Part 38 : Nakalock para lang sayo

58 4 0
                                    


Sa Office ni Alex.

"Secretary Cho, pakitawagan naman
si Mr. Min, papuntahin mo dito. I need to see him now." Sabi ni Alex sa Secretary nya.

"Okay President Lee tatawagan ko
po agad." Sagot ni Miyeon. (Nagbow saka lumabas)

After 8 minutes, dumating si Steven at pumasok sa office nya.

"Hi My Loves.. miss me?" Tanong ni Steven kay Alexis.

"Luh? feeling ah.. Jowa yarn?" Sagot naman ni Alexis.

"Eh dun din naman papunta un..
mahal mo ko.. mahal kita." Tugon ni Steven.

"Ay weh sure ka? parang di naman ah." Pang aasar pa ni Alexis.

"My Loves naman eh, nantitrip ka na
naman, wag ganun, nahurt ako 😮‍💨" Tugon ni Steven.

"Luh ang drama nya oh..🤭' Sagot ni Alexis.

Naiiyak na si Steven

"Iiyak na yan, iiyak na yan.. hahaha"
Pang aasar pa ni Alexis, na tawang tawa sa reaksyon ni Steven.

"My Loves naman, kaya mo ba ko
pinapunta dito para paiyakin." Tugon ni Steven.

"Ano sa tingin mo?" Tanong ni Alexis.

"Akala ko pa naman, pinapunta mo ko
kasi namimiss mo ko, di naman pala." Tugon ni Steven.

Tawa pa rin ng tawa si Alexis.

Habang si Steven naman ay nagpunas ng luha.

"Balik na ko sa office ko." Sabi ni Steven saka tumalikod para lumabas.

Naglakad na sya papunta sa pinto, pero niyakap sya ni Alexis mula sa likuran.

"Sorry na BR ko.. ang cute mo kasi kapag umiiyak, mapapatawad mo ba ko?" Sabi ni Alexis habang nagpapacute kay Steven.

"Please.. please BR ko." Dagdag pa ni Alexis na humawak sa dalawang pisngi at ngumuso.

Humarap naman si Steven sa kanya at natawa sa itsura nya.

"Oo naman, ikaw pa ba? mahal kita, at di magbabago un." Sagot ni Steven sa kanya.

"Thank you pala kanina ah, Support
na support mo ko, I love you BR ko." Tugon ni Alexis.

"I love you too My Loves. Actually,
maganda talaga ung designs mo." Sagot ni Steven.

"Yung concept palang sobrang
outstanding na.. parang yung love
ko lang yan para sayo eh." Dagdag pa ni Steven.

"Yung Love mo?" Tanong ni Alexis.

"Oo yung Love ko, naka lock na,
para lang sayo.. kaya love lock..😉" sagot ni Steven.

(Aysus Lord bat ka ganyan.. di ko
kinakaya to.. kinikilig ako..) sa isip ni Alexis.

"Hala grabe sya oh...  pero thank
you.. kinilig ako..☺️" sagot ni Alexis.

"My Loves di mo kailangan na mag
thank you. Dahil pakikiligin kita sa
pagmamahal ko kahit na araw araw pa." Tugon ni Steven.

Napakagat labi naman si Alexis. Dahilan para mapatingin si Steven sa labi nya, na parang nauuhaw sa mga halik niya.

Hinalikan sya ni Steven, at tinugon
naman ito ni Alexis.

Habang naghahalikan, sunod sunod
na katok ang kanilang narinig kaya
napahinto silang dalawa.

"Ano ba yan.. istorbo naman." Sabi ni Steven.

Natawa naman si Alexis sa reaksyon ni Steven.

Binuksan ni Alexis ang pinto, at
nakita nya si Enzo. Nabigla man, di nya ito pinahalata.

"Bakit nakalock ang pinto? ano bang ginagawa nyo dito sa loob?" Tanong ni Enzo nang makita nya na silang dalawa lang ang nasa loob ng opisina.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon