Part 20 : Nawawala si Alex

46 4 0
                                    

-- Sa Hospital --
       -SATURDAY-

Magkasamang pumunta sa ospital sina Jin at Chris para puntahan si Steven. Matapos kasi ang nangyari kahapon ay di na umuwi si Alex.

Sa labas pa lang ng kwarto, dinig na dinig na ang mga kateam ni Steven na si Alex ang sinisisi sa nangyari sa kanila.

Nasa loob kasi ng kwarto na yun ang principal ng school nila at mga pulis, para alamin ang nangyari sa kanila.

"Sinabi ko na sa inyo, si Alex ang may gawa nito samin, bat ba kasi ayaw nyo maniwala." Sabi ni Quinn.

"Kaya nga, paulit ulit na namin sinabi sa inyo, si Alex nga sabi. Siya ang may gawa nito samin." Dagdag pa ni Renz.

"Mahirap paniwalaan ang mga sinsabi nyo. Imposibleng sya ang may gawa sa inyo nyan." Sagot naman ng pulis.

Biglang pumasok si Jin.

"Imposible talagang kapatid ko ang may gawa nyan. (Pinakita ang video sa phone) hindi si Alex ang may gawa nyan sa inyo."

Sa video na nasa phone ni Jin,  makikitang umaatras sila, pero hindi si Alex ang naroon kundi 7 lalaki na may dalang tubo at baseball bat.

Ang isa pala sa kanila ay pinagtripan ng mga kateam ni Steven. Kaya naman, gusto nito gumanti sa kanila. Kung kaya't, inatake sila ng mga ito at sinaktan sila.

Inatake sila nito sa kabi-kabila at wala silang nagawa para makalaban sa mga ito. Swerte naman na nagkaroon si Steven ng pagkakataon na makatakas at makahingi ng tulong sa kabila ng mga natamo nitong bugbog sa katawan.

Pero pagbalik nya, wala na ang mga lalaki. Naiwan na lamang ang mga kateam nya na nakahandusay at duguan. Natapos ang video sa pagdating ng mga pulis.

"Nakita nyo na officer? Hindi kapatid ko ang may kasalanan ng nangyari sa kanila." Sabi ni Jin.

"Sila pa nga tong may ginawa sa kapatid ko eh. Ito oh, may isang video pa na sinend sakin." Dagdag pa ni Jin.

Nakunan sa video ang pag amin nila na dare lang ang lahat. Na ginawa lang ito ni Steven para makaganti sa tita ni Alex dahil sa pagsira daw nito sa pamilya nila. Maging ang mga pang iinsulto nila sa pagiging tomboy ni Alex.

Natapos ang video sa pagtalikod ni Alex na umiiyak, habang sila naman ay nagtatawanan.

"Mr. Principal hindi ko palalagpasin ang ginawa nila sa kapatid ko. (*Sobs) Hanggang ngayon, di pa rin umuuwi si Alex. Kagabi pa po namin sya hinahanap." Umiiyak na sabi ni Jin.

"Tumawag sya kagabi, kagabi.. iyak ng iyak.. dahil sa ginawa sa kanya ng mga yan! Ito po nirecord ko." Dagdag pa ni Jin.

-play the recording-

Jin: Hello bunso? Asan ka na? Gabi na ah bat di ka pa umuuwi?

Alex: Kuya! (*Crying)

Jin: Umiiyak ka? Bakit ano nangyari?

Alex: Kuya.. di ako gusto ni Steven. (*Sobs) dare lang pala to lahat. Ginawa lang din nya to para makaganti kay Tita, kasi iniisip nya na si Tita ang sumira sa pamilya nya. (*Sobs).

Jin: What? Walang kasalanan si Tita, at mas lalong wala kang kasalanan dun.

Alex: Di nya ko pinakinggan kuya.. (*sobs) ang sakit sakit.. pareho lang pala sila ni Enzo. (*Sobs) Pinaglaruan lang nila ko. Kuya.. di ba ko deserving mahalin? Bakit lagi na lang ganito? Ayoko na kuya.. suko na ko.. I'm sorry kuya..(*humagulgol).
    
                        -end call-

Jin: Hello bunso? Sandali.. Alex! Jusko.. (*crying) Chris.. Anong gagawin ko, baka may mangyari na naman sa kapatid ko.

Chris: Hahanapin natin sya okay.. mahahanap natin uli sya..

Jin: Paano kung- (*sobs) paano kung magpakamatay sya uli.. jusko ang kapatid ko.. (*crying)

--end of recording--

Hindi na napigilan ni Jin na muling mapaiyak. Niyakap naman sya agad ni Chris para pakalmahin.

"Isend nyo po sa akin ang 2 video at recording. Gagamitin po natin na ebidensya, At pag wala pa rin pong balita sa kanya after 24 hrs. Mula ng tumawag sya, gaganawan na po natin ng report as a missing person." Sabi ng pulis.

After maisend ni Jin ang mga video at recording ay umalis nandin agad ang mga ito. Ayon naman sa principal nila, Magfifile sya ng expulsion para sa mga ginawa nilang pambubully, hindi lamang kay Alex ngunit maging sa iba pang estudyante, at para na rin sa pagpeframe up nila kay Alex sa nangyari sa kanila.

Umalis na rin ang principal nila at naiwan na lamang si Jin at Chris kasama nila Steven at ng mga kateam nito.

Isang malakas na sampal ang binigay ni Jin kay Steven.

"Walang kinalaman ang tita namin sa nangyari sa pamilya mo. Daddy mo ang may kasalanan kung bakit sila naghiwalay, dahil sa pagkalulong nya sa sugal, sinasaktan na nya ang Mommy mo." Sabi ni Jin.

"Tinulungan lang ng Tita namin ang Mommy mo na makatakas sa Daddy mo. Yun ang totoo! Wala silang relasyon na dalawa." Dagdag pa ni Jin.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon