Dumating bigla si Steven."Bakit ka naman nya ichecheer? Boyfriend ka ba? Ako ang boyfriend nya." Sabi ni Steven saka umakbay kay Alex.
"Kung may ichecheer man sya.. ako lang un.. hindi ikaw. Diba Master My Loves.." dagdag pa ni Steven, saka humalik kay Alex sa pisngi.
Nagulat si Alex sa ginawa ni Steven pero hindi sya nagpahalata.
"BR naman eh.. ginawa mo ng hobby yan, ang daming tao oh.." reklamo ni Alex.
"Ano naman kung maraming tao? Di naman kita kinakahiya." Sagot naman ni Steven.
Nabigla si Alex sa naging sagot ni Steven. May kung ano sa damdamin nya ang naantig sa mga sinabi nito.
("Bakit ganun? Bakit parang nag iba ang tingin ko kay Steven?") Sa isip isip ni Alex.
"Hindi mo sya kinakahiya? Di nyo sinisikreto ang relasyon nyong dalawa?" Tanong ni Enzo.
"Hindi noh.. bat ko naman gagawin un? Di naman ako ikaw! Isa pa, mag ayos lang si My Loves ko, panis yang pinalit mo." Sagot ni Steven.
Hindi na nagsalita pa si Enzo. Umalis na lang ito na para bang nag iisip ng malalim.
Nang makalayo na si Enzo.. agad na Siniko ni Alex si Steven dahil nakaakbay pa rin ito sa kanya.
"Aray naman Master My Loves, nanakit ka na naman." Reklamo ni Steven.
"Yung kamay mo kasi.. nakaakbay ka pa rin.. nakaalis na si Enzo oh. Tapos nanghalik ka na naman.. sa pisngi ko pa!'' Reklamo din ni Alex.
"Sarap naman kasi halikan ng pisngi mo. (Kinurot ni Alex) Aray naman My Loves." Turan ni Steven.
"Yung sinabi mo.." panimula ni Alex.
"Alin?" Tanong ni Steven.
"Yung sinabi mo na, kung ako gf mo ko.. di mo talaga ko ikakahiya?" Tanong ni Alex
"Ano bang klaseng tanong yan? Pinili kita diba? Ibig sabihin, tanggap ko lahat sayo." Sagot naman ni Steven.
"At di mo kailangan mag doubt sa sarili mo. You are perfectly imperfect, just the way you are." Dagdag pa ni Steven.
"Really?? Thank you.." nahihiyang sagot ni Alex.
"Wag ka ngumiti ng ganyan.. marupok ako.. baka bigla kita halikan sa lips nyan." Biglang sabi ni Steven.
"Luh? Tumigil ka nga jan.." sagot ni Alex habang umiirap.
Tumingin naman si Steven sa kanya na para bang gusto sya nito sunggaban at halikan.
He wet his lips, and looked directly on Alex's lips.
"BR naman, yung tingin mo na yan.. nacoconcious ako..'' naiilang na sagot ni Alex.
Dahan dahan lumapit sa kanya si Steven.
"Hoy.. lumayo ka sakin.." sabi pa ni Alex na dahan dahan napapaatras sa bawat paglapit ni Steven sa kanya.
Hindi lumayo si Steven. Nakafocus lang sya sa mga labi ni Alex.
Hindi nakapagpigil pa si Steven. Hinalikan sya nito sa mga labi, bagay na ikinagulat nya kaya bigla nya naitulak si Steven.
Napatakip ng bibig si Steven. Nagulat din sya sa ginawa nya.
Napatakip din ng bibig si Alex. Hindi sya makapaniwala sa ginawa ni Steven sa kanya.
Dahan dahan lumayo si Steven, napansin nya kasi na nagkukuyom na ng kamao si Alex. Handa na sya para tumakbo.
"STEVEN MIN" Sigaw ni Alex.
Napatakbo na si Steven dahil baka masapok sya ni Alex.
"Bumalik ka dito" sigaw ni Alex habang hinahabol si Steven.
"Ayoko nga, bubugbugin mo lang ako." Sagot naman ni Steven habang tumatakbo palayo kay Alex.
-------
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?