Part 7 : Enzo - The Ex

51 5 0
                                    


Tumayo si Alex, para sana lumabas. Pero bago pa sya makaabot sa pintuan. Napahawak ito sa dibdib nya, saka dahan dahan na nawalan ng malay.

"Alex.. Alex.." sigaw ni Steven. Saka dali daling lumapit kay Alex.

--- Meanwhile ---

Nakatambay si Jin, Chris, Nicko at Gelo, sa School Grounds nang makita nila si Kent na tumatakbo papunta sa kanila.

"Kent, bakit ka ba tumatakbo? May problema ba? " Tanong ni Gelo sa kanya.

"Nakita ko si Enzo (Eunwoo).. andito sya.. hinahanap nya si Alex." Sagot naman ni Kent.

"Kinausap ka ba nya? Nasaan na si Alex?" Tanong naman ni Chris.

"Hindi ako.. si Steven ang nakausap nya. Mabuti na lang di alam ni Steven na Lizzie talaga ang palayaw ni Alex." Sagot uli ni Kent.

"Ano na naman kaya ang kailangan nun sa kapatid ko. Di pa ba sya kuntento sa ginawa nya noon sa kapatid ko." Inis na sabi ni Jin.

Biglang nagring ang phone ni Nicko. Si Steven ang tumatawag.

"Hello Steven, bakit ka napatawag? Tanong ni Nicko.

("Si Alex hinimatay, andito kami ngayon sa clinic.") Sagot naman ni Steven sa kabilang linya.

"Ano!! Sige papunta na kami.. salamat." Tugon naman ni Nicko saka nag end call.

"Bakit anong nangyari?" Tanong ni Kent.

"Si Alex daw hinimatay sabi ni Steven. Nasa clinic daw sila ngayon." Sagot ni Nicko.

"Sh*t, ito na nga ba ang inaalala ko eh.. bakit ba kasi pumunta pa dito yang Enzo na yan." Galit na sabi ni Jin.

"Ang mabuti pa, tara na.. puntahan na natin si Alex." Sabi ni Gelo.

Dali dali silang nagpunta ng Clinic, pero di nila alam na nakasunod pala sa kanila si Enzo.

--- Sa Clinic ---

Nakita ni Jin ang nurse na lumabas ng pintuan kaya Agad na kinausap niya itong kinausap.

"Kamusta na po ang kapatid ko? Ayos lang po ba sya?" Tanong ni Jin.

"Okay na sya.. don't worry.. nagpapahinga lang sya sa loob." Sagot ng Nurse.

"Thank you po." Tugon naman ni Jin.

Bigla naman sumulpot si Enzo mula sa likuran nila na ikinabigla naman ng lahat.

"Asan si Lizzie? Ano nangyari sa kanya?" Tanong ni Enzo.

"Bat ka ba nandito? Kulang pa ba yung ginawa mo kay Alex noon?" Tanong din ni Kent kay Enzo.

--- Flashback ---

Nagpunta si Lizzie sa bahay ni Enzo para sana doon icelebrate ang monthsary nila. Ayon kasi sa message ni Enzo, may sakit siya at di kayang umalis ng bahay.

Kaya naman, naisipan ni Alex na puntahan na lamang ang nobyo dahil nag aalala sya sa lagay nito.

Nasa ibang bansa kasi ang mga magulang nya, at tanging kasambahay lamang ang kasama nito sa bahay.

Pagbukas pa lamang ni Alex ng gate ay dinig na dinig na nya ang malakas na tugtog mula sa loob.

Sumilip sya sa uwang ng pinto, at nakita nya ang mga kaibigan ni Enzo na kumakain at umiinom.

("Andito rin pala sila para bisitahin si Enzo. Saktong sakto kasama namin sila magcecelebrate 😊) sa isip isip ni Lizzie.

Pero laking gulat ni Lizzie ng tuluyan nyang mabuksan ang pinto. Si Enzo nakaupos sa Sofa at may nakakandong pa na babae.

Napatingin sa kanya ang lahat, pero nagtawanan lang sila ng makita ang itsura nya.

"Anong ibig sabihin nito Enzo? Sabi mo may sakit ka? Nag aalala pa ko sayo kaya ko pumunta.. monthsary pa man din natin ngayon.. pero ano to? Bakit Enzo? Bakit nagawa mo sakin to? Sunod sunod na sabi ni Lizzie.

"Hindi pa ba halata? Hindi kita gusto. Si Yuna(Jihyo) talaga ang mahal ko. Tingnan mo nga yang itsura mo... (Tiningnan si Lizzie mula ulo hanggang paa.) Kumpara kay Yuna, mas lalaki ka pa manamit kesa sakin eh. Sa tingin mo talaga magugustuhan kita?" Mapanlait na Sagot naman ni Enzo.

"There is no way that I would like you, hindi kita type. Kaya umalis ka na.." dagdag pa ni Enzo.

"Kung sya naman pala talaga ang gusto mo, bakit niligawan mo pa ko? Pinaasa mo lang ako.." umiiyak na sagot ni Lizzie.

"Pinaniwala mo ko na mahal mo ko.. na tanggap mo ko kung sino at ano ako..yun pala niloloko mo lang pala ako." Dagdag pa ni Alex.

"Niligawan ka nya dahil sakin, sinabi ko kasi sa kanya na.. maniniwala lang ako na mahal nya ko.. kung mapapasagot nya yung unang dadaan." Paliwanag ni Jihyo.

"Nagkataon lang na ikaw ang dumaan, kaya ikaw ang niligawan nya, hindi dahil sa gusto ka nya." Dagdag pa ni Jihyo.

"Tama.. pinagpustahan ka lang namin.. di ka nya talaga gusto.. tingin mo ba talaga sa itsura mong yan papatulan ka ng kaibigan namin?" Sabat ng kaibigan ni Enzo.

"True.. no one will like you. Ang layo ng itsura nyo ni Yuna. You're just a disgusting tomboy." Sabi pa ng isang kaibigan nya.

"Narinig mo naman diba? Di ka na kailangan dito. Since you know the truth, you may leave now." Sabi pa ni Yuna.

"Yeah.. nakakaistorbo ka lang dito, kaya umalis ka na.. bawal pangit dito.. kaya alis na.." pagtataboy ni Enzo sa kay Lizzie.

Wala ng nagawa pa si Lizzie, umiiyak syang umalis sa bahay ni Enzo at umuwi sa kanila.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon