"Aissh, wag ka ng umiyak.. di bagay sa pormahan natin yan." Sagot naman ni Steven."Pang comedy lang tayo oi.. romcom ganun.." dagdag pa ni Steven.
"Bahala ka jan.. kasalanan mo to.. panindigan mo ko.. I mean yung pag iyak ko. Pinaiyak mo ko sa sinabi mo eh." Tugon ni Alex.
"Panindigan agad My Loves? Wala pa sa isip ko yan oi.. bata pa tayo." Sagot ni Steven.
Kinurot ni Alex si Steven.
"Aray naman My Loves! Nanakit ka na naman." Sabi ni Steven.
"Ikaw kasi eh.. yung pag iyak ko naman yung sinasabi ko eh.." sagot naman ni Alex.
"Ayoko na nga yumakap sayo.. (bumitaw sa pagkakayakap kay Steven.) Bahala ka jan.. kainis to." Dagdag pa ni Alex.
"Ito naman joke lang yun.. yakapin mo na ko uli, kahit may kiss pa okay lang sakin kahit madami pa." Tugon ni Steven.
---------------- Time Skip ---
Hinatid na ni Steven si Alex sa bahay nito.
Masayang masaya naman si Alex pagkapasok nya ng bahay.
Pero higit syang naging masaya ng makita nya ang tita nya na may dalang mga pasalubong.
"TITA!!" sigaw ni Alex nang makita ang tita nya.
"Tita ka jan.. bastos tong batang to.. ganitong pormahan Tita? Hmp.." sagot naman ng tita nya.
"Oh edi Tito! Happy na yarn?" Tugon ni Alex.
"Yan ganyan matuto kang gumalang.."
Nagtawanan naman ang lahat sa sinabi ng Tita nya.Hindi na nagtagal pa ang Tita nila at umalis din ito agad.
--------- Kinabukasan --
Pagdating ni Alex sa Classroom, bumungad sa kanya ang isang paper bag at rose sa ibabaw ng table nya.
(Lord naman eh.. yung puso ko oh.. eto na naman eh..) sa isip ni Alex.
"Totoo ba to.. para ba talaga sakin to?" Tanong ni Alex.
"Oo naman.. di ba sabi mo gusto mo maging Jewelry Designer? Ayan pwede mo na simulan pag aralan." Sagot ni Steven.
Maluha luhang napayakap si Alex kay Steven.
"Thank you." Sabi ni Alex habang naiiyak.
Biglang kumalas si Steven sa pagkakayakap sa kanya, bagay na ikinabigla ni Alex. Wala sya nagawa kundi ang tumitig na lang kay Steven.
"Wag mo kong titigan ng ganyan My Loves, baka mahalikan kita sa harapan nila." Sabi ni Steven.
Natauhan namang bigla si Alex at napatingin sa paligid nya.
Kilig na kilig ang mga kaklase nila sa kanila, lalo na sina Kent at Nicko.
"Kiss... Kiss.. kiss.. kiss.." request ni Nicko habang pumapalakpak pa.
"Sagutin mo na.. I Love you agad, tapos kiss.." sabi naman ni Kent.
"Kiss daw My Loves, pagbigyan na ba natin sila?" Tanong ni Steven kay Alex.
"Ready na ko.." dagdag pa ni Steven.
Napalunok naman si Alex.. at napakagat ng labi sa sinabi ni Steven.
"Tse, tumigil ka jan." Sagot naman ni Alex sabay palo sa braso ni Steven.
"Aray naman, kanina lang higpit pa ng yakap mo.. ngayon namamalo ka na.. di mo na ko love." Reklamo ni Steven.
"Sabi kanina.. 'Thank you', tapos may pa iyak iyak pa.. tapos ngayon 'Tse'? Wag ganun My Loves.." dagdag pa ni Steven na kunwari eh naiiyak pa sa sinabi ni Alex.
"Talaga ba Steven Min?" Sagot naman ni Alex.
"Awatin nyo yan.. nagiging amazona na naman.. nag eevolve gusto maging pikachu, kahit kamuka naman si Psyduck." Sabi ni Steven.
"STEVEN MIN..!!" Sigaw ni Alex.
Agad na hinawakan ni Kent at Nicko si Alex para awatin.
Sinamantala naman ito ni Steven, dahan dahan sya na lumapit kay Alex at saka ito hinalikan sa lips.
Nagulat si Alex maging ang mga kaklase nila. Napabitaw din si Nicko at Kent.
Nabigla din si Steven at napatakip ng bibig habang dahan dahang lumalayo kay Alex.
"Steven Min..!!! Nakakarami ka na ah.." reklamo ni Alex.
"Bawi ka na lang sa Next life, Master My Loves.." Natatawang sagot ni Steven habang pumapalakpak pa.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?