Part 41 : Sana lagi tayong ganito

51 4 0
                                    


"BR, Mauna na ko sa kwarto ah,
maliligo lang ako." Sabi ni Alexis.

"Okay My Loves." Sagot ni Steven.

(Mukang mapapa sabak na naman ako sa labanan.) Sa isip ni Steven.

"My Loves hinandaan na kita ng
bihisan andito sa upuan malapit
sa pinto ng bathroom." Sabi ni Steven.

"Okay BR.. maliligo ka din ba?" Tanong ni Alexis.

(Ibig sabihin ba nya sa tanong nya
sabay kami maliligo? pero nakaligo
na ko eh? pero pwede naman ako
umulit diba, para sabay kami🤭) sa isip ni Steven.

"Oo My Loves, maliligo din ako..
papasok na ba ko? 🤭😁" Sagot ni Steven.

"Okay." Tugon ni Alexis.

Pumasok si Steven sa bathroom.

"Tapos ka na?" Tanong ni Steven.

"Oo bakit? sige na maligo ka na, lalabas na ko." Sagot ni Alexis.

"Akala ko pa naman sabay tayo,
naexcite pa naman ako.😮‍💨" Tugon ni Steven.

"Luh? wala naman ako sinabi na sabay tayo." Sagot ni Alexis.

"Bakit? nakita ko naman na lahat
yan ah.. wag mo sabihing nahihiya
ka pa sakin?" Tanong ni Steven.

"Hindi noh.. kaya lang ano kasi." Sagot ni Alexis.

"Ano?" Tanong uli ni Steven.

"Ayoko lang masanay..  baka kasi
mag expect na naman ako.. tapos..
iwan mo uli ako." Sagot ni Alexis.

Lumabas ng bathroom si Alexis
saka naupo sa kama. Nakasunod
naman sa kanya si Steven.

"My Loves, iba yung noon sa ngayon.
Oo nagkamali ako noon, pero di ibig
sabihin nun na mauulit ang lahat,
this time, wala ng iwanan okay." Tugon ni Steven.

"Naniniwala naman ako sayo, Pero
di mo maaalis sakin na matakot,
lalo na at di ko alam kung safe na
ba talaga ko dito o hindi pa." Sagot ni Alexis.

"Don't worry, magiging maayos din
ang lahat, okay?" Tugon ni Steven saka yumakap kay Alexis.

Yumakap din si Alexis sa kanya.

"Sana lagi tayong ganito noh." Sabi ni Alexis.

"Soon.. pag official na tayo.. I Love you My Loves." Tugon ni Steven.

"I love you too BR ko." Sagot ni Alexis.

Inangat ni Steven ang mukha ni Alexis, saka marahang hinalikan sa labi.. tinugon naman ito ni Alexis.

Di nagtagal, mas lumalim pa ito,
hanggang sa maglakbay na ang kamay nila sa isat isa.

Humiwalay ng bahagya si Steven
saka tumitig sa mukha ni Alexis.

"Do you want me to continue o
magpapahinga ka na? alam kong
pagod ka sa dami ng ginawa mo." Tanong ni Steven.

Pero bago pa makasagot si Alexis,
tumunog ang cellphone nya.

Tumatawag ang Kuya Jin nya.

Jin: Hello bunso, pwede bang dito
ka matulog ngayon? weekend
naman na, namimiss na kasi kita.
Kung okay lang sana sa inyo.

"Sige kuya.. no problem.. punta
na kami jan ngayon." Sagot ni Alexis.

Jin: Sige, hintayin namin kayo.

"Sige kuya, see you later." Sagot ni Alexis.

(end call)

Pagkatapos ng pag uusap nila ng kuya nya ay humarap sya kay Steven.

"Punta daw tayo kela kuya, dun
daw tayo matulog." Sabi ni Alexis.

"Teka My Loves.. ako isasama mo?" Tanong ni Steven.

"Sino pa ba? may nakikita ka bang
iba na di ko nakikita na pwede kong
isama kela kuya Jin?" Pabalik na tanong ni Alexis sa kanya.

"My Loves naman eh.. patawa ka na
naman, ang gusto ko lang sabihin,
baka kasi si Enzo ang inaasahan
nila na kasama mo, hindi ako." Sagot ni Steven.

"Hay hayaan mo na yun.. ako ng
bahala.. lika na.. punta na tayo." Tugon ni Alexis.

Habang nasa byahe.. di pa rin maiwasan ni Steven na mag isip ng kung ano ano.

"Sigurado ka ba talaga My Loves? kasi iniisip ko talaga si Enzo ang inaasahan nila eh." Sabi ni Steven.

"Hayaan mo na nga.. ako ng bahala dun. Isa pa wala naman dito si Enzo,
kaya pano ko naman sya isasama
diba? imposible naman un." Sagot ni Alexis.

Sa Bahay nila Jin..

Pagkababa ng sasakyan, agad na nagdoorbell si Alexis.

Agad na binuksan ni Jin ang pinto, pagkarinig ng tunog ng doorbell, at nagulat sya sa nakita.

"Hi Kuya, andito na ko" bati ni Alexis.

"Hi Kuya Jin." Sabi naman ni Steven.

"Anong nangyayari? bakit kayo magkasama?" Tanong ni Jin na naguguluhan ng makita sila na magkasama.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon