Kinabukasan.. pagkatapos ng kasal,
Maaga silang umalis papuntang
airport para sa flight nila.First time sila aalis ng magkasama
kaya excited na excited si Steven
sa Honeymoon nila."Pasaway ka AKI, bat mo naman dun sinabi sa comsec yung tungkol sa bonus? kawawa naman si Nicko." Sabi ni Alex.
"Tama lang yun My Loves, para alam din ni Kent yung plano ni Nicko na surrogacy para magkaanak sila."
"Unfair naman kasi kay Kent kung di nya alam diba. Kasi dalawa sila dapat nagdedesisyon dun." Tugon ni Steven.
"Ay talaga ba? eh bakit ikaw di mo
sinabi na bubuntisin mo na ko?Diba unfair din yun? kasi di mo ko
tinanong kung gusto ko na ba
magkaanak sayo? " Tanong ni Alex."My Loves, iba yung satin, kasi ang
tawag dun 'assurance' para sure na ako lang talaga ang magiging asawa mo." Sagot ni Steven."Assurance ka jan.. kamo.. paladesisyon ka lang kasi talaga! Tugon ni Alex.
"Echusera! pwede ka naman kaya magpills, bat di mo un ginawa? wag ako My Loves, kilala kita... kamo gusto mo din talaga yun!" Sagot ni Steven na medyo natatawa pa.
Napanganga na lang si Alex na naiiling iling pa sa naging sagot ni Steven sa kanya. Di nya malaman kung ano ang itutugon sa sinabi nito. Lalo naman natawa si Steven sa reaksyon ni Alex.
"Aminin mo na My Loves... ako lang
to.. ang BR/AKI/Mahal mong tunay!
Okay lang yan.. maiintindihan kita!😌 Dagdag pa ni Steven."Ay talaga ba? wala kang love love
mamaya! kahit isa.. bahala ka jan! Sagot ni Alex."Wala? Kahit isa? Tanong ni Steven.
"WALA! sagot ni Alex.
"My Loves naman.. wag ganun..
Unfair yun.. matitiis mo ba ko? Tugon ni Steven."Gusto mo bang sagutin ko yan? Tanong ni Alex.
"Wag na pala My Loves, masasaktan
lang ako.. I cannot😭😭😭
sagot ni Steven.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?