Part 65 : Save the Date

33 5 0
                                    

"Ang ganda naman ng invitation

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ang ganda naman ng invitation." Sabi ni Maxine.

"Ang cute nga eh.. yung real name
ko na talaga ang pinalagay nya." Sagot ni Alex.

"Tama lang yun, Alessandra naman
kasi talaga ang pangalan mo. Now
na nakakulong na si Kiro, you can
use your real name freely." Tugon ni Maxine.

"Malaking bagay na dumating ka kasi mas bumigat yung kaso laban sa kanya, at mahihirapan na sya maka labas, kaya thank you talaga." Sagot ni Alex.

"Kundi dahil sa tulong nyo ni Enzo. Di ko alam kung anong gagawin ko,
baka napahamak na ko noon. Kaya
sobrang thankful ako sa inyo." Dagdag pa ni Alex.

"Babe, maging masaya ka lang.. okay na kami, yun naman ang gusto namin para sayo. Lalo na ngayon, ikakasal ka na.. May baby pang kasama." Tugon ni Maxine.

"Planado talaga to ni Steven. Lokong un wala pang label, pero may baby na agad, san ka pa!" Natatawang sagot ni Alex.

"Pero aminin mo.. gusto mo din.
Happy ako para sayo." Tugon ni Maxine.

"Aba syempre, aayaw pa ba ko? Pero Thank you Babe." Sagot ni Alex.

Nakarinig sila ng nagdoorbell.

"Mukang nariyan na ata ang mga
kaibigan at kapatid mo." Sabi ni Maxine.

Binuksan ni Alex ang pinto at katulad
ng inaasahan, ang kuya Jin nya at ang mga kaibigan nila ang dumating.

"Bunso... namiss kita.. 1 buwan din
tayo di nagkita.. kamusta ka na?
ikakasal na ang bunso namin." Masayang sabi ni Jin, at yumakap kay Alex.

"Namiss din kita kuya.. okay naman po ako, kami actually." Sagot ni Alex.

"Kami?? you mean kayo ni Steven?" Tanong ni Chris.

"No kuya Chris, actually kami, what I mean is, kami ng baby ko. Magkakababy na kami." Sagot ni Alex.

"Really?? Oh my God! Tito na ko!" Sigaw ni Chris.

"May pamangkin na ko, omg!!" Sigaw din ni Jin.

"Yun oh.. sabi ko na eh.. mauuna
talaga yung baby." Sabi ni Nicko.

"Aba ako nagturo jan.. tingnan mo
naman nakabuo agad." Tugon naman ni Kent.

"Tama na nga yan, pumasok na tayo
sa loob. Andito pala si Maxine." Sagot ni Alex.

"Ah yung fiancee ni Enzo. Akala ko
talaga dati patay na si Maxine." Sabi naman ni Gelo.

Sa loob ng bahay..

Nasa sala na silang lahat nakaupo. May mga pagkain sa lamesita na dala nila Jin, at ni Maxine.

"Actually, hindi kasi talaga ako ang nasa sasakyan." Sabi ni Maxine.

"What do you mean?" Tanong ni Gelo.

"Oo nga, parang naguluhan ako." Sabi din ni Kent.

"It was my sister. My twin sister to be exact, dahil hiwalay na ang parents namin, nagkahiwalay din kami."

"Napunta sya kay Dad, at ako naman kay Mom. That day, supposed to be our day together."

"Si Kiro ang bumangga sa kapatid ko, Si Via na kakambal ko ang namatay sa aksidente." Paliwanag ni Maxine.

"Ah.. gets.. so pinalabas nyo lang na
ikaw ang namatay para di ka na
guluhin pa ni Kiro." Sagot ni Kent.

"Yes, at nagstay na ko sa U.S. Dun
ko na nakilala si Enzo, pinakilala
sya sakin ni Alex." Tugon ni Maxine.

"Saka naging sila at ngayon ikakasal na.. un nga lang mauuna pa pala ako." 🤭🤭🤭 Kinikilig na pagsingit ni Alex.

Sa labas ng bahay.. nag uusap
naman si Enzo at Steven.

"Enzo, salamat pala sa pag aalaga mo sa Asawa ko noon, thank you, di mo sya pinabayaan." Sabi ni Steven.

"Wala yun, kasalanan ko rin naman
yun dahil niloko ko sya dati, pero
sabi nga, 'everything happens for a
reason', 'and that reason, lead us to
where we are right now.' Sagot ni Enzo.

"Ano ba yan! dugo naman ilong ko sa sinabi mo. Bat kasi may pa english." Tugon ni Steven.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon