Part 6 : Sino Sya?

54 5 0
                                    


"Anong BR?" Tanong ni Steven.

"Ano pa ba? Edi BOY REGLA." Energetic na sagot ni Alex.

"Aissh.. bat pa ba ko nagtanong.." tugon ni Steven.

Tawa naman ng tawa si Alex sa reaksyon ni Steven.

--- After Lunch ---

Naglalakad na si Steven pabalik sa Classroom nila ng may mapansin syang lalaki sa labas ng Junior's Building nila. Nagtatanong ito sa mga Estudyante.

Nilapitan din sya ng lalaki para magtanong.

"Excuse me? Ah.. itatanong ko lang sana kung kilala mo ba si Alessandra Park? Lizzie for short." Tanong nito sa kanya.

"Naku pasensya na.. 1 month pa lang ako dito eh.. wala pa kong masyadong kilala. Pasensya na." Sagot ni Steven sa lalaki.

"Ah ganun ba? Pasensya na rin sa abala." Agad itong tumalikod at lumapit sa ibang estudyante para magtanong tanong uli.

"Sino kaya hinahanap nito. Ano nya kaya yun? Maganda kaya?" Tanong ni Steven sa sarili nya.

Hindi napansin ni Steven na kanina pa pala sya tinatawag ni Kent.

"Hoy Steven.. kanina pa kita tinatawag.. ano bang iniisip mo?" Tanong ni Kent sa kanya.

"Ay sorry.. pasensya na.. di kita napansin.. may kailangan ka ba?" Tanong ni Steven.

"Pakibigay mo naman to kay Alex." Sagot ni Kent.

"Sige.. sige.. ano ba to?" Tanong uli ni Steven.

"Hindi yan bato, para yan sa group report natin bukas." Sagot ni Kent.

Napatingin si Kent sa lalaking nagtatanong tanong.

"Anong ginagawa nya dito?" Tanong ni Kent.

"Ah sya ba? May hinahanap sya eh.. Alexandra ba yun? Basta Lizzie daw palayaw eh." Sagot naman ni Steven.

Agad na tumalikod si Kent nang mapalingon ang lalaki sa direksyon nila.

"Basta pakibigay na lang kay Alex yan." Sabi ni Kent, Saka nagmamadaling umalis.

"Ang weird, bat bigla siyang umalis?" Pagtataka ni Steven.

--- Sa Classroom ---

"Alex.. pinabibigay ni Kent.. para daw sa group report bukas." Sabi ni Steven kay Alex.

"Anong tinawag mo sakin?" Tanong ni Alex.

"Alex bakit?" Nagtatakang sagot ni Steven.

"Bakit Alex? Diba sabi ko sayo Master ang itatawag mo sakin.. kaya dapat Master lang." Giit naman ni Alex.

"Hoy.. tinawag lang kitang Master kanina kasi nga nagpasalamat ako sayo.. lokong to ah.. Abuso.. Namihasa ka naman " sagot naman ni Steven.

"Ah basta dapat Master." Muling giit ni Alex.

"Aish.. ano ba yan.. dami namang arte nito. Parehas kayo ng kaibigan mong si Kent. Ang weird.

"Aba bakit? Pano kami naging weird? Yabang nito ah.. Aba umayos ka jan.. baka sapakin kita.." sagot ni Alex habang naka amba.

"Kalma Master.. to naman di mabiro.. joke lang un eh..😅" Taas kamay at nakangiting sagot ni Steven.

"Eh bakit mo pala nasabi na weird si Kent? May nangyari ba?" Tanong ni Alex.

"Ano kasi.. may lalaki sa baba, may hinahanap syang babae. Alexandra ba un o Alessandra?" Sagot ni Steven.

"Basta ang sabi nya.. Lizzie daw ang palayaw eh. (Napakunot ng Noo si Alex) tinanong nya ko eh.. ang sabi ko naman, 1 month pa lang ako dito kaya wala pa kong masyadong kilala." Dagdag pa ni Steven.

"Tapos nung nakita sya ni Kent. Nagtataka ako bigla na lang si Kent di mapakali, lalo na nung lumingon yung lalaki samin, bigla syang tumalikod saka nagmamadaling umalis. Diba ang weird? Bakit sya biglang umalis." Paliwanag pa ni Steven.

Nakaramdam si Alex ng kirot sa puso nya, bakas sa itsura nito ang lungkot, pagkabigla, at sakit na iniinda, na siyang agad naman napansin ni Steven.

"Ayos ka lang ba? Anong problema? Alex.. oi.. anyare sayo?" Sunod sunod na tanong ni Steven.

Napansin ni Steven na tila umiiyak si Alex.

"Teka sandali.. Alex oi.. bat parang? umiiyak ka ba?" Tanong uli ni Steven.

"Huh? Hindi.." pagtatanggi ni Alex.

"Masama lang pakiramdam ko." Dagdag pa ni Alex.

Tumayo si Alex, para sana lumabas. Pero bago pa sya makaabot sa pintuan. Napahawak ito sa dibdib nya, saka dahan dahan na nawalan ng malay.

"Alex.. Alex.." sigaw ni Steven. Saka dali daling lumapit kay Alex.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon