Part 4 : NaShookt si Steven

113 7 0
                                    


Naglalakad na pauwi si Alex ng may mapansin sya na mga Lalaki.. na sa pakiwari nya, meron silang pinagtitripan.

"Hala si Boy Regla ba yun?" tanong ni Alex sa sarili.

Lumapit si Alex sa mga ito.

"Hoy mga unggoy! Lubayan nyo sya! Wala ba kayong magawa sa mga buhay nyo kaya nantitrip kayo?

Guy 1: Wow may pabida pala dito.. tibu nga lang.

Napatingin si Steven sa direksyon kung nasaan si Alex.

"A-Alex? Umalis ka na dito.. tumakbo ka na bilis.

Guy 2: Umalis ka na daw tibu, at pag nagsumbong ka, humanda ka samin.

"Bat naman ako maghahanda? Eh di ko naman birthday." Sagot ni Alex.

Guy 3: Loko to ah.. yari ka samin ngayon.. epal ka ah.

"Alis na Alex.. hayaan mo na ko dito.. tumakbo ka na.. dalian mo.." saad ni Steven.

Guy 4: Too late, patay samin yang tomboy na yan.

Napasigaw si Steven..
"ALEX"

Agad na lumapit ang mga ito kay Alex, pero di ito nakaramdam ng takot o natinag man.

"Bugbugan pala gusto nyo ah, tara game ako.." matapang na saad ni Alex.

Napatulala si Steven sa mga sumunod na pangyayari..

"Sh*t ang galing nya.."

Madali lang kasi na naiiwasan ni Alex ang mga pag atake nila.

"Ano yan lang ba ang kayo nyo? Puro yabang lang pala kayo eh.." saad ni Alex.

Suntok, sipa ang binigay ni Alex sa kanila. Apat sila, pero wala silang nagawa laban kay Alex.

"Kung nakipag suntukan pala ko sa kanya, taragis kawawa ako.. Jin salamat sa pag awat." Bulong ni Steven sa sarili.

"Ano kaya nyo pa? Wala pala kayo eh. Ang yayabang nyo pa, eh mga bano naman pala kayo." Saad ni Alex sa kanila.

Napatingin ito kay Steven. Nakita nya itong nakatulala sa kanya at nakanganga pa.

"Bibig mo hoy! Pakisara! Tara na.. tayo na jan.." utos nito kay Steven.

Inalalayan nya sa pagtayo si Steven. Nilagay ni Alex ang braso nito sa balikat nya upang maalalayan ito sa paglalakad.

Napatingin uli si Steven kay Alex.

Napatingin si Alex sa kanya. Saka ito nagsalita.

"Oh ano? Mag iinarte ka? Magrereklamo ka? Punta ka ng Barangay! Umayos ka.. ikaw na tinutulungan ko.

(Tiisin mo muna Steven, ngayon lang to.) Wika ni Steven sa sarili.

"Wala naman akong sinasabi ah.

Naglakad na sila papunta sa bahay ni Alex.

- Sa bahay ni Alex -

"Kaninong bahay to?" Tanong ni Steven.

"Malamang sa amin.. alangan naman sa inyo.. duh?" Sarkastikong sagot ni Alex.

"Tinatanong kita ng maayos eh." Sagot ni Steven.

"Tanga mo naman kasi. Tatanong ka pa, alangan naman dalhin kita sa ibang bahay, edi nakasuhan pa ko dun." Sarkastikong saad ni Alex.

Ginamot ni Alex ang mga sugat nito
Gustuhin man nya na sa ospital ito dalhin, ayaw naman nito pumayag.

"Yan okay na.. pahinga ka lang jan.. tawagan ko lang si Kuya Chris, para masundo ka na..

"Di mo man lang ba ako aalukin para kumain? Wala bangng pameryenda?" Tanong ni Steven.

"Ay bakit? Diba sabi mo may pera ka naman.. Kayang kaya mo bumili, edi bumili ka na lang dun ng sarili mong pagkain." Dagdag pa ni Alex.

Akmang tatayo na si Steven, nang pigilan sya ni Alex.

"Maupo ka lang jan, ikaw naman binibiro ka lang, siniseryoso mo agad.
Umupo ka lang jan, Muling saad ni Alex.

"Kukuha lang ako ng pagkain wag ka sana magiinarte sa pagkain dito ah." Dagdag pa ni Alex.

"Grabe naman.. ganyan ba ko kaarte sa paningin mo?" Tanong ni Steven.

"Gusto mong sagutin ko yan?" Taas kilay na sagot ni Alex.

"Wag na pala.. mag meryenda na lang tayo. Medyo nagugutom na ko eh." Sagot ni Steven.

Habang nagmemeryenda..

"Kayo lang ba ni Jin ang nakatira dito? Tanong ni Steven.

"May nakikita ka pa bang iba na di ko nakikita? Sagot naman ni Alex.

"Alex naman eh." Reklamo ni Steven.

"Joke lang naman pikon nito agad. May regla ka na naman noh?" Sagot ni Alex.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon