama ba? di nahuli ung naka bangga sa kanya?" Tanong ni Nicko.

"Ah naaalala ko na.. actually may hinala nun si Jedd na baka si Kiro ang may gawa, may sinabi daw kasi si Kiro nun, di ko lang maalala." Sabat ni Steven.

"Di mo talaga maaalala yun, kasi nga matanda ka na, ayan oh.. hahaha... may mga wrinkles ka na." Pang aasar ni Alexis.

"Bat mo alam na may wrinkles ako tinititigan mo ko noh.. Ayiee.. My Loves ako lang to si Steven mo." Sagot ni Steven.

"Ay ang feeling? bigla ka kaya umupo sa tabi ko? panong di ako mapapa tingin? ang lawak ng space sa tabi ni Kuya Gelo oh.. dito ka pa talaga?" Tugon ni Alex.

"My Loves, sabi "FOLLOW YOUR DREAMS", kaya nga tumabi ako sayo.. ikaw kasi yung dream ko.. pati laman ng dreams ko." Sagot ni Steven.

''Ay teka.. comeback na ba to? muling ibalik ang tamis ng pag ibig?" Sabat ni Nicko.

"Ay weh? ibalik kaya kita sa Mama moh? kakabalik lang ni Alex este Alexis.. yan agad bungad mo?" Sagot ni Kent.

"Sabi ko nga tatahimik na ko eh.. Si
Steven kasi.. pati ako nadadamay." Tugon ni Nicko

"Luh bat ako? wag ganun oi.. kami  lang ni My Loves nag uusap dito  sumabat ka lang eh.." sagot ni Steven.

"Ahm.. pasensya na Kuya Jin, sa inyo din, kailangan na kasi namin umalis ni Alexis. May pupuntahan pa kaming importanteng meeting." Sabat ni Enzo.

"Huh? ang bilis naman.. hindi ba
pwedeng dito muna si Alexis?" Sagot ni Kent.

''Aissh, di mo ba narinig importante daw.. babalik pa naman sila dito. Diba bunso? babalik pa kayo?" Sabi ni Jin.

"Yes kuya.. babalik kami promise." Sagot ni Alex.

"Enzo.. pwede ba kong sumabay?
Coding kasi ako eh.." tanong ni Steven.

"Coding? Linggo kaya ngayon!" Sagot ni Gelo.

"Aissh.. tumahimik ka nga, kontrabida ka na naman eh.." tugon ni Steven.

"Hahaha.. tama na yan.. sige na sumabay ka na samin." Sabat ni Alex.

(Tumingin kay Enzo)
"Okay lang naman diba?"

''Oo naman, basta gusto mo.. walang problema.." sagot ni Enzo.

"Sana all.. pag gusto okay lang." Sabi naman ni Kent.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon