Part 27 : Home

39 4 0
                                    

-- Time Skip --

-- After 2 days --

Sa bahay nila Jin...

Abalang nagluluto si Jin ng pananghalian nila ni Chris, nang makarinig sya ng sunod sunod na pagdodoorbell.

"Love... pakitingnan mo nga.. may tao sa labas, nagdodoorbell.. nagluluto kasi ako". Pakisuyo ni Jin kay Chris.

Bumaba naman ito mula sa kanilang kwarto.

"Okay Love, ako na bahala." Sagot naman ni Chris.

Pagbukas nya ng pinto.. laking gulat nya ng makita si Alexis at Enzo.

"Oh my God.. Love... Love.. pumunta ka dito dali.. mamaya mo na ituloy yang niluluto mo." tawag ni Chris kay Jin.

"Huh? Bakit.. sino ba yang dumating?" Tanong ni Jin.

Nagmamadali syang patayin ang stove, saka tinanggal ang apron para puntahan si Chris sa pintuan.

Pagdating sa sala.. nagulat sya ng makita kung sino ang dumating na nasa pintuan.

"Alex." Sigaw ni Jin.

Napatakbo ito papunta sa kapatid. Niyakap nya ito agad, at naiyak.

"Bunso.. ikaw nga.. jusko.. halika.. pumasok ka.. miss na miss na kita..  anong nangyari sayo?" Sunod sunod na sabi ni Jin.

Agad namang pumasok si Alex at Enzo, saka naupo sa sofa. Si Chris naman ay nagtungo sa kusina para kumuha ng maiinom nila.

"Kuya.. I miss you din.. I'm sorry, kung ngayon lang ako nagpakita sayo." Sabi ni Alexis

"Okay lang bunso.. ang mahalaga andito ka na.. magkakasama na uli tayo. Sobrang namiss kita.. akala ko nun..(*sobs) wala ka na.. na iniwan mo na ko.." sagot ni Jin.

"I'm sorry kuya.. di ko naman gusto na iwan ka.. pero kailangan.. sana maintindihan mo ko." Tugon ni Alexis.

"Tell me.. ano bang nangyari sayo? Tsaka bakit magkasama kayo ni Enzo?" Tanong ni Jin.

"Ahm.. kuya pwede bang kumain muna tayo? Namiss ko na kasi luto mo eh.. tsaka papuntahin mo na rin yung iba.. namiss ko na rin sila eh." Sagot ni Alexis.

"Okay sige.. basta mamaya ha.. ikwento mo lahat." Tugon ni Jin.

Agad na tinawagan ni Jin ang mga kaibigan para papuntahin sa bahay nila.

--- Time Skip ---

"Kuya Jin, andito na kami." Sabi ni Kent.

Nagulat si Kent ng makita si Alexis na nakaupo sa sofa at katabi ni Jin. Sa isang sofa naman naman andun si Chris at Enzo.

"Oh my God! Si Alex ba to? Bat kasama si Enzo?" Tanong ni Kent.

Napangiti na lang si Enzo sa kanila.

Agad na yumakap si Kent at Nicko kay Alex. Halatang namiss nila ang kaibigan.

"Marami kang ike-kwento sa amin. We need a lot of explanations." Sabi ni Nicko.

Nag thumbs up naman si Alexis.

"Mamaya pagdating ni Gelo." Tugon niya.

Di nagtagal ay dumating na rin si Gelo na hingal na hingal. Tumirik daw kasi ang nasakyang taxi kaya naman tumakbo na lang daw sya since 2 blocks na lang naman ang layo.

"Bat parang di ka naman nabigla na andito na Alex?" Tanong ni Chris.

"Ah un ba? Boss ko kasi si Enzo, tapos si Alex ang president. Inamin naman na nya sakin na sya si Alex, Kaya un alam ko na." Sagot ni Gelo.

"Tapos di mo sinabi samin.. ang galing..🙄" sabi ni Nicko.

"Guys kalma.. ako nagsabi sa kanya na wag muna sabihin sa inyo." Sagot naman ni Alexis.

"Pero bakit? Alam mo naman na matagal ka naming hinanap. 10 yrs. Alex. 10 yrs. Un. 10 yrs. Kang nawala."  Tugon ni Chris.

"Sorry kuya chris.. gusto ko lang kasi sana na ako ang magsabi sa inyo, lalo na ng mga nangyari." Sagot ni Alex.

  --- Flashback ---

   -- 10 yrs. Ago --

"Wag mong dumihin ang kamay mo Lizzie para sa kanila, hayaan mong kami na ang gumanti para sayo."  Sabi ni Jackson saka lumapit kay Alex.

"Pero Jackson-" sagot ni Alex pero di na nya natapos ang sasabihin.

"Don't worry, may atraso ung apat sakin, dahil sinaktan nila ang kapatid ko." Tugon naman ni Jackson.

"Igaganti na rin kita, and sorry pala
sa nagawa namin sayo nila Enzo.
Karma is a bitch, and we had that
karma. Sana mapatawad mo kami." Dagdag ni Jackson.

"I hope so.. bahala ka na sa kanila." Sagot ni Alex.

Tumango si Jackson saka lumapit sa kapatid niya, saka dahan dahan na lumapit kela Steven para umatake. Tumalikod naman si Alex, saka sya naglakad palayo.

Naglakad sya ng naglakad, walang direksyon, di alam ang pupuntahan, she was crying.. sobrang sakit ng nararamdaman nya.

Pinagtitinginan sya ng mga taong nakakasalubong nya, nagbubulungan.  Sobrang nahihiya na sya sa itsura nya.

She decided to run as fast as she could, hanggang sa makarating sya sa isang park na di nya alam kung paano nya napuntahan.

She sat on the bench, facing the lake.

"What if.. mawala na lang ako? So no one can harm me again. So no one can say I'm disgusted." Umiiyak na sabi ni Alex.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon