Part 62 : 'Aki'

40 6 0
                                    


Nung araw din na iyon, Sinamahan ni Steven si Alexis sa appointment nito sa OB ng 3 pm.

Excited na excited sya na makita ang magiging anak nila na nasa sinapupunan ni Alexis.

Sa Ospital..

Nasa Obgyne clinic sila para magpacheck up.

: Good afternoon, I'm Dr. Rhea Lim.
kamusta kayo?
Bati ng Doctor.

"Medyo excited po, gusto ko na makita yung magiging anak namin".
Sagot ni Steven.

Natatawa naman si Alexis sa sinabi ni Steven.

: Halata nga, but before that, Your
wife needs to undergo several tests,
para malaman natin ang lagay ng
kalusugan nya.

: Also, to confirm if buntis ba talaga
sya, since may mga cases na sa PT eh positive. But it turns out hindi
pala, so to get accurate results, we
need to conduct several tests.

After several tests, sinabihan sila na
maghintay for 30 to 45 mins. para sa resulta saka sila babalik sa OB.

'AKI' matagal pa naman yung results diba? kain muna tayo.. nagugutom na kami ni Baby."
Sabi ni Alexis.

"AKI ka jan? Steven kaya ako. Ang BR ng buhay mo." Sagot ni Steven.

'Asawa kong Iyakin' kasi talaga yun,
Dati BR kasi lagi kang highblood.
Ngayon AKI na, kasi naging iyakin ka naman. Oh! Galing ko diba? perfect!
Tugon ni Alexis.

"Kung ako AKI ikaw naman 'ANS'.
Sagot ni Steven.

"ANS? Anong Ans?" Tanong ni Alexis.

'Asawa ni Steven' o diba ang galing ko din.. ANS. 😌
Sagot ni Steven.

"Yun pala un, akala ko 'ASAWA NG SIRA' eh". Tugon ni Alexis.

"My Loves naman eh.. grabe ka sakin, di na nga kita tatawagin ng 'ANS', My Loves na lang uli". Sagot ni Steven.

Tawa ng tawa naman si Alexis sa sinabi at reaksyon ni Steven.

Sa Restaurant..

Patapos na silang kumain, nang
magpaalam si Steven para mag CR.

"My Loves sandali lang ah, CR lang ako, saglit lang ako." Paalam ni Steven.

"Okay sige.. bilisan mo lang ah." Sagot ni Alexis.

Ilang segundo lang pagka alis ni Steven, may biglang umupo sa harap ni Alexis.

"Kiro?" Sabi ni Alexis.

"Miss me Sweetheart?" Tanong ni Kiro.

"Miss? miss ipakulong? may TRO diba? and yet andito ka." Sagot ni Alexis.

"TRO for now, but soon wala ng bisa
yan at makakalapit uli ako sayo." Tugon ni Kiro.

"Stupid, di ka talaga nag iisip noh? sa paglapit mo ngayon, I can ask for
another TRO."  Sagot ni Alexis.

"Di mo gagawin yan dahil nakasalalay sakin ang buhay ni Steven ngayon. Di mo naman siguro gustong may mangyari sa kanya diba?" Tugon ni Kiro.

"Kahit saktan mo pa si Steven, di ako susunod sayo. Gugustuhin nya pa na mamatay, kesa hayaan na sumunod ako sa katulad mo." Sagot ni Alexis.

"Let's see. Tingnan natin kung
matutuloy nga ba ang kasal nyo." Tugon ni Kiro.

Di pa man nakakatayo si Kiro, ay agad syang hinawakan sa braso at balikat ng mga bodyguards nila, na naka masid sa kanila kanina pa.

Lumapit si Steven sa kanila, saka nagsalita.

"Kiro, akala mo ba di namin alam na nakasunod kayo samin kanina pa? Recorded lahat ng sinabi mo. Maging ang pagtatangka nyo sakin sa CR."

"Steven Min!! humanda ka sakin pag nakatakas ako dito. Papatayin kita talaga. Pagsisihan mong nabuhay ka pa." Sagot ni Kiro.

"Kung makakatakas ka pa! bagay na
di ko hahayaan na mangyari." Tugon ni Steven.

Lumabas mula sa CR ang iba pang
mga bodyguards kasama ang mga
kaibigan at tauhan ni Kiro.

"Pakawalan nyo ko dito, ano ba!"
Sagot ni Kiro habang nagpupumiglas sa pagkakahawak sa kanya ng mga
Bodyguards.

"Ano tanga lang pakakawalan ka. Jan ka lang, parating na ang mga pulis, para hulihin at ikulong kayo." Tugon ni Steven.

"Paano ba yan Kiro, mukhang di na
kailangan ng TRO, Kasi makukulong
ka na, pati yang mga kaibigan mo."
Pang aasar pa ni Alexis.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon