Binuksan ni Alexis ang pinto, at
nakita nya si Enzo. Nabigla man, di nya ito pinahalata."Bakit nakalock ang pinto? ano bang ginagawa nyo dito sa loob?" Tanong ni Enzo nang makita nya na silang dalawa lang ang nasa loob ng opisina.
"Si Ms. Cho ang naglock ng pinto
nung pinapasok nya si Steven." Sagot ni Alexis.Napatingin naman si Enzo sa sekretarya ni Alexis na si Miyeon.
"Sorry Sir, ako po ang naglock ng pinto. Pasensya na po." Sabi ni Miyeon.
Bumalik si Alexis sa Swivel chair nya na may seryosong mukha, saka sya tumingin kay Steven.
"Mr. Min, mamaya na lang tayo mag usap, ipapatawag na lang kita uli kay Ms. Cho, Pasensya na."
"Okay Ms. Park, I mean Ms. Lee." Sagot ni Steven, saka Nagbow at lumabas.
Nang makaalis na si Steven, agad na nilock ni Enzo ang pinto.
''Babe... we need to talk." Sabi ni Enzo.
"About what?" Tanong ni Alexis habang nagchecheck ng documents.
"Mamaya na ang flight ko pabalik ng U.S" sagot ni Enzo.
Napatayo si Alexis.
"Ang sabi mo sa monday ka pa aalis bakit biglang mamaya?" Tanong ni Alexis kay Enzo.
Nilapitan ni Enzo si Alexis saka niyakap.
"Babe, I'm sorry... tumawag si Mom, nasa ospital daw si Dad, kaya kailangan ko na umuwi." Sagot ni Enzo.
"Bakit? ano nangyari kay Tito?" Tanong ni Alexis.
"Heart attack daw.. 😮💨 sabi ni Mom,
ako daw muna ang bahala sa business
dun, at ikaw naman dito, hanggang sa makarecover si Dad." Sagot ni Enzo."I'm sorry babe kung di kita masasama pabalik ng U.S." dagdag pa ni Enzo.
"Ano ka ba.. mas importante si Tito, tara na umuwi na tayo, I'll help you with your luggage." Tugon naman ni Alexis.
Agad na kinuha ni Alexis ang bag nya
saka hinawakan ang kamay ni Enzo para lumabas ng office.Lumapit muna si Alex sa sekretarya nya para magbilin.
"Ms. Cho, pakisabi kay Mr. Min, bukas
na lang kami mag usap. (tumingin kay Enzo) Let's go.""Yes Maam, ako na pong bahala." Sagot ng sekretarya nya.
Nakita ni Steven na nagmamadali
umalis si Enzo at Alexis, magkahawak pa ito ng kamay."Ano nangyayari? bat sila nagmamadali umalis?" Tanong ni Steven sa sarili.
Bumalik si Steven sa office nya, tsaka nagdecide na imessage si Alexis.
"Seen lang? di man lang nag I Love you too?" Sabi ni Steven.
"Relax Steven, kasama nya kasi si
Enzo kaya di kanya pwede replyan.""Oo tama.. ganun lang un.. kaya relax ka lang Steven, tiwala lang.. mahal ka nya, okay."
Hindi namalayan ni Steven na nasa likod na nya si Gelo.
"Mahal ka nino?" Tanong ni Gelo.
"Ay bakla! bakla ka! 😱 ano ba yan
Gelo bat nanggugulat ka naman." Sagot ni Steven."STEVEN MIN, alam mong may Enzo
na sya diba? kung ikaw si Enzo,
hahayaan mo bang maagaw sya ng
iba? for 10 yrs. sila ang magkasama." Sabi ni Gelo."Mahal ako ni Alex, yun ang mahalaga sakin Gelo. Nagkataon lang naman sila ni Enzo ang magkasama nun." Sagot ni Steven.
"Tingin mo ba talaga pipiliin ka nya
kesa kay Enzo? malaki ang utang
na loob nya sa kanila. Baka sa huli
masaktan ka lang Steven." Tugon ni Gelo."Naiintindihan kita Gelo, pero, mahal
ko si Alex, at naniniwala ako na mahal din nya ko. Kaya magtitiwala
ako sa kanya." Sagot ni Steven."Sana nga.. dahil ayoko ng makita ka uli na nasasaktan ng dahil kay Alex. And you know what I mean." Tugon ni Gelo.
"I know. May tiwala ako kay Alex.
Mahal ko sya at mahal nya ako. Sapat na sakin yun. Alam kong di nya ko sasaktan." Sagot ni Steven
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?