Nakabukas ang pinto ng office ni
Steven kaya kitang kita niya kung
gaano kalapit si Naomi kay Steven.
Kulang na lang kasi idikit nito ang
dibdib nya sa braso ni Steven."Subukan mong idikit yang dibdib
mo.. may paglalagyan ka sakin." Sabi ni Alexis sa sarili na asar na asar habang nakatingin sa dalawa.Lalo pang nilapit ni Naomi ang
sarili kay Steven."Aba talagang gusto mo idikit ah,
Gusto mo talagang masaktan." Sabi pa ni Alexis habang inistretch ang mga braso, gustong gustong manakit.Di na siya nakatiis kaya napasigaw na sya.
"STEVEN MIN"
Nagulat si Steven nang makita nya
si Alexis na galit na galit. At mas
lalo pa syang nagulat nang makita
nya kung gaano kalapit sa kanya si
Naomi. Sa gulat nya naitulak nya
ito ng di sinasadya.Napatayo si Steven.
"Wala kong kasalanan, di ko alam na ganun sya kalapit, inosente ako promise. Nagtatrabaho lang talaga ko,
maniwala ka sakin. inosente ako." Sabi ni Steven.Bigla naman nagsalita si Naomi.
"Sir, bat mo naman ako tinulak,
ansakit.. Aww.. patulong naman." Nagpapaawang sabi ni Naomi.Hindi malaman ni Steven kung ano
ang gagawin, kung tutulungan ba si
Naomi o susuyuin si Alexis na
halatang galit na."Sir.. (inangat ang kamay) patulong
naman po.. please." nagpapacute na sabi ni Naomi.(Pwede ko ba tulungan My Loves?) Sa isip ni Steven, habang nakatingin kay Alexis.
(Subukan mo lang, lulumpuhin ko
yang babae mo, makuha ka sa tingin.) Sa isip naman ni Alexis na galit na galit na.(Jusko ang tingin.. sabi ko nga
di ako magtatangka) sa isip naman n8 Steven.Lumapit si Alexis kay Naomi, saka
hinatak ang kamay nito, kaya agad
itong napatayo."Ah.. eh.. thank you President Lee.
(napatingin kay Steven) ah Sir..
pwede mo ba ko samahan sa clinic,
napasama ata bagsak ko." Nagpapaawang sabi ni Naomi."Ah talagang magpapasama ka pa?
di ka nahiya na andito ako? Really?
Ms. Im? desperada lang?" Galit na sabi ni Alexis.Umayos naman ng tayo si Naomi,
na biglang nahiya sa ginawa nya."Sorry po President Lee, pero bakit
po ba kayo nandito? may kailangan
po ba kayo?"(Ay wow ako pa tinanong..
talaga? ikaw ba boss?) Sa isip ni Alexis."AY WALA TAMBAY LANG AKO DITO!
Di naman ako pupunta dito kung may kailangan ako diba?," Inis na sabi ni Alexis."Tsaka ako tatanungin mo kung may kailangan ako? Ay bakit nakakaistorbo ba ko? tsaka kailangan ko ba ng permiso mo? kasi last time I checked ako ang President ng kumpanya na to. Do I need your approval 'MS. ASSISTANT MANAGER?" Sabi pa ni Alexis.
(Tanggalin kaya kitang malandi ka,
tapos ipablacklist kita noh!) Sa isip ni Alexis.(Naku patay.. galit na galit na si
My Loves, pag di pa umalis si
Ms. Im siguradong lagot sya.) Sa isip ni Steven.Sasagot pa sana si Naomi pero di na nya natuloy ng magsalita si Steven.
"Lumabas ka na ng office Ms. Im.
Leave us now." Sabi ni Steven.Walang nagawa si Naomi kundi ang lumabas. Napatingin pa sya kay Alexis na masama ang tingin sa kanya. Sinara na rin nya ang pinto.
"My Loves, wag ka na magalit,
promise di ko talaga alam un." Sabi ni Steven."Ah talaga ba STEVEN MIN? mukang
gustong gusto mo nga eh, nakadikit
na nga ung dibdib nya sayo eh." Sagot ni Alexis."My Loves naman.. wala naman ako pakialam dun, alam mo naman na ikaw lang mahal ko." Tugon ni Steven.
"Ah talaga ba? eh mukang mas gusto mo ung mas maliit ung dibdib, at di naman sexy. Kesa sakin na mas
maganda, mas malaki ung dibdib, mas sexy. Mahaba lang buhok nya
pero mas maganda pa rin ako." Sagot ni Alexis."My Loves naman.. di ko papatulan
yun, sayo na nanggaling mas angat ka sa kanya, maghahanap pa ba ko ng iba? tsaka alam mo naman na ikaw lang ang mahal ko, wala ng iba." Tugon ni Steven."Hindi ako naniniwala sayo.. bahala
ka na sa buhay mo.. break na tayo." Sabi ni Alexis."Pero di naman tayo My Loves. Di tayo official diba? bakit may break?" Tanong ni Steven.
Oo nga noh.. ah basta.. ayoko na, dun ka na sa babae mo.. bahala ka jan.. nakakainis ka.. babu." Sagot ni Alexis, saka naglakad papunta sa pinto.
"Hala My Loves sandali.. mag usap
muna tayo.. wag ganun." Tugon ni Steven."Ayoko.. lumayo ka sakin.. wag mo
ko susundan.. sasamain ka sakin." Sagot ni Alexis saka lumabas ng pinto."Ano ba naman yan.. kasalanan mo
to Ms. Im, pag ako di nya inuwian
mamaya.. pasasabunutan kita kay
Kent at Nicko." Sabi ni Steven sa sarili nya.Lumabas ng office si Steven para sundan si Alexis.
"Bahala na."
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?