Part 63 : 'Maxine'

38 6 0
                                    

"Alex please, ayoko makulong, please patawarin nyo na ko. Sumunod lang naman ako kay Kiro." Sabi ni Jedd.

"Malalagot ako sa Daddy ko.. please
Alex kahit ngayon lang. Steven, sige
na, wala naman ako ginawa sayo eh,
sila lang naman, nasa pinto lang ako". Dagdag pa ni Jedd.

"Ano to Jedd laglagan na ba?" Tanong ni Quinn.

"I'm sorry, pero alam nyo naman ang sitwasyon ko. Hindi ako pwedeng makulong. Pasensya na." Sagot ni Jedd.

"Aissh.. tumahimik na kayong dalawa di kayo nakakatulong." Sabi ni Renz.

"Ayaw mo ba talaga makulong Jedd?" Tanong ni Alexis.

"Wag ka makinig sa kanya! Sabi ni Kiro.

"Oo Alex, please.. gagawin ko gusto
mo, wag mo lang ako ipakulong." Sagot ni Jedd kay Alexis.

"JEDD!! Sigaw ni Renz.

"Good, Di kita kakasuhan kung papayag kang maging star witness sa lahat ng mga plano sakin ni Kiro. Lalo na sa pagtatangka nyo kay Steven ngayon. Tugon ni Alexis kay Jedd.

"Pag isipan mo Jedd, kung ayaw mong makulong at madisappoint sayo ang Daddy mo. May time ka pa." Sabat naman ni Steven.

"Pumapayag na ko, magiging witness ako.. basta wag lang ako makulong. Sagot ni Jedd.

"Traydor ka! (nagpupumiglas, gustong sugurin si Jedd) humanda ka sakin ikaw una kong babalikan." Sabi ni Kiro.

Napatingin sila sa pintuan ng makita
nila ang pagpasok ng mga pulis, nabigla si Kiro at ang mga kaibigan nya ng pumasok din si Enzo kasama
ang isang babae.

"Bakit ganyan ang itsura nyo? para
kayong nakakita ng multo." Tanong ng babae.

"Maxine?" Sabay na tanong ni Jedd at Quinn.

"Buhay ka??" Tanong ni Kiro habang nakatingin pa rin sa babae.

"Oo.. buhay na buhay." Gulat ka noh." Sagot ng babae.

"Paano nangyari to? paano ka
nabuhay? Imposible!" Tanong ni Kiro.

"Imposible to, patay ka na. Nakita ko mismo yun, sinigurado kong wala ka na.. kaya imposible, imposible to." Dagdag pa ni Kiro.

Nilapitan ni Maxine si Kiro saka
nya sinampal ng malakas.

"Naramdaman mo na ba? buhay ako Kiro, buhay na buhay." Sagot ni Maxine.

Bakas ang matinding takot sa mukha
ni Kiro, hindi sya makapaniwala na
ang ex-girlfriend nya na pinatay nya
sa aksidente, eh nasa harap nya, at
buhay na buhay.

"Simula pa lang to Kiro. Ngayong
nagbalik na ko, pagbabayaran mo
lahat ng atraso mo sakin." Sabi pa ni Maxine.

"Kahit yung daddy mo, ipapakulong
ko. Tingnan natin ngayon, kung may magawa ka pa, ngayong ako na ang nasa harapan mo." Dagdag pa ni Maxine.

Inilabas na ng mga pulis si Kiro at
ang mga kaibigan nya, maging ang
ilang tauhan na kasama nila.

"Babe!! patakbong lumapit sigaw ni at Alexis saka yumakap kay Maxine.

"Teka lang My Loves, magdahan
dahan ka naman, baka mapano
kayo ng anak natin." Sabi ni Steven.

"Buntis ka? di nga Babe? buntis ka talaga? Tanong ni Maxine.

"Nag PT ako babe, positive. Tapos
nagpacheck up ako ngayon, wait pa namin yung results ng lab test." Sagot ni Alexis.

"OMG sana meron na, para may kalaro na si Mira.. sigurado matutuwa yun." Tugon ni Maxine.

"Excuse me lang ah.. Baka gusto mo
muna ipakilala si Steven kay Maxine." Sabat ni Enzo.

"Oo nga pala, AKI papakilala kita sa isa ko pang babe, si Maxine. Mommy ni Mira. Babe si Steven, fiancé ko na".🤭 Sabi ni Alexis..

"Nice to meet you." Sabi ni Maxine.

"Nice to meet you din, ikaw pala ang mommy ni Mira." Sagot ni Steven.

"Wait, AKI? bagong call sign? naks dati BR ka lang ah, ano nga pala ang
meaning ng AKI?" Tanong ni Enzo.

"Pwede bang wag mo na itanong?" Sagot ni Steven.

"Woah.. Mukhang gets ko na." Tugon ni Enzo.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon