"20k + isang buwang allowance ko, basta dapat sa akin ka lang makikipag date. Ano deal?" Tanong ni Steven."Wow 20k + allowance mo.. payag na ko.. Deal 😎" sagot ni Alex.
"Yan basta cheer mo ko.. ang sigaw mo dapat.. Steven My Loves 🔥" sabi ni Steven.
"Napaka demanding mo naman.. aba magdown ka muna oi.. baka mamaya scam ka eh." Reklamo ni Alex.
Nilabas ni Steven ang wallet nya saka nagbilang ng pera.
"O ito 10k, basta yung bilin ko ah."
"Okay ako ng bahala 😄." tuwang tuwang sabi ni Alex.
"Ano yan? Bakit mo binibigyan ng pera si Lizzie? Inuutusan mo ba sya?." Tanong ni Enzo nang makita nya na inaabutan ni Steven si Alex ng pera.
"Pinagsasabi mo? Adik ka ba? Sustento nya yan!" Sagot naman ni Steven.
"Sustento? Bat mo naman sya bibigyan ng sustento eh di pa naman kayo kasal! Ikaw ata tong adik." Tugon ni Enzo.
"Oo sa ngayon.. pero sino ba nagsabi na di kami magpapakasal?" Tanong ni Steven.
Napatingin na lamang si Enzo kay Alex na ang atensyon naman ay na kay Steven.
"Master My Loves, (may inabot na bag) baka mauhaw ka mamaya eh.. pasok ka na.. papasok na rin ako." Malambing na sabi ni Steven kay Alex.
"Okay" sagot ni Alex, saka biglang humalik sa labi ni Steven.
Nagulat si Enzo, maging si Steven pero di nya ito pinahalata. Tumitig na lamang sya sa mukha ni Alex.
Bumulong si Alex kay Steven.
"Balato ko na sayo yan, taragis ka nakakarami ka na.. yung kasunod nyan may bayad na ah."
"Hindi to totoo." Turan ni Enzo saka tuluyang pumasok sa loob.
"Pumasok agad? WEAK." sabi ni Steven saka tumingin kay Alex.
"My Loves, may nilagay akong banner sa loob ng bag. Yan ang gamitin mo mamaya pag chineer mo ko." Saka nagkiss sa pisngi ni Alex, sabay takbo papasok sa loob.
Kinikilig naman ang mga kapatid at kaibigan ni Alex.
Gelo: Kitang kita ko yun, nagkiss sa lips tapos sa cheeks.. tapos may sustento pa.. sakin kaya when?
Kent: Nicko, kung wala kang sustento sakin, salamat na lang sa lahat.
Nicko: Hala may sustento ka naman ah.. unli pa nga eh.. pagmamahal nga lang.. ayieee..
Yumakap naman si Chris kay Jin.
Chris: Yung sakin Love, alam mo na yun.
Jin: I know right. 😌
Tumingin si Jin kay Alex.
"Dalaga na bunso namin.. may taga sustento na.. ayiee.. ganda yarn?" Pang aasar ni Jin kay Alex.
"Kuya naman eh.. pasok na nga tayo sa loob."
Napatingin si Kiro sa mga pumasok. Nakita nya si Alex kasama ang kapatid at kaibigan, paakyat ng bleachers.
"Napapunta mo si Alex?" Tanong ni Kiro.
"Aba syempre yes. Crush ako nyan eh." Sagot ni Steven kaya nagtawanan naman ang mga kateam nya.
Nakatingin naman si Alex kay Steven at sa mga kateam nito.
"Bat nakatingin sakin tong mga to.. ako ata pinagtatawanan ng mga to ah." Sabi ni Alex.
"Aissh.. kasalanan mo to Boy Regla.. pahamak ka talaga.." dagdag pa ni Alex.
Nilabas ni Alex isa isa ang mga banner na sinasabi ni Steven na nasa bag. Nagulat sya ng mabasa ang mga nakasulat dito.
"Grabe ito talaga sasabihin ko? Masisira reputasyon ko dito eh." Reklamo ni Alex.
"Oo ayan daw, sabi ng future bayaw ko.. Sige na, Go bunso kaya mo yan." Sagot ni Jin.
"Aish.. bahala na nga... para sa 20k + allowance nya..
"Go Steven My Loves.. kaya mo yan.. pagchecheer ni Alex kay Steven.
Napatingin ang ibang schoolmates nila kay Alex. Maging ang mga kateam ni Steven.
Renz: Naks nag cheer pa.
Jedd: Para ayan na naman yung tomboy na may crush sayo.. ayieeh
"Syempre.. ako pa ba?" Mayabang na sagot ni Steven.
Tumingin si Steven kay Enzo.
"Ano ka ngayon." Sabi ni Steven.
"Yabang ah.. tingnan na lang natin.. kung may ibubuga ka sa akin mamaya." Sagot ni Enzo.
------
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?