Nabigla naman si Alex sa sinabi ni Steven. Di nya alam kung anong gagawin nya, Lalo na ng ngumiti ito sa kanya."Teka lang, ano sandali.. di pa ata ako okay.. *cough.. cough.." tugon ni Alex.
"Hoy wala ng bawian, sabi mo kanina okay ka na. Kaya tuloy ang date natin mamaya." Sagot ni Steven.
"Ano kasi.. akala ko lang pala yun.. di pa pala ko okay.. *cough.. cough.." tugon ni Alex.
"Luh.. nagdown na ko kahapon ah, kaya pwede na kita idate.. wala ng bawian." Sagot ni Steven.
"Wag mo na pala bigay yung kulang mong 10k.. sayo na rin pala yung allowance mo.. basta wag na tayo magdate." Tugon naman ni Alex.
"No.. we made a deal and that's final. Magdadate tayo after class." Sagot ni Steven.
--Time Skip--
After Class...
"Tara na My Loves.. magdadate pa tayo. Let's Go.." Excited na sabi ni Steven.
Naghiyawan naman ang mga classmates nila sa sinabi ni Steven.
"May date pala si Master My Loves at si BR.. este Steven My Loves." Sabi ni Kent.
"Tumigil nga kayo." Saway ni Alex sa mga kaklase nila. (tumingin kay Steven) "Ano kasi Steven, di pa kasi ako nagpapaalam kay kuya Jin.. baka kasi magalit yun." Tugon ni Alex.
"Don't worry Alex.. akong bahala sayo.. ako na magpapalam kay kuya Jin para sayo." Sagot ni Nicko.
"Yun oh.. yan gusto ko sayo Nicko eh.. maaasahan talaga kita." Tugon naman ni Steven, Saka tumingin kay Alex.
"Tara na Master My Loves, magdadate pa tayo eh.Hinawakan nya ang kamay ni Alex, saka sila umalis.
Sa Mall...
"Ano naman gagawin natin dito? Umuwi na lang tayo." Tanong ni Alex.
"Uwi ka jan.. magdadate nga tayo. Wag ka magulo." Sagot ni Steven.
Naglakad lakad sila habang magkahawak ang kamay, pumasok sa mga shops para magtingin tingin ng maaaring bilhin.
"Mamili ka na ng gusto mo." Sabi ni Steven.
"Weh? Kahit ano?" Tanong ni Alex.
"Oo nga, kulit... Libre ko na nga eh.. aarte ka pa.." sagot naman ni Steven.
"Taray.. yayamanin.. sana all." sagot naman ni Alex.
Nag ikot ikot pa sila pero wala pa ring binili na kahit ano si Alex.
"Kanina pa tayo nag ikot ikot sa mga shops, wala ka bang gustong bilhin? Libre ko naman to." Tanong ni Steven kay Alex habang naglalakad.
Huminto naman sa paglalakad si Alex, saka tumingin kay Steven.
(Ikaw ata gusto kong bilhin eh. For sale ka ba? Bilhin na kita 🥴🫢 hehehe.. joke lang..✌️😅) sa isip ni Alex.
"Ah ano kasi.. binilhan na ko ni Kuya Jin ng Art Materials nung isang araw. Kaya wala na kong ipapabili." Sagot naman ni Alex.
"Pero para naman sa school un eh. Dapat yung personal, yung gusto mo talaga." Tugon naman ni Steven.
(Personal?? Personal kang para sakin? Enebe.. kainis to! 😌) sa isip ni Alex.
"Ah... Ano.. personal naman yun... Mahilig kasi ako magdrawing, magdesign, kaya yun binibilhan ako ni kuya." Sagot naman ni Alex.
"Pangarap ko kasi maging designer.. yung Jewelry designer, tapos ako mismo yung magmomodel ganun." Dagdag pa ni Alex.
"Ano? Ikaw mismo magmomodel? Sigurado ka ba? Baka magbago pa isip mo?" Tanong naman ni Steven.
"Bakit dahil pangit ako? Kaya di bagay sakin mag model? Ganun ba?" Tanong din ni Alex kay Steven.
"Sino nagsabi sayong pangit ka? Babangasan ko. Wag kang makikinig dun ah!" Sagot naman ni Steven.
"Si Enzo..😞 kaya nga pinagtripan nila ko ng mga kaibigan nya eh. 😮💨" malungkot na sagot ni Alex.
Agad syang niyakap ni Steven..
"Lokong yun ah.. pag nakita ko yun babangasan ko talaga mukha nun. Wag ka makinig dun ah, maniwala ka sakin.. hindi ka pangit, baduy ka lang manamit kasi nga boyish ka! Pero di ibig sabihin nun na pangit ka agad." Tugon ni Steven.
"Ang sakin lang naman, kasi pag nag model ka.. kailangan mo magsuot at maglagay ng kung ano ano na baka di ka komportable. Pero kung sa tingin mo, na kaya mo naman, Go.. push mo yan.. tandaan mo.. di ibang tao ang magdidikta kung sino ka at kung ano ka.. kundi ikaw lamang.. gawin mo kung ano gusto mo.. at kung saan ka masaya." Paliwanag ni Steven.
"Tandaan mo.. ikaw ang gagawa ng sarili mong future. Maging Jewelry Designer ka man o Model, o pareho man. Tandaan mo, be yourself, and choose to be happy.." dagdag pa ni Steven.
Hinigpitan ni Alex ang pagyakap nya kay Steven.
"Thank you." Sabi ni Alex, habang umiiyak.
"Aissh, wag ka ng umiyak.. di bagay sa pormahan natin yan." Sagot naman ni Steven.
"Pang comedy lang tayo oi.. romcom ganun.." dagdag pa ni Steven.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?