Part 14 : Let the Game Begins🔥

52 6 0
                                    


Tumingin si Steven kay Enzo.

"Ano ka ngayon." Sabi ni Steven.

"Yabang ah.. tingnan na lang natin.. kung may ibubuga ka sa akin mamaya." Sagot ni Enzo.

--------------

Ilang sandali pa.. nagsimula na ang laban.

Simula pa lang ng game ay grabe na ang pagbabantay ni Enzo kay Steven.

"Tingnan natin kung talagang may ibubuga ka sakin." Sabi ni Enzo.

"Basta ba wag kang iiyak." Sagot naman ni Steven.

Si Steven ang unang nakapuntos sa magkabilang panig.

Na-amaze naman si Alex sa pagshoot at pagpuntos ni Steven.

(Pasok ah.. parang ikaw.. pasok na ata sa puso ko.. ano daw?) Sa isip isip ni Alex.

Nakapuntos din sa kabilang panig si Enzo.

Muli namang nakapuntos din si Steven.

At pumuntos din uli sa kabilang panig si Enzo.

"Ano yan lang ba kaya mo? Wala ka naman palang kwenta eh" Pagyayabang ni Enzo kay Steven.

"Pare.. mukang trip ka nyan ah.." sabi ni Quinn kay Steven.

"Oo.. ex kasi yan ni Alex." Sagot naman ni Steven.

Sunod sunod ang naging puntos ni Enzo at ng mga kateam nya. Kaya sa pagtatapos ng 1st half ay lamang sila ng 10 puntos laban sa team ni Steven.

Napansin ni Alex na patungo si Enzo sa team ni Steven, na para bang meron itong pinaplano.

"Kuya.. bababa lang ako.. ito kasing si Enzo mukang naghahamon ng away.. ako na uupak." Pagpapaalam ni Alex kay Jin.

"Sige Bunso.. Go.. sama mo na tong si Gelo.. ayiee..  pagtanggol mo yung Steven My Loves mo 🫢." Sagot naman ni Jin.

"Kuya naman eh.. grabe ka sakin.. judger mo.. di ka naman Judge.. makababa na nga." Tugon naman ni Alex.
-----

Nilapitan ni Enzo si Steven.

"Ano na Steven.. tambak na kayo.. may ibubuga ka pa ba?" Pang aasar ni Enzo kay Steven.

"Half time pa lang brad.. wag ka muna masaya.." sagot ni Renz.

"Di pa tapos ang game ha.. wag muna masyadong masaya.. baka masaktan ka." Sagot naman ni Quinn.

"10 pts. lang lamang nyo Brad, masaya ka na nyan? The audacity.." sagot naman ni Jedd.

"Wag nyo naman masyado asarin.. iyakin pa naman yan.." sabi ni Alex ng makalapit ito sa kanila.

Hindi na sumagot pa si Enzo. Umalis na lamang ito agad.

"Ano nangyari sayo? Bakit iika ika ka?" Tanong ni Alex kay Steven.

"Tinuhod kasi sya ng ex mo." Sagot ni Jedd.

"Oo tinuhod nya ung hita ko." Sagot din ni Steven.

"Tinuhod? Aba loko un ah.. teka nga!"
Inis na sabi ni Alex.

"Oi kalma.. nasa game kami." Sagot naman ni Renz.

"Bakit kasi di tinawagan ng foul!" Naiinis na tanong ni Alex.

"Madalas kasi, sa may hawak lang ng bola nakatingin yung referee. Kaya di na napapansin pa yung iba." Sagot naman ni Quinn.

"Sobrang sakit ba?" Tanong ni Alex kay Steven, saka minasahe ang hita at binti nito.

"Di naman na masakit.. nandito ka na eh. Okay na ko." Sagot naman ni Steven.

"Echusero.. may bayad to ah.. di to kasama sa usapan natin." Tugon naman ni Alex.

"Oo ba, basta sabi mo eh."sagot naman ni Steven.

Nakatingin naman sa kanila si Enzo, inis na inis.
----------

Magsisimula na ang second half. Nakapwesto na ang lahat para sa Jump ball.

Habang nagjump ball ang 2 team. Nag uusap naman si Alex at Gelo.

"Kuya Gelo.." bungad ni Alex.

"Bakit?" Tanong naman ni Gelo.

"Yung mga kateam kasi ni Steven, pamilyar sakin. Feeling ko parang nakilala ko na sila dati." Sagot ni Alex.

"Ano ka ba, varsity player sila eh.. natural makikilala mo sila.. sikat kaya sila sa mga chix mo." Tugon naman ni Gelo.

"Kunsabagay.. tama ka dun." Sagot naman ni Alex.

Ilang sandali pa.. nagpakawala ng puntos si Steven.

"Nice shot.. Go Steven My Loves." Sigaw ni Alex.

"Go Steven kaya nyo yan." Sigaw din ni Gelo.
-------

Kiro: Nice shot Pre..

"Simula na ng totoong laro." Tugon naman ni Steven.

Muli namang sumigaw si Alex.

"Steven.. Steven.. Steven.. Go Steven My Loves...

Tumingin kay Gelo.

"Yoko na.. nakakahiya.. sira na talaga reputasyon ko dito."

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon