Part 31 : Mahal din kita

76 5 0
                                    


"Si Alex yun ah.. bat walang bantay?" Sabi ni Steven.

Sinundan nya si Alexis na
tumatakbo pababa ng fire exit.

"Ano kayang nangyayari? bakit kaya to tumatakbo? asan kaya mga bantay nito?" Tanong ni Steven sa sarili.

Sa parking lot..

Agad na sumakay si Alexis ng kotse. Kaya sumakay na rin si Steven ng sasakyan nya.

"Oo nga pala, naka track nga pala tong sasakyan kay Enzo. Pag ito ginamit ko alam nya agad kung nasaan ako." Sabi ni Alexis.

Bumaba si Alexis ng sasakyan,
saka lumabas ng parking lot.

"Oh ano na naman nangyari? bat sya bumaba?" Tanong uli ni Steven sa sarili nya.

Hindi na bumaba pa ng sasakyan si Steven. Sinundan na lamang nya si Alexis hanggang makasakay ito ng Taxi.

Nakasunod lang si Steven sa kanya hanggang sa huminto ito sa Bar.

Pagpasok sa loob, dumiretso agad si Alexis sa Bar counter.

Nakasunod pa rin si Steven sa kanya, hanggang sa makaorder na to ng drinks.

"Hey.. dahan dahan lang.. baka malasing ka kaagad nyan. Naka 3 glass ka kaagad." Sabi ni Steven.

"Pakialam mo ba? tsaka bat ka andito? sinusundan mo ba ko?" Sagot ni Alexis.

"Yup, nakita kasi kitang tumatakbo
tapos wala ka pang guards, kaya
sinundan kita agad, mahirap na." Tugon ni Steven.

"Haist.. hindi ba pwedeng hayaan mo na lang ako.. gusto ko lang naman uminom." Sagot ni Alexis.

"Pwede naman pero hindi dito, baka mabastos ka pa." Tugon ni Steven

"Saan naman ako iinom? sa bahay mo? may drinks ba dun?" Sagot ni Alexis, saka muling uminom uli ng alak.

"Bilis mo naman My Loves gusto mo agad sa bahay ko. Pwede naman, marami akong drinks." Tugon ni Steven.

Biglang tumayo si Alexis.

"Teka san ka pupunta?" Tanong ni Steven.

"Duh? edi sa bahay mo.. sabi mo marami kang drinks.. tara na.. gusto ko pa uminom." Sagot ni Alexis.

Habang nagdidrive, di maiwasan ni Steven na sulyapan si Alexis, bakas kasi sa mukha nito ang kalungkutan.

("Ano kayang problema mo
My Loves?") Tanong ni Steven sa isipan nya.

"Nice, ang ganda ng bar counter ah.
Daming alak, dito mo siguro niyaya
yung mga nagiging girlfriend mo." Sabi ni Alexis.

"Girlfriend? Wala ako nyan mula ng umalis ka. Nagfocus lang ako sa pag aaral, at sa paghahanap sayo. Hanggang sa grumaduate ako at nagkatrabaho." Sagot ni Steven.

Naglabas naman si Steven ng 2 glass, kumuha na rin sya ng wine at iba pa na baka gustong inumin ni Alexis.

Kinuha naman agad si Alexis ang whiskey at yelo saka nagsalin sa dalawang baso.

"Kasalanan mo, kung di mo sana ako
sinaktan baka naging tayo, or baka
tayo pa hanggang ngayon." Tugon ni Alexis.

"Yeah, at walang araw na di ko yun
pinagsisisihan. Kung nakinig lang sana ako sayo noon, baka naging tayo.. baka asawa na kita ngayon."
Sagot ni Steven saka ininom ang whiskey.

"May pagkain ba dito? parang
nagutom ako." biglang sabi ni Alexis saka tumayo.

"Dito ka na lang.. ako na ang kukuha." Sagot ni Steven saka pumuntang kusina.

-- Time Skip --

Marami na silang nainom at kapwa may tama na.

"Bat ka nga pala tumakas kanina?
may problema ba? share mo sakin
makikinig ako." Tanong ni Steven na medyo lasing na.

"Babalik kasi sya ng U.S, pero di nya
ko isasama. kailangan daw sya ni Mira, eh kailangan din ako ni Mira.
Pero iiwan nya ko dito." Sagot ni Alexis.

(Mira? sinong Mira? anak nila?
may anak na sila?) Tanong ni Steven sa isipan nya.

"Ganyan mo ba kamahal si Enzo? kaya gusto mo sya laging kasama, kaya ba ayaw mo na umuwi dito?"
Tanong ni Steven.

Sunod sunod ang inom ni Steven.
Nahalata to ni Alexis at nakita nya ang nangingilid na luha sa mga
mata ni Steven.

"Ang drama mo BR.. wag ka na umiyak, ang pangit mo.. sabi mo nun di bagay satin yan." Sagot ni Alexis.

"Nagseselos kasi ako, My Loves, Mahal na mahal kita, kaso si Enzo na ang mahal mo." Tugon ni Steven.

''Tanga Mahal din kita! mula noon
hanggang ngayon. Ikaw lang.'' Sagot ni Alexis.

Napatitig si Steven kay Alexis, hinawakan nya ang muka nito then he kissed her lips.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon