"Aba loko to ah.." akmang susugod na si Steven kay Alex.Pasugod din si Alex.
"Ano suntukan na lang oh." Tinaas ni Alex ang sleeve ng damit nya.
"Yah.. ano ba? Tumigil nga kayong dalawa." saway ni Jin.
Piningot ni Jin si Alex at Steven.
"Aray Jin masakit." Daing ni Steven
"Aah..ahh.. Aray ko kuya.. tama na ang sakit na eh.. " Reklamo naman ni Alex.
"Masakit ba? Eh samantalang kanina.. gusto nyo pang magsuntukang dalawa." Saad ni Jin.
"Yang kapatid mo kasing Tomboy, kala mo kung sino." Sagot naman ni Steven.
Sumagot naman si Alex.
"Wow ah? Ikaw nga tong nauna. Bigla ka na lang nagalit sakin kanina, eh wala naman akong ginagawang masama sayo.""Gusto pa nga kitang tulungan kanina dahil naliligaw ka. Pero ano? nung nalaman mong tomboy ako nagkaganyan ka na. Kung may issue ka sa Tomboy, problema mo na yun hindi sa akin, kaya wag mo kong dinadamay." Dagdag pa ni Alex.
"Whatever.." sagot naman ni Steven saka ito umalis.
"Pasensya na kayo kay Steven ah.. naghiwalay kasi Parents nya kaya sya nagkaganyan eh." Paliwanag ni Chris.
"Aba wag nya kong dinadamay, wala kong kasalanan jan, di naman ako yung kabit ng Daddy nya." Sagot ni Alex.
"Aisshh.. Don't say nonsense." Tugon ni Jin.
"Hindi yung Daddy nya yung may kabit, yung Mommy nya.. sa kasamaang palad, tomboy ang pinalit sa Daddy nya." Paliwanag pa ni Chris.
"Hala.. kawawa naman sya.. kaya pala ganun reaksyon nya. Bigla siyang nagalit kay Alex." Tugon ni Nicko.
"Ang O.A mo naman Nicko. (Tumingin kay Chris) pero Kuya, di naman enough reason yun para lahatin nya diba? Kasi iba naman ako sa kanila." Sagot ni Alex.
"Yun na nga.. kaso wala naman kami magagawa ni Chris kasi buhay nya yan eh, desisyon nya yan.. intindihin nyo na lang, kaya ikaw Alessandra, maging mabait ka sa kanya." Saad ni Jin.
"Malay mo, baka magbago ang tingin nya sayo, sa mga katulad mo. Baka sakali, bumalik sya sa dati niyang pag uugali." Dagdag pa ni Jin.
- Kinabukasan -
Tahimik na nakaupo at nagbabasa si Steven, nang biglang may nilagay na Art Materials si Alex sa ibabaw ng desk nya.
"Ano to?" Tanong ni Steven.
"Obvious ba? Edi art materials, duh? Di mo alam?" Sarkastikong sagot ni Alex.
"Alam kong Art materials to, pero ba-" di na natapos ni Steven ang sasabihin nya nang muling magsalita si Alex.
"Alam mo naman pa lang art materials yan, bat nagtatanong ka pa? Gagamitin yan para sa Activity mamaya."
"Binigyan na kita kasi wala ka pa dito nung nagsabing magdala niyan. Oh diba? Ang bait ko.. ikaw lang eh.." dagdag pa ni Alex.
"Mabait? Ikaw?" Natatawang sagot ni Steven.
"Hindi ko kailangan niyan.. isa pa kaya kong bumili ng sarili kong art materials." Dagdag pa ni Steven.
"Aba ang arte talaga.. binigyan na nga, di na lang magpasalamat." Sagot ni Alex.
(Haist.. Kaya ko bang maging mabait dito? Kuya Jin naman kasi🤦) sa isip ni Alex.
"Kaya mo nga siguro bumili.. kaso.. may time ka pa ba? magsisimula na ang klase oh. First subject pa man din ang Arts." Saad ni Alex.
Di na nakasagot pa si Steven dahil dumating na ang subject teacher nila sa Arts. Kaya, wala na sya nagawa kundi ang binigay nitong Art Materials.
(Bat kasi may Art pa sa Junior highschool? Baka isipin nitong tomboy na to.. close na kami.. Eeww.) Sa isip ni Steven.
After Class ay agad na tumayo si Steven saka lumabas.
"Wala bang pathank you jan boy regla?" Tanong ni Alex.
"Oh di thank you.. happy?" Sagot ni Steven saka umalis.
"Hoy kulang pa.. dapat may Master!" Tugon ni Alex.
Sa paglipas ng mga araw, patuloy pa rin sa pag aasaran ang dalawa. Pero sinisikap ni Alex na maging mabait kay Steven gaya ng gusto ng Kuya Jin nya. Kahit na ba, maraming pagkakataon na gusto na niya itong upakan, ay pilit pa rin niya itong inuunawa.
Naglalakad na pauwi si Alex ng may mapansin sya na mga Lalaki.. na sa pakiwari nya, meron silang pinagtitripan.
"Hala si Boy Regla ba yun?" tanong ni Alex sa sarili.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?