Part 9 : Master My Loves💕

49 6 0
                                    


"At sino naman nagsabi sayo na wala ng ibang papatol sa kanya maliban sayo?" Biglang salita ni Steven na ikinagulat ng lahat.

"At sino ka naman? Bagong kaibigan?" Tanong ni Enzo.

"Steven Min (nakipag kamay) boyfriend ni Alex, or should I say Lizzie? Alessandra Park." Sagot ni Steven.

Nagulat ang mga kaibigan at kapatid ni Alex.

(Nicko: Boyfriend?)

(Kent: Boyfriend?)

Chris: Pinsan ko yan! (Napatayo pa.)

Jin: Ayieee... Kinikilig ako.. (nakahawak pa sa magkabilang pisngi)

"Hindi ako naniniwalang ikaw ang boyfriend nya." Nagdududang sabi ni Enzo.

"Hindi rin naman ako naniniwala na pinatulan ka nya. (Tiningnan nya si Enzo mula ulo hanggang paa) Itsura mong yan." Mapang asar na sagot ni Steven.

"Malamang nagayuma mo lang si My Loves ko, kaya ka pinatulan. Buti na lang natauhan sya agad." Dagdag pa ni Steven.

"Ang lakas naman ng loob mo na laitin ako. Bakit ano bang pinagmamalaki mo?" Tanong ni Enzo.

"Tinatanong pa ba yan? Bukod sa gandang lalaki ko, meron ako ng wala ka." Sagot ni Steven.

"Ano naman yun?" Tanong ni Enzo.

"Syempre si My Loves ko tanga! Ay sorry.. nasabihan kita ng tanga!" Mapang asar na sagot ni Steven.

"Tuloy mo lang yang pangangarap mo, baka sabihin mo pinagdadamot ko pa sayo eh." Tugon naman ni Enzo.

"Kailangan ko pa ba nun? Eh Jowa ko na! Baka ikaw yung kailangang mangarap, kasi hanggang dun ka lang. *Smirk" sagot ni Steven.

Lingid sa kaalaman ng lahat, gising na si Alex at narinig ang pinag uusapan nila.

Lalo na ng sinabi ni Steven na Boyfriend na sya nito.

Nagkunyari si Alex na bagong gising at hinanap si Steven.

"Steven.. steven.. nasaan ka? BR?

("Naku patay gising na sya.. yari ako😭) sa isip isip ni Steven.

"Yes Master My Loves, andito ako.." Tugon ni Steven.

("Wag mo ko bugbugin please😭") sa isip isip uli ni Steven.

Mabilis na pumasok si Steven sa loob. Sumunod naman ang iba, maging si Enzo.

"Okay ka na ba? Anong nararamdaman mo bukod sa pagmamahal sakin?" Tanong ni Steven.

Kinilig naman ang mga kaibigan ni Alex.

Nicko: Kinikilig ako Kent Mahal.

Kent: Ako din.. ayiee..

Kinurot naman ni Alex si Steven.

"Umayos ka nga.. nakakahiya ka." Sabi ni Alex.

"Yieee... Kinikilig sya.. My Loves naman ako lang to.." mapanuksong sagot ni Steven.

Kinurot uli ni Alex si Steven..

"BR.. nagugutom na ko.. di ko nakain ung donuts na bigay mo." Sabi ni Alex.

"Okay My Loves, ako ng bahala." Sagot ni Steven na humalik pa sa noo ni Alex.

Ngumisi lang si Steven nang makita nya na andun pa rin si Enzo, saka sya lumabas.

"Boyfriend mo ba talaga sya Lizzie?'' Tanong ni Enzo.

"Ay hindi! Tropa lang kami, nagpakiss lang ako sa noo kasi trip lang namin." Sarkastikong sagot ni Alex.

"Lolokohin ka lang nya Lizzie, maniwala ka sakin. Masasaktan ka lang." Tugon ni Enzo.

"Ay weh? Nadetect mo? Naaamoy mo ba kauri mo? Grabe naman yang ilong mo.. kakasinghot mo yan eh.." sagot ni Alex.

"Liz, andito ako para makipag ayos sayo, para makipag balikan. Let's fix our relationship." Tugon ni Enzo.

"Luh? Adik ka ba? Guard may tanga!
Sagot ni Alex kaya nagtawanan ang mga kuya at mga kaibigan nya.

"Tigilan mo na yang pag aadik mo.. nakakabobo yan.. umuwi ka na lang sa inyo, wala ka mapapala dito." Dagdag pa ni Lizzie.

"Lizzie" akmang hahawakan ni Enzo ang kamay ni Alex pero agad na pinigilan ni Steven.

"Sino nagsabi na pwede hawakan ng marumi mong kamay ang Master My Loves ko? Di mo ba naiintindihan yung salitang umalis ka na?" Naiinis na sabi ni Steven.

"Ano ba gusto mo? Get out o Get lost? Mamili ka na!.." dagdag pa ni Steven.

"Alis na.. baka magulpi pa kita!" Singit naman ni Jin.

Wala ng nagawa pa si Enzo kundi ang umalis na lamang.

"My Loves ito na yung donut mo oh.." sabi ni Steven, saka muling humalik sa noo ni Alex.

(Hinampas si Steven)

"Wala na si Enzo, tumigil ka na.. nakakarami ka na eh.." sagot naman ni Alex.

"Aray! Grabe naman sa hampas.. di mo na ko love!!" Tugon ni Steven, saka nagkunwaring natumba.
(Everyone laughs)

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon