Part 47 : 'Kiro'

43 5 0
                                    


Pinagmamasdan nito ang bawat
kilos ni Alexis. Pero ilang sandali
pa, tuluyan na itong lumapit sa
kanya.

Iniabot nya ang panyo kay Alexis,
na kinuha naman nya agad at saka
ipinunas sa mga mata. Pero agad
din natigilan at napaisip kung sino
ang nagbigay sa kanya ng panyo.

Laking gulat nya, nang makita nya
kung sino ang nag abot ng panyo
sa kanya.

(Kiro) sa isip ni Alexis.

Bakas sa mukha ni Alex ang pagkatakot ng makita si Kiro. Pero imbes na saktan sya nito, pag aalala ang nasa mukha nya ng makita na tila natakot sa kanya si Alexis.

"Wag ka matakot di kita sasaktan,
nakita lang kasi kita na umiiyak kaya
naisipan kong lapitan ka." Sabi ni Kiro.

Nakatingin lang sa kanya si Alexis. Na tila naguguluhan.

"Baka nagtataka ka kung pano ako
nakapasok dito, ah kasi, yung friend
ko pamangkin sya ng caretaker dito."
Sabi pa ni Kiro.

"May pinahatid kasi yung Mama nya,
para sa Tito nya, kaya sinamahan ko,
pasensya na kung natakot kita. By
the way I'm Akihiro, Kiro for short." Pakilala ni Kiro.

Naguguluhan man si Alexis, sa nangyayari.. tinanggap pa rin nito ang kamay ni Kiro at nakipagshake hands.

(Hindi nya ba ko naaalala?) Sa isip ni Alexis.

"Alexis.. I'm Alexis." Pakilala naman niya. (smile at him)

"Yan nakangiti ka na, mas bagay sayo pag nakangiti. Ang ganda mo pa naman." Puri ni Kiro sa kanya.

"Thank you. 😊" Sagot ni Alexis.

(Mukang di nya nga ko naaalala) sa isip ni Alexis.

"Sorry to ask this, pero.. nagkita na
ba tayo? you look so familiar. di ko
lang alam kung saan ba kita nakita." Tanong ni Kiro.

"Luh? pinagsasabi mo?" Sagot ni Alexis.

(Sh*t, patay na.. naaalala pala ko 😭 kala ko hindi.. HELP!!) Sa isip ni Alex.

(Lord pag ako niligtas mo now, uuwi
na ako sa di ko Jowa pero mahal ko,
makikipagbati na ko promise) sa isip pa rin ni Alexis.

Biglang lumapit ang isa pang lalaki,
kaya mas lalong kinabahan si Alexis.

(Pano kung mas marami pala sila
na nandito ngayon? di ko sila kaya
na ako lang mag isa.) Sa isip pa rin ni Alexis.

"Hoy Kiro kanina pa kita hinahanap,
alis na tayo.. andito daw yung
pamangkin ng May ari. Baka masita
si Tito, mahirap na." Sabi ng kaibigan ni Kiro.

"Sya ba tinutukoy mo? nakita ko kasi sya galing sa loob ng bahay." Tanong ni Kiro sa kaibigan.

Napatingin itokay Alexis.

"Oh.. mukang sya nga.. ah Miss pasensya na ha.. aalis na kami, may inabot lang ako sa Tito ko. Andrew nga pala." Pakilala nito, at gustong makipagkamay sa kanya.

"Alexis.. I'm Alexis. Nagulat lang ako
na makita yung kaibigan mo, since
private property to." Sagot ni Alexis.

"Wait.. your Alexis? as in Alexis Lee?
yung model and jewelry designer?" Tugon ni Andrew.

"Kilala mo sya?" Tanong ni Kiro.

"Ano ka ba, sya yung nasa magazine
na pinakita ko sayo.. yung photos nya diba nasa Laptop ko." Sagot ni Andrew.

"Ah.. naalala ko na.. kaya pala muka
syang familiar.. sya pala yun. Ahm..
sige Ms. Lee alis na kami di ka na
namin iistorbohin." Tugon ni Kiro.

"Teka.. chance ko na to eh.. pwede
humingi ng autograph?" Tanong ni Andrew kay Alexis, saka naglabas
ng ballpen at papel.

"Sure." Sagot ni Alexis.

Pinirmahan naman agad ni Alexis ang papel na binigay ni Andrew, saka nagpaalam sya na papasok na sa loob ng bahay.

"Kinabahan ako dun ah.. pero dahil
niligtas ako ni Lord mapipilitan na ko
umuwi sa di ko jowa pero mahal ko."
Sabi ni Alexis pagpasok sa loob ng bahay.

Meanwhile..

"Hoy.. tara na.. bat natutulala ka pa
jan. Wag mo sabihin na gusto mo din ng autograph?" Tanong ni Andrew kay Kiro.

"No.. pakiramdam ko kasi nakilala ko
na sya dati.. di ko lang matandaan." Sagot ni Kiro.

"Imposible naman ata yun. Ang alam
ko sa U.S talaga sya nakatira, dun din sya nag aral. Baka kamuka lang nya yung naiisip mo." Tugon ni Andrew.

"Hindi ko alam. Sana nga mali ako.
Pero kung tama man hinala ko at
magkakilala nga kami. I need to
know kung sino ba talaga sya." Sagot ni Kiro.

Nagvibrate ang phone ni Kiro.
Someone messaged him.

"Tingnan mo nga naman angpagkakataon

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Tingnan mo nga naman ang
pagkakataon." Sabi ni Kiro.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon