Part 8 : Boyfriend?

60 8 0
                                    


"Narinig mo naman diba? Di ka na kailangan dito. Since you know the truth, you may leave now." Sabi pa ni Yuna.

"Yeah.. nakakaistorbo ka lang dito, kaya umalis ka na.. bawal pangit dito.. kaya alis na.." pagtataboy ni Enzo sa kay Lizzie.

Wala ng nagawa pa si Lizzie, umiiyak syang umalis sa bahay ni Enzo at umuwi sa kanila.

-- Sa Bahay --

Nataranta si Jin at ang mga kaibigan nila ng makita nila ang itsura ni Lizzie. Ang alam kasi nila ay nagtungo ito sa bahay ng nobyo dahil sa may sakit ito.

"Bunso bakit ka umiiyak? May nangyari ba kay Enzo? Tanong ni Jin.

"Kuya niloko ako ni Enzo.. (*sobbing) sya at ang mga kaibigan nya.. pinagtripan lang nila ko kuya.. Ayoko na.. Umiiyak na sagot ni Alex.

"Siraulo yun ah.. tara sugurin natin." Sabat naman ni Kent.

"Tara.. babangasan ko yung pagmumukha ng hayup na yan.." dagdag pa ni Gelo.

"Kuya.. magtransfer na lang ako sa ibang school, ayoko na sila makita.. ang sakit sakit.." umiiyak pang sabi ni Alex.

"Please kuya.. magtatransfer na lang ako.. ayoko na dun.." dagdag pa ni Alex.

"Kung lilipat ka ng school edi lilipat din ako. Di kita pababayaan noh.." tugon ni Jin.

"Lilipat din ako.. sasamahan kita.. syempre mag bestfriend tayo eh." Sabat naman ni Kent.

"Syempre kung nasaan si Kent my loves, dun din ako." Sagot naman ni Nicko.

"Aba syempre ako din.. ang papangit kaya ng tao dun." Giit naman ni Gelo.

"Sige ako ng bahala, Magtatransfer tayo sa School ng kaibigan ni Mama. Saka natin sila babalikan." Tugon naman ni Chris sa mga sinabi nila.

"Magfifile ako ng report para sa kanila, ng sa ganun, di sila makagraduate." dagdag pa ni Chris.

"Mabuti naman, salamat Love. Kung akala nila mananahimik tayo, nagkakamali sila.. tara na sa school. Kent, Nicko.. samahan nyo dito si Lizzie." Sabi naman ni Jin.

--- End of Flashback ---

- Sa Clinic -

"Bakit ka ba nandito? Sino ka ba sa akala mo? Umalis ka na.. baka magdilim pa paningin ko sayo." Galit na sabi ni Jin.

"Kuya Jin.. gusto ko lang naman makipag ayos kay Lizzie. Please hayaan nyo na kami mag usap." Pakiusap ni Enzo.

"Kuya ka jan.. kapatid ba kita? Si Alessandra lang at ang mga kaibigan nya ang pwedeng tumawag sakin ng kuya." Giit ni Jin.

"Andito ka lang naman kasi gusto mo iatras niya yung complaint laban sayo." Sabat ni Nicko.

"Wala ka maloloko dito oi.. alam na namin yang galawan mo.. ang kapal ng mukha mong lokohin sya." Sabi naman ni Gelo.

"Kaya nga andito ako eh.. para makipag ayos sa kanya. Kaya nga gusto ko sya makausap." Sagot naman ni Enzo sa kanila.

"Gumagawa na nga ako nga para magka ayos kami, para magkabalikan. Dapat nga matuwa pa kayo kasi ako na yung naghahabol sa kanya kahit na ganyan ang itsura nya." Dagdag pa ni Enzo.

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Jin sabay sapak sa mukha ni Enzo.

Pinahid ni Enzo ang dugo sa bibig nya.

"Bakit totoo naman ah.. tingnan nyo nga itsura nya.. mas lalaki pa sya sa inyo pumorma." Sagot ni Enzo.

"Tingin nyo ba may papatol pa sa kanyang ibang lalaki.. maliban sakin? Baka magbago pa itsura nya pag naging kami na uli." Dagdag pa ni Enzo.

"At sino naman nagsabi sayo na wala ng ibang papatol sa kanya maliban sayo?" Biglang salita ni Steven na ikinagulat ng lahat.

"At sino ka naman? Bagong kaibigan?" Tanong ni Enzo.

"Steven Min (nakipag kamay) boyfriend ni Alex, or should I say Lizzie? Alessandra Park." Sagot ni Steven.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon