Part 48 : 'Di ka makakatakas'

60 6 1
                                    


3 days passed, at nanatili lamang
si Alexis sa loob ng beach house.
Hindi dahil sa takot kay Kiro. Pero
dahil sa trabaho na kailangan din
niyang tapusin.

In 2 days kasi, magsisimula na ang
photoshoot para sa Jewelries na
sya mismo ang nagdesign.

"Feeling ko nasa opisina pa rin
ako ah... haist.." sabi ni Alexis sa sarili nya.

"Ano kayang nilutong pagkain ni
Manong, nagugutom na ko. Makababa na nga." Sabi pa ni Alexis.

Pabababa na ng hagdan si Alexis.

"Manong may ulam na po ba? nagugutom na po kasi a-
(natigilan sa pagsasalita ng
makita si Kiro.)

"Kiro?? Bat nandito ka?" Tanong ni Alexis.

"Hi, Good morning. Sabi kasi ni Tito di
ka daw lumalabas, kaya naisip ko
dalawin ka. May dala rin akong food." Sagot ni Kiro.

"Thank you, pero sana di ka na nag abala, wala ka bang trabaho? si Andrew pala?" Tanong ni Alexis.

"Wala, nakabakasyon pa kasi ako, si Andrew naman kakabalik lang ng Manila. May Restobar kasi sya dun." Sagot ni Kiro.

"Ah ganun ba, ahm.. okay lang ba kung kainin na natin yung dala mo?
medyo nagugutom na ko eh.😅" Tugon ni Alexis.

"Sure no problem." Sagot ni Kiro.

Habang kumakain...

"Kamusta na pala pakiramdam mo? okay ka na ba?" Tanong ni Kiro.

"Yeah, I'm fine.. Medyo okay naman na." Sagot ni Alexis.

"Actually, kaya talaga ko nagpunta dito, kasi nag alala ko sayo. Diba nga
nakita kita na iyak ng iyak, tapos sabi
pa ni Tito di ka lumalabas ng bahay." Tugon ni Kiro.

"Nag alala ko baka kung ano na ang
ginawa mo.. alam mo yun.. diba pag
broken.. kaya ito ko, nandito ngayon."
Dagdag pa ni Kiro.

Natawa naman si Alexis.

"Sorry.. if tumawa ako. Actually ginawa ko na yan dati." Sagot ni Alexis.

"But I realized why I would do such
thing? If I could do better, you know,
be the best version of myself." Dagdag pa ni Alexis.

"Right.. pero bakit di ka pala
lumalabas ng bahay, daming
magandang pasyalan dito." Tanong ni Kiro.

"Ah yun ba? busy sa work. Kahit kasi andito ako, marami pa akong kailangan gawin. So no time to do
other stuff." Sagot ni Alexis.

"Maybe next time pag di na ko busy.
Sa ngayon kasi medyo busy talaga.
And also I need to go back na rin." Dagdag pa ni Alexis.

"Really? babalik na rin ako bukas eh.
Sabay na tayo kung okay lang sayo?" Tanong ni Kiro.

(Ayoko nga.. duda pa rin ako sayo..
baka mamaya kidnapin mo pa ko.
Gutom lang talaga ko kanina.) Sa isip ni Alexis.

"Naku hindi na.. may susundo din
kasi sakin bukas. (kahit wala talaga)
salamat na lang sa offer." Sagot ni Alexis.

"Okay no problem." Tugon ni Kiro.

Time Skip...

Nagmamadaling umalis si Alexis
kinagabihan, kailangan na nya kasi
talaga makabalik kaagad, pero di
nya napansin na may nakasunod
pala sa kanya sa pag uwi nya.

"Sabi na eh.. aalis ka nga ngayon..
di ka makakatakas sakin Alexis,
or should I say 'Alex'." Sabi nk Kiro sa sarili habang nakasunod kay Alexis.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon