Part 57 : 'She will be mine'

45 5 0
                                    

Hindi na nagtagal si Naomi, umalis
sya agad pagkahatid kay Kiro.

"Kiro? bat ka nandito?" Tanong ni Alexis.

Ibinigay nya ang bulaklak kay Alexis.
Nakatingin naman kay Alexis ang tatlo. Naghihintay sa next move ni Kiro.

"Tinatanong pa ba yan? syempre
para bisitahin ka." Sabi ni Kiro.

Hindi na nakatiis pa si Steven, agad
niyang kinuha ang bulaklak kay Alexis, at saka pwersahang binalik sa kamay ni Kiro.

Nagulat si Kiro ng makita si Steven,
lalo na sa ginawa nitong pagbalik ng
bulaklak sa kanya. Nakatalikod kasi
ito sa kanya kaya hindi nya napansin,
maging ang dalawa pang lalaki ay
nakatalikod din sa kanya. Pagkaharap
nila, nakilala nya ang mga ito, na mga kaibigan ni Alex noon.

Napangiti si Kiro. Lalo lang kasi nito
napatunayan sa kanya na si Alexis at Alex ay iisa.

"Steven... ikaw pala yan.. ang tagal
natin di nagkita ah." Sabi ni Kiro.

"As if naman gusto kita makita. Ano
bang kailangan mo? bat ka ba nandito?" Tanong ni Steven.

"I'm here for Alexis.. I want to court her.. wala naman sigurong problema sayo yun diba?" Sagot ni Kiro.

"Actually meron, kasi Fiancé ko sya.
And he has all the rights para magalit sayo. You're stalking me. nakakairita." Tugon ni Alexis kay Kiro.

"Fiancé? My dear, Asawa nga naaagaw eh, fiancee pa kaya?" Sagot ni Kiro.

"Loko ka ah.. (sinapak si Kiro) Anong
akala mo hahayaan kita sa gusto mo." Tugon ni Steven.

Napahiga si Kiro sa lakas ng sapak ni
Steven, pero di nya ito ininda, sa halip, napangiti pa sya.

"Mark my word, by all means, she will be mine, sa ayaw mo man o sa gusto, magiging akin sya." Sagot ni Kiro.

Muling sinuntok ni Steven si Kiro, Maka ilang beses nya ito sinuntok sa mukha, natigil lang ito ng pumasok ang mga guards at pinaglayo silang dalawa.

"Hindi pa tayo tapos Steven, I will sue you for physical injuries. Ipakukulong kita. Tingnan natin kung matuloy pa ang kasal nyong dalawa." Sabi ni Kiro.

"Go, cause I will actually Sue you.. for stalking, provocation, and threat." Sagot ni Alexis.

"So go! sue him, let's see kung sino
sa inyo ang makukulong, sya ba?
who defends me, since he is my fiancé o ikaw? who provoke and threaten us na makukuha mo ko by all means." Dagdag pa ni Alexis.

Hindi na sumagot pa si Kiro, pinunasan nya lang ang dugo sa bibig nya, saka tumingin kay Steven at umalis.

Niyakap ni Alexis si Steven, saka
hinalikan ito sa labi..

Hinawakan nya ang mga kamay ni
Steven na nanginginig pa rin sa galit.

"Tumingin ka sakin Steven.. Listen
to me .. Ikaw lang at ako.. okay? di
magbabago yun.. don't mind him." Sabi ni Alexis kay Steven.

(Tumingin sa sekretarya)

"Ms. Cho, call our lawyers, we will sue him." Utos ni Alexis.

"Yes President Lee, tatawagan ko
na po agad agad." Sagot ng sekretarya.

"Ang mabuti pa mauna na kayo umuwi, para makapagpahinga na si Steven. Kami na bahala dito." Sabi ni Kent.

"Oo nga.. umuwi na kayo.. kami na
bahala dito.. kaya na namin to." Sabi din ni Nicko.

"Thank you.. kakausapin ko lang yung lawyers namin saka kami uuwi." Sagot ni Alexis.

Tinawagan ni Alexis ang security nila
na sa backdoor sila abangan. Binigay
din nya ang susi ng kotse ni Steven,
sa isa sa mga guards, para idiretso ito
sa company. Just to make sure na di
sila masusundan ni Kiro, o ng kung
sino mang tauhan nya.

Time Skip..

Sa bahay ni Kiro..

"Hindi ba natin babalikan si Steven
dahil sa ginawa nya sayo?" Tanong ni Renz.

"Syempre babalikan, di sapat sakin
kung makukulong lang sya dahil sa
ginawa nya sakin. I want him dead." Sagot ni Kiro.

"10 yrs. ago, I also wanted her dead,
pero ngayon, I want her to be mine..
Kaya si Steven, dapat ng mawala." Dagdag pa ni Kiro.

"Yun oh.. papahanda ko na ba mga
tauhan natin? excited na ko eh." Tanong ni Quinnn.

"Chill, darating tayo jan.. Ano palang balita sa kuya nya. I need him para mapasunod ko si Alexis sa gusto ko." Sagot ni Kiro.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon