Part 45: 'Buong Buo'

54 4 0
                                    

Lumabas ng office si Steven para sundan si Alexis.

"Bahala na."

"Sir sandali." Sabi ni Naomi.

"Layuan mo ako, nag iinit ulo ko sayo, baka masapak kita." Sagot ni Steven.

Di na nagsalita pa si Naomi, natakot
kasi sya sa ekspresyon ni Steven.

Hinanap ni Steven si Alexis, hanggang
sa nakita nya to na kasama si Gelo na
tila may seryosong pinag uusapan.

Napansin naman ni Alexis si Steven
na nakasilip sa kanila ni Gelo. Pero
nagkunwari lang sya na di nya ito
nakita dahil naiinis pa rin sya dito.

"Sabihin mo sakin yung totoo.. May
pinaplano ka ba kay Steven?" Tanong ni Gelo.

"Pinaplano? ako? wow.. buti ka pa
alam mo bat ako hindi." Sagot ni Alexis.

"Kilala kita.. You don't forget.. you
make even. Kung plano mo lang na
saktan si Steven, wag mo ng ituloy.
Mahal ka nya, mahal na mahal." Tugon ni Gelo.

"Wow.. nung una si Enzo, tapos si
kuya, ngayon naman ikaw. Ganyan
ba ko kasama sa paningin nyo?" Sagot ni Alexis.

"Alex, nag aalala lang naman kami sayo." Tugon ni Gelo.

"Sa akin?" natatawang sagot ni Alexis

"Alex." Sabi ni Gelo.

"Alexis. I'm Alexis. Sa akin ba talaga o kay Steven? ang swerte naman ni Steven, ang daming nag aalala sa kanya. Wow, (tumulo ang luha) ganun ba ko kasama sa paningin nyong lahat kaya nag aalala kayo ng ganyan kay Steven." Sagot ni Alexis na naiiyak na sa mga sinabi ni Gelo.

"Alex hindi ganun yun." Tugon ni Gelo.

"Pero yun ang pinaparamdam nyo
sakin, lahat kayo.. pinag iisipan ako
ng masama. (*Sobs) Kung alam ko lang na ganito ang babalikan ko dito, sana di na lang ako bumalik." Sagot ni Alexis.

"Alex, di lang naman ikaw ang
nasaktan, si Steven din. Ayoko lang
naman masaktan sya sa paniniwala
na mahal mo sya, tapos gumaganti
ka lang pala sa kanya." Tugon ni Gelo.

"Gumaganti? (*sobs) grabe, ang
sama sama ko pala talaga sa
paningin nyo.. lahat kayo.. (*sobs)
ganyan ang tingin sakin." Sagot ni Alexis.

Hindi na nakatiis pa si Steven ng
makita nya na umiiyak si Alexis,
na halatang nasasaktan sa sinabi
ni Gelo sa kanya.

"Tama na.. sobra ka na Gelo.. sabi
ko sayo hayaan mo na kami. Mahal ako ni Alex. Kaya pabayaan nyo na lang kami." Galit na sabi ni Steven kay
Gelo.

"Steven, nag aalala lang naman ako,
gusto ko lang naman makasiguro
na mahal ka nya talaga, hindi yung
nagkukunwari para lang gumanti." Sagot ni Gelo.

"Ayoko ng makinig sayo Gelo, tara
na My Loves umalis na tayo dito." Sabi ni Steven, saka hinawakan ang kamay ni Alexis.

"Bitawan mo ko.. (hinatak ang kamay)
wag mo kong hahawakan. Kasalanan
mo to, kasalanan mo tong lahat. Dun
ka na lang sa babae mo.. Ayoko na." Sagot ni Alexis na masama ang loob.

"My Loves" Sabi ni Steven.

"Ako yung nasaktan, pinaniwala,
ginantihan mo Steven. Muntik ko pang patayin yung sarili ko dahil sayo. Pero ano? sa kabila ng ginawa mo sakin, pinatawad kita." Sabi ni Alexis.

"Binigay ko yung sarili ko sayo Steven,
'BUONG BUO', 'PAULIT ULIT', kahit na
walang 'TAYO' nagpapakatanga ako..
nagpapakagaga.. bakit? kasi mahal
kita. Mahal na mahal." Sabi pa ni Alexis.

"Pero anong nangyari? Anong napala
ko? Ito? si Enzo, si Kuya, si Gelo? mga
taong inaasahan kong makakaunawa
sakin, mas inaalala ka pa. Bakit?
dahil iniisip nila gumaganti ako sayo?
dahil sayo.. dahil sayo na naman..
ako na ngayon ang masama!" Dagdag pa ni Alexis.

"Alex hindi yun ganun.. makinig-"
(hindi na natapos ni Gelo ang sasabihin)

"Tama na.. ayoko ng maging parte
ng buhay nyo. Nang kahit sino sa
inyo. I hate you.. lalo ka na Steven.
Magsama kayo ng babae mo." Sabi ni Alexis.

Tumatakbong umalis si Alexis,
at di pinansin ang pagtawag ni
Steven at Gelo.

"Kasalanan nyo to eh.. okay naman
kami eh, masaya.. pero bakit ba
kailangan nyo pa manggulo." Sabi ni Steven kay Gelo.

"Steven nag aalala lang naman kami,
ayaw lang namin na masaktan kayo
dahil lang sa gusto nya gumanti sa
nangyari dati." Sagot ni Gelo.

"Gumanti? Ibibigay nya ba sakin yung
sarili nya ng buong buo kung gusto
nya lang gumanti?" Sagot ni Steven.

"Anytime pwede ko sya mabuntis, o
baka meron na nga eh. Tingin mo
isusugal nya pati buhay ng magiging
anak namin para lang gumanti?" Dagdag pa ni Steven.

"Steven." Sabi ni Gelo.

"Wag mo muna ko kausapin Gelo. Sa oras na hindi ako balikan ni Alex, hindi ko kayo mapapatawad." Sabi ni Steven.

"Si Alex lang ang mahalaga sakin sa
ngayon, at ang magiging anak namin
kung sakali mang buntis na sya.
Wala ng iba pa." Sabi pa ni Steven.

"Kaya utang na loob, wag nyo na kami
guluhin pa. Baka makalimutan kong
naging kaibigan kita maging sila." Dagdag pa ni Steven saka naglakad palayo.

Love Me Again, Ms. ParkTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon