Nabigla din si Steven at napatakip ng bibig habang dahan dahang lumalayo kay Alex."Steven Min..!!! Nakakarami ka na ah.." reklamo ni Alex.
"Bawi ka na lang sa Next life, Master My Loves.." Natatawang sagot ni Steven habang pumapalakpak pa.
Weeks passed at patuloy naging malapit ang loob ni Alex kay Steven.
Sa ilang linggo kasi na yun, lagi syang hatid sundo ni Steven, at twice a week sila kung magdate.
Ramdam ni Alex na naiinlove na sya kay Steven.. at alam nya na di na nya madadaya pa ang sarili.
Natatakot siyang magtake ng risk, pero sa tuwing nakikita nya si Steven sa mga effort nito para sa kanya, at sa mga sinasabi nito na nagboboost ng confidence nya para gawin ang gusto nya. Feeling nya ito na talaga at handa na sya na pumasok sa relasyon uli.
--------Sa Bahay nila Alex...
-Thursday- -Afternoon-Nasa bahay lang sina Alex kasama sina Kent at Nicko. Wala silang pasok ngayon dahil may Seminar ang mga Teacher's sa school nila.
"Ulitin mo nga yung sinabi mo... aamin ka na kay Steven na gusto este mahal mo sya?" Sabi ni Kent.
"Oo nga.. paulit ulit.. unli unli?" Sagot ni Alex.
"Yun oh.. sa wakas. Ayieee.." Sagot naman ni Nicko.
"Sigurado ka na ba? Pinag isipan mo na bang mabuti yang gagawin mo? Tanong uli ni Kent.
"Oo sa tingin ko naman, ready na ko uli." Sagot ni Alex.
"Kung sigurado ka na talaga.. edi go na.. push na yan.." Tugon ni Kent.
"Secret muna natin to ha, tayong 3 palang ang nakakalam nito. Wag nyo pagkakalat lalo ka na Nicko." Sagot ni Alex.
"Hmm... Oo naman.." Sagot ni Nicko na may hawak na cellphone na parang may tinatype.
--Meanwhile--
Sa loob ng Gymnasium...
"Mukang masaya ka ah, si Alex ba yang katext mo." Sabi ni Jedd.
"Hindi yung kaibigan nya. May sinabi lang sakin." Sagot ni Steven.
"Kaya pala masaya ka, tungkol kay Alex yun noh." Sabi naman ni Quinn.
"Yeah." Sagot ni Steven.
"Wag ka munang masaya, di pa nya sinasabing gusto ka nya." Sabi naman ni Kiro.
"Actually, aamin na nga daw sabi ng friend nya." Sagot naman ni Steven.
"Then let's see.. kung talagang inlove na ba sayo si Alex." Sabi naman ni Renz.
--Kinabukasan-- --Friday--
- Morning -
Sabay na pumasok sa School si Alex at Steven.
"My Loves punta lang ako sa court ha, wag mo ko masyado mamimiss.. balik ako agad.." Sabi ni Steven.
("Shit ganda ng ngiti, yung puso ko naman oh.") sa isip ni Alex.
"Uy bhe kelan mo pala sasabihin sa kanya yung feelings mo?" Tanong ni Kent.
"Mamaya.. paghinatid nya ko pauwi." Kinikilig na sabi ni Alex.
"Naks, goodluck kaya mo yan bhie." Tugon ni Kent.
"Thank you, kinakabahan ako na naeexcite para mamaya." Sagot ni Alex.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?