"Nasaan pala si Jedd? sya naka
assign sa kuya ni Alex diba?" Tanong ni Kiro."Wala pa sya.. akala ko nga andito na. Sabi nya kasi kanina papunta na sya." Sagot ni Renz.
Naramdaman ni Kiro ang pag vibrate ng phone nya, at nakita nya na may tumatawag.
"Speaking of, ito tumatawag na." Sabi ni Kiro, na pinakita ang screen. Si Jedd ang tumatawag.
Agad nyang sinagot ang tawag.
K: Hello bro, nasan ka na?
J: Bro, si Jin at Chris, umalis may dala
silang mga gamit, di ko sila nasundan,
May mga lalaki kasing pumigil samin.
Mga bodyguards ata nila yun.K: Ano!! nasaan ka na?
J: Andito ako sa police station, nireport
nila ko at ng mga kapitbahay nya.K: Sa anong grounds?
J: For stalking. Puntahan nyo na ko
dito.. ayoko makulong, magagalit sa
akin si Dad.K: Okay pupuntahan ka na namin.
(End Call)Meanwhile..
Sa bahay nila Steven...
"Kamusta na pakiramdam mo?
okay ka na ba?" Tanong ni Alexis."Ikaw nga dapat tinatanong ko, baka natakot ka sa akin o sa sinabi nung Kiro na yun kanina." Sagot ni Steven.
"Okay lang ako.. basta kasama kita..
Tumawag pala si Kuya.. nailipat na
daw sila sa safe na lugar ni Enzo." Tugon ni Alexis."I'm sorry My Loves, di man lang kita maprotektahan kagaya ng ginagawa ni Enzo sayo. I'm sorry.😔" Sagot ni Steven.
"Feeling ko wala akong kwenta, Mahal kita pero wala man lang ako magawa para protektahan ka. Si Enzo pa yung gumagawa ng dapat kong gawin. 😔" Dagdag pa ni Steven.
"Wag ka ngang ganyan, kahit pa may pera at resources ka, tutulong pa rin si Enzo. Para kasi sa kanya, kasalanan nya kaya nangyari sakin to." Tugon ni Alexis.
"Kasalanan nya? pero bakit?" Tanong ni Steven.
"Kung hindi nya daw kasi ako niloko noon, di ako lilipat ng school, edi sana di kita o sila makikilala. Baka nga, by this time, kasal na kami with kids." Sagot ni Alexis.
"Huh?? di ako naniniwala. Kasi kahit di ka lumipat ng school, kung di sya para sayo, hindi kayo hanggang dulo." Tugon ni Steven.
"So ikaw talaga para sakin? ganun
ba yun ha.. Steven Min?" Tanong ni Alexis.''Oo naman, nilaan ka na kasi sakin ni Lord, kaya nga sakin pa rin bagsak mo." Sagot ni Steven.
"Ay weh?? ang confident naman." Tugon ni Alexis.
"Alam mo kasi My Loves, kahit di ka pa lumipat ng school, magkikita pa rin tayo, kasi nga pinsan ko si Chris diba." Sagot ni Steven.
"Magtatransfer pa rin ako, kung saang school sya naka enroll, kasi yun ang gusto ni Dad. Kaya for sure, Sakin ka pa rin, Ako ang magiging asawa mo, at tayo ang may mga anak." Dagdag pa ni Steven.
"Ay wow, taas talaga ng confidence,
kahit di katangkaran. Ang galing👏" Tugon ni Alexis."Aray naman dun.. magkasing taas lang naman tayo ah, grabe ka sakin." Sagot ni Steven.
Natawa naman si Alexis sa reaksyon ni Steven.
"I love you Mister ko." Sabi ni Alexis.
"I Love you ka jan.. halika nga dito,
nabitin ako sa kiss mo kanina."
Sagot ni Steven saka hinatak ang kamay ni Alexis, kaya napaupo sa kandungan nya.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?