Part 67 : The Wedding💍🥂

37 3 0
                                    


Nakahanda na ang lahat para sa
napaka espesyal na araw ni Steven
at Alex. Ngayon ang araw na sa
wakas ay magiging mag asawa na
sila. Isang pangarap mula noong
highschool pa lamang sila.

Bagamat pinaghiwalay sila nang
pagkakataon, tadhana ang muling
nagbalik sa kanila sa isa't isa. Sa
pagkakataong ito.. sila ay mag iisa
bilang mag asawa.

Kapwa silang maaga nagising. Excited
para sa kasal mamaya. Maaga rin kasi
darating ang mga mag aayos sa kanila
kaya naman mas lalo nilang ramdam
ang kaba at saya sa kanilang pag
iisang dib dib.

"Kailangan ko rin ba talaga mag make up? pogi na ko eh." Wika ni Steven.

"Baka lalong mabaliw yung asawa ko nito sakin, kasalanan nyo ah, pag di pa tapos yung kasal, tapos bigla ako ayain na maghoneymoon." Dagdag pa nito.

: Ayaw mo nun sir.. bakbakan agad.
Di mo na kailangan mag entertain
ng bisita.. asawa mo na lang agad. Sagot naman ng make up artist.

"Ay oo tama tama, sige pagwapuhin
nyo pa ko.. para uwian na agad..
tapos kami naman labing labing." Tugon ni Steven.

"Hoy Steven, narinig ko yan! umayos ka.. aba.. lokong to. Labing labing ka jan.. buntis na nga ako eh." Sabat ni Alex.

"Tsaka naka advance ka na ng dalawa kagabi.. tama na un.. maghintay ka." Dagdag pa ni Alex.

"At dun naman ako nasaktan." Tugon ni Steven.

---Time Skip---

Sa wedding hall..

Nakahanda na at nakaayos na ang lahat, maging ang mga pagkain para sa reception, maging ang cake at desserts ay nakahanda na rin.

"Kala ko ba Civil Wedding? bakit parang ang garbo naman.. utak talaga nito ni Steven, ibang klase." Wika ni Jin habang nakaupo kasama ang asawang si Chris, at mga kaibigan nila.

"Hayaan mo na love, ang mahalaga, masaya sila, masaya tayong lahat." Sagot ni Chris.

"Oo nga tsaka nakaraket pa kami." Sagot naman ni Nicko.

"True! ang galante pa naman ni Steven." Sagot naman ni Kent.

"Wag na kayo maingay.. ayan na
magsisimula na." Sabat ni Gelo.

Nagsimula na nga ang kasal. Naunang pumasok si Steven. Saka naghintay sa may pinto para hintayin si Alex hanggang sa makalabas ito.

"Wow ang ganda naman ng Asawa ko.. I love you." Wika ni Steven.

"I know right, kaya lalo ka naiinlove sakin eh.. kasi nga maganda ako." Sagot naman ni Alex na natawa sa naging sagot nya kay Steven.

Kumapit si Alex sa braso ni Steven saka naglakad papalapit sa Judge na magkakasal sa kanila.

: Everyone, di na natin patatagalin
pa ang kasalan na ito, as per
requested ni Mr. Steven Min. Na mukhang nagmamadali.. dahil
may gagawin pa sila mamaya. Wala
naman sigurong tututol, subukan nyo
lang daw, kung gustong masaktan.

Natawa naman ang lahat sa
sinabi ng Judge.

: Steven Min, Do you promise to love her, comfort her, honor and keep her for better or worse, for richer for poorer, in sickness and in health, forsaking all  others and to be faithful only to her, so long as you both shall live? Tanong ng Judge kay Steven.

"Syempre naman Yes! I do! I do!I do!" Sagot ni Steven.

Muling natawa ang lahat sa sinabi ni Steven.

Alessandra Park, Do you promise to love him, comfort him, honor and keep him for better or worse, for richer for poorer, in sickness and in health, forsaking all  others and to be faithful only to him, so long as you both shall live?

"I do". Sagot ni Alex.

Ibigay nyo na ang sing sing sa isa't isa and say your vows or something for your partner. Mauna ka na Steven.

"Alex, Without you, my life is a mess.
Without you, I'm nothing. I feel so
lost when I'm not with you. because
you are the reason for me to fight
through; you complete me. My loves;
you are everything in my life.
I love you My Loves, My Alex".

(Isinuot ang singsing kay Alex.)

"Steven, You are my beginning and
end, my life and everything; if life and
deaths are real and resurrection as
well, if I will be born again, I will find
you and be with you once again.
I love you Steven".

(Isinuot ang singsing kay Steven.)

Kapwa naiiyak si Steven at Alex. Maging ang mga bisita nila ay naiiyak din sa sinabi nilang dalawa.

: Sa kapangyarihang iginawad sa akin,
idinideklara ko kayong mag asawa na.
You may now kiss the bride.

Inilapit ni Steven ang mukha nya, saka dahan dahang hinalikan sa labi si Alex.

"Mamaya naman uli, para makarami." Sagot ni Steven.

(Natawa na naman ang mga bisita nila.)

"Everyone, let's all congratulate, Mr. and Mrs. Min". Wika ng Judge.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon