Sa hallway, andun pa rin si Steven. Nag aabang sa paglabas ni Gelo. Kaya ng makita nya itong lumabas, ay agad nya itong nilapitan."Kamusta? ano nalaman mo? Sya ba si Alex? tell me, sya ba?" Tanong ni Steven.
"I'm sorry hindi sya si Alex." Sagot ni Gelo.
"No.. nagbibiro ka lang diba imposibleng hindi siya si Alex." Tugon ni Steven.
"Steven." Tawag ni Gelo.
"I know in my heart siya si Alex ko. Nararamdaman ko, siya yan.. kaya di ako naniniwala sa sinabi mo." Sagot pa ni Steven.
"Her eyes, nose, and that Plump full lips. I know sya si Alex ko. Eyes can be deceiving, but the heart is not." Dagdag pa ni Steven.
Hindi napansin ni Steven at Gelo na naroroon si Alexis. At lahat ng sinabi ni Steven ay narinig nito.
(So now you called me your Alex.. you idiot bastard.) in her mind.
"Mukang hindi kayo busy sa mga dept. nyo ah. Nakakatambay pa kayo rito eh.. Ibang klase." Sabi ni Alexis.
Nagulat si Steven at Gelo sa narinig. Agad na napatingin sila kay Alexis.
"I'm sorry Ms. Lee.. (tumingin kay
Steven) Tara na.. bumalik na tayo." Sagot ni Gelo.Wala ng nagawa pa si Steven ng hilahin sya ni Gelo paalis. Gusto sana nya na kausapin si Alexis, pero sa ibang pagkakataon na lamang.
---Marketing Department---
---Steven's Office---Hindi mapakali si Steven, alam nya sa sarili nya na si Alexis at Alex ay iisa. Pero di nya alam kung paano ito mapapatunayan.
"Kailangan ko makaisip ng paraan para makausap sya. At para din mapatunayan ko na sya si Alex ko." Sabi ni Steven.
--Time Skip--
One week passed at di pa rin si Steven nagkakaroon ng chance na makausap si Alexis. Madalas kasing nasa office nya lang ito, kung di man nasa office naman ni Enzo.
Sa office ni Enzo...
Nasa opisina ni Enzo ngayon si Alexis para sa napaka importanteng bagay. Di alam ni Alexis kung dapat nya ba itong tanggapin o hindi.
"Babe naman, wala sa usapan natin, na magiging president ako, sabi mo Jewelry designer lang ako dito." Sabi ni Alexis.
"Exactly.. pero nag retired na ang president ng company. At gusto ni Dad na ikaw ang pumalit sa kanya. Babe I have no choice." Sagot ni Enzo.
"Sana kasi prinomote na lang ni Tito si Ms. Song, bat ako pa." Tugon ni Alexis.
"Wag ka na magalit.. bibilhan na lang kita ng favorite mo.." sagot ni Enzo.
"Oo na.. may magagawa pa ba
ko? wala naman diba.." tugon ni Alexis.Hindi na nagtagal pa si Alexis sa office ni Enzo. Bumalik sya agad sa office nya para magtrabaho.
"Kaya pala ang ganda ng office ko gagawin lang pala kong president. Haist kainis." Sabi ni Alexis.
Tinawagan ni Alexis ang Secretary nya para magbigay ng intructions sa gagawin nya ngayong araw.
"Kaya pala ako may secretary, may iba palang plano. Saan ka naman nakakita ng Jewelry designer na may secretary, assistant pwede pa." Sabi uli ni Alexis.
Sa Marketing Dept.
Si Naomi ang nakasagot ng tawag ng secretary ni Alexis. Kaya matapos itong makausap agad syang nagtungo sa opisina ni Steven.
------Abala si Steven sa ginagawang report ng may kumatok sa opisina nya.
"Come in." Sabi ni Steven.
"Sir.. tumawag po yung secretary
ni Ms. Lee. Hinihingi po yung
report ng Marketing plans and
Strategies for the last 2 yrs." Sabi ni Naomi.(Mukang pagkakataon ko na tong makausap sya ah.) Sa isip ni Steven
"Sige ako na bahala.. ako na magbibigay." Sagot ni Steven.
"Sir, pwede bang ako na lang.. gusto ko talaga syang kausapin eh.. alam mo naman idol ko sya." Tugon ni Naomi.
(Aba loko to ah.. aagawan pa ko
ng pagkakataon.. asa ka..) sa isip ni Steven."Next time ka na lang. Ako na muna.
May kailangan din kasi akong
idiscuss sa kanya." Sagot naman ni Steven.Hindi na nakipagtalo pa si Naomi. Marami pa naman pagkakataon para makausap nya si Alexis.
Sa Office ni Alexis...
Kumatok agad si Miyeon sa office ni Alexis ng makita nya si Steven dala ang mga Reports.
"Ms. Lee andito na po si Mr. Min ng Marketing Dept." Sabi ni Miyeon saka
Binuksan ang pinto para kay Steven.Sa loob ng opisina nakita ni Steven si
Alexis na abalang nagsketch ng mga Jewelry designs."Good Afternoon Ms. Park My Loves, I mean Ms. Alexis Lee." Pagbati ni Steven.
BINABASA MO ANG
Love Me Again, Ms. Park
RomancePaano kung yung Tomboy na inaayawan mo noon... eh naging mala Dyosa na ngayon... Can you make her fall in love to you again?