Part 53 : 'Mister ko'

78 5 0
                                    

Habang nasa byahe sina Alexis
at Steven, nakareceived si Alexis
ng Message mula kay Enzo.

"Ayos ka lang ba? bat parang natakot ka My Loves? sino ba nagmessage sayo?" Tanong ni Steven

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

"Ayos ka lang ba? bat parang natakot ka My Loves? sino ba nagmessage sayo?" Tanong ni Steven.

"Si Enzo.. nasa labas daw ng bahay
si Kiro at Quinn, inaabangan ako." Sagot ni Alexis.

"Mabuti na lang talaga sinundo kita, ano kayang plano ng mga yan, at inaabangan ka." Tugon ni Steven.

"Hindi ko alam, ayoko na rin isipin
pa.. sasakit lang ulo ko sa kanila." Sagot ni Alexis.

"Tama My Loves.. ako lang kasi
dapat ang iniisip mo." Tugon ni Steven.

Meanwhile...

Sa bahay nila Enzo..

Lumipas ang isang oras, pero wala
pa ring Alexis na lumabas.

"Mukang di na ata lalabas yun. 9:30
na, o baka maaga pa talaga umalis."
Sabi ni Quinn.

"Tara na.. umalis na tayo.. mukang
nakaalis na nga sya." Sagot ni Kiro.

Aalis na sana sila, ng may mapansin si Quinn mula sa bahay.

"Teka bro tingnan mo oh.. may lumabas na katulong, sundan natin  tapos simplehan mong tanungin." Sabi ni Quinn.

"Okay sige.. tara na." Sagot ni Kiro

Sinundan nila ang kasambahay hanggang makarating ito sa supermarket. habang namimili ang kasambahay, nakasunod naman sila Kiro naghihintay sa tamang pagkakataon na makausap ito.

"Hello po.. pwede po magtanong?" Sabi ni Kiro sa kasambahay.

"Ano po yun?" Tanong ng kasambahay.

"Nasa bahay po ba si Alexis? kaibigan nya po ako, tinatawagan ko kasi sya,kaso ring lang ng ring yung phone nya." Sagot ni Kiro.

"Alexis? sinong Alexis? wala naman
Alexis na nakatira sa bahay ng amo
ko. Baka nagkakamali kayo." Tugon ng kasambahay.

"Sigurado ka ba ate? baka naman
sinasabi mo lang yan ah?" Sagot ni Kiro.

"Ay Oo naman.. 20 yrs. na ko dun
nagtatrabaho. Baka kaibigan lang
o kakilala ni Sir yung sinasabi mo.
Kaso nasa U.S ang amo ko ngayon." Tugon ng kasambahay.

"Ganun po ba, sige po di na namin
kayo aabalahin, pasensya na po." Sagot ni Quinn, tsaka sila umalis ni Kiro.

"Mukang hindi nya bahay yun Bro.
Baka may hinatid lang sya sa bahay, baka bahay un ng boss nya." Sabi ni Quinn kay Kiro.

"Akala ko pa naman bahay nya un.
Puntahan natin si Andrew, baka alam nya kung saan nagtatrabaho si Alex." Sagot ni Kiro.

Lingid sa kaalaman nila Kiro, nasabihan na ni Enzo ang mga kasambahay na wag magbibigay ng anumang impormasyon tungkol kay Alexis, at kung sakaling may maghanap sa kanya, sabihin nila agad na walang Alexis na nakatira roon.

Hinatid ni Steven si Alexis sa office nito.

"Akala ko male-late na tayo eh. Ikaw kasi.. sabing ligo lang humirit ka pa." Sabi ni Alexis.

"My Loves anong magagawa ko kung marupok ako pagdating sayo.
Alam mo naman na ikaw lang ang
pinapangarap ko, bigay sakin ni Lord." Sagot ni Steven.

"Steven Min, yan ka na naman ah, dun ka na sa office mo, magtrabaho ka na!" Tugon ni Alexis.

"Wala bang kiss muna? pampagana
lang sa trabaho, para mainspire ako." Sagot ni Steven.

"Nakarami ka na nga kanina eh.. yung lips ko namamaga na kakakiss mo."  Tugon ni Alexis.

"Sige na My Loves.. please.. love mo naman ako diba?" Sagot ni Steven.

"Saglit lang ah, may trabaho pa tayo. Baka humirit ka na naman." Tugon ni Alexis.

Agad na hinawakan ni Steven ang mukha ni Alexis, saka ito hinalikan sa labi na puno ng pagmamahal. Pero ilang sandali pa, bumaba ang kamay ni Steven sa dibdib ni Alexis.

Tinulak ni Alexis si Steven.

"Hoy, ayan ka na naman.. yung kamay mo ang likot.. sabi mo kiss lang, magtrabaho ka na." Sabi ni Alexis.

"Oo na.. dapat kasi dito na lang ako
eh, mas gusto ko dito sa tabi mo." Sagot ni Steven.

Natawa naman si Alexis sa sinabi ni Steven.

"Wag ka na magreklamo, sayo naman ako uuwi kaya magkasama pa rin tayo, at pwede ka naman dito din mag lunch para magkasama tayo." Tugon ni Alexis.

"Yun oh.. mamaya ah.. I love you 'Misis ko'." Masayang sagot ni Steven.

"I love you too.. 'Mister ko'.. Kinikilig na sabi ni Alexis.

Napangiti naman si Steven.. na halatang kinilig sa sinabi ni Alexis.

Nagkiss uli si Steven sa lips ni Alexis
saka lumabas para tumungo naman
sa office nya.

"Lord sa akin na to ha, iclaim ko na.. Sya na po Mister ko please." Sabi ni Alexis sa sarili nya.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon