-- AFTER CLASS --Dumaan muna sila sa mall para kumain. Bumili din si Alex ng baseball bat para kay Nicko.
"Sure ka bang kay Nicko yan? Baka mamaya may babanatan ka lang ah.. dinamay mo pa si Nicko." Sabi ni Steven.
"Ay grabe sya.. kay Nicko yan.. sabi nya sasali sya sa baseball team, kaya regalo ko na to sa kanya." Sagot ni Alex.
--------Naglalakad na sina Alex at Steven. Tulad ng dati, ihahatid sya uli ni Steven pauwi sa bahay nya.
Medyo kinakabahan si Alex, dahil ngayon na nya sasabihin kay Steven ang nararamdaman nya.
(Kaya ko to.. Fighting) sa isip ni Alex.
"Steven sandali... May sasabihin sana ako sayo.." sabi ni Alex saka huminto sa paglalakad.
"Ano yun? May kailangan ka ba?" Tanong ni Steven.
Huminga ng malalim si Alex, saka nagsimulang magsalita.
"I like you Steven.. shit nakakahiya🫢" Sabi ni Alex.
"Sorry di kita Type.. Ayoko sa tomboy!" Sagot naman ni Steven.
"Huh? Pinagtitripan mo ba ko? Kung ayaw mo sakin bakit ka nanliligaw? Bakit tayo nagdadate?" Tanong ni Alex.
"Kelan ko sinabing liligawan kita? Oo niyaya kita magdate, pero di ko sinabing liligawan kita." Sagot naman ni Steven.
"Wala kong planong pumatol sa pamangkin ng taong sumira sa pamilya ko! Isa pa dare lang naman ito eh." Dagdag pa ni Steven.
"Dare?" Tanong ni Alex.
"Oo dare.. at para makaganti sa tita mong sumira sa pamilya ko. Naging mabait lang naman ako sayo dahil kay Chris, yun lang un." Sagot ni Steven.
"Tita? Ginawa mo to dahil kay Tita? Steven, nagkakamali ka walang-" di na natapos pa ni Alex ang sasabihin nya dahil biglang nagsalita si Steven.
"STOP! I hate that Tomboy and I hate you dahil pamangkin ka nya.. parehol lang kayo.. mga nakakadiring tomboy."
"Pero Steven.. mali ang intindi mo.. nagkakamali ka! Walang kina-" di uli natapos ni Alex ang sasabihin nya dahil muling nagsalita si Steven.
"I SAID STOP! (Nakasigaw) di ka ba makaintindi? Tapos na ko sayo cause its all a DARE, I.. DON'T... LIKE.. YOU!"
"So all along pinaglalaruan mo lang pala ako? Katulad ka lang pala ni Enzo, pinaniwala nyo lang ako.. MGA SINUNGALING!!" Tugon ni Alex.
Biglang dumating ang mga kateam ni Steven, at vinivideohan si Alex.
"Woah.. bakit ka nagagalit kay Steven? Eh ikaw tong naniwala na my kayo! Di ka naman nililigawan diba?" Sabi ni Renz.
"Di naman kasalanan ni Steven kung easy to get ka. Kunwari 'tomboy' pero lalaki ang gusto.. kadiri." Sabi naman ni Kiro.
"Ang sama nyo! Wala naman akong ginagawa sa inyo ah.. pero bakit ginagawa nyo sakin to?" Tanong ni Alex.
"Sana sinunod ko na lang yung gusto ko. Sana di na ko nakinig kay Kuya Jin. Eh di sana.. di nangyari ang lahat ng to." Dagdag pa ni Alex.
"Di ko kasalanan na kung tanga ka. May choice ka naman pala, di mo pinili. Ginusto mo rin to, kasi umasa ka na merong tayo." Sagot ni Steven while smirking.
"Wag kayong ganyan.. iiyak na sya oh.. (nagtawanan) tsaka ano sabi mo? Walang kasalanan? F.y.i binugbog mo kami dati.. pabida ka kasi sa mga nabubully." Sagot ni Jedd.
*Sobbing "Kaya pala pamilyar kayo sakin, kayo pala yung mga bully.. hula ko pati yung ginawa nyo kay Steven nun, kasama sa plano nyo sakin noh." Sabi ni Alex.
"Eh ano kung kasama nga? Panalo kami talo ka! Umiyak na lang.. WEAK!" Sabi naman ni Quinn.
"At sino naman nagsabi na wala akong magagawa? (Kinuha ang biniling baseball bat) I don't forget.. I make even!" Sagot ni Alex habang nakatingin sa kanila na kahit anong oras eh susugod para saktan sila.
Napaatras sila.. saka tumakbo pero nagkamali ng nalikuan, wala na silang lalabasan.
"Stop.. anong balak mo? Alex pwede kang masuspend sa gagawin mo." Sabi ni Steven.
"Ano naman? Pwede naman ako mag aral sa ibang bansa. Pero kayo sisiguraduhin kong di na kayo makakapag basketball uli." Sagot ni Alex, while smirking.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?