Tahimik ang paligid sa pag dating ng Thunder Aeons.Tila alam na nila na isang maling galaw lang ng bawat kampo ay sisiklab na ang digmaan.
Bahagyang humakbang si Khail papalapit sa mga Aeon at nagtanong.
"Thunder Aeons?Talaga bang pakay niyong labanan kami?Kaming mga Summoner ng Noctraska?Kaming nagbigay ng buhay sa mga tulad niyong noon ay elemento lang?Heh sobra naman yata yan?"
Sumagot si Tenkka.
"Oo kami ay mga Aeon...Kami ay nilikha mula sa mana ng mga summoner..Ngunit dati yon...Kami ang Thunder Aeons!!At kung kami ang kailangang pumigil sa balak mo ay malugod kaming lalaban..."
Napatigil saglit si Khail at bahagyang umatras pabalik sa tabi ni Gexus.
"Anong balak?Ang pag tawag kay Azrathel Novis?Hehe naramdaman mo din pala?Oo!!Magaganap na muli ang kanyang pagbabalik...Ang pag babalik ng Judgement Of Deons!!Sagot ni Khail."
Sa kampo naman ng Solara ay nakahanda na ang mga kawal,Wizards at Summoner upang umatake.
"Lulusob tayo pag umatake na ang Thunder Aeons.Yun ang hudyat ng pag atake natin".
Sabi ni Xehans sa mga sundalo niya.
Ngunit sakay ng kanyang Zecos ay mag isang lumapit si Orgus sa lugar kung nasaan ang mga Thunder Aeons.
"Orgus!!"
Sigaw ni Virian.
Bahagyang lumingon si Orgus kay Virian at ang tingin na iyon ay tila nag sasabi ng sobrang sama ng loob at pighati.
Natigilan si Virian ng makita niya ang mga matang iyon ni Orgus.Nakita din ito ni Xehans.
Agad namang nagtago si Orgus sa isang malaking bato malapit sa mga Thunder Aeons.
Sa pag papatuloy ng pag uusap ng Noctraska at ng Thunder Aeons...
"Khail wag mo nang ituloy ang pag tawag kay Azrathel Novis...Alam mo ang kabayaran ng gagawin mo..Sabi ni Ramman."
Napangiti lang si Khail sa sinabing iyon ni Ramman.
"Hahaha!Tumahimik ka tanda!Akala mo bang hindi ko alam iyon?!Wawasakin ko kayong lahat!"
Sagot ni Khail.
Bakas pa rin kay Gexus ang pag kalito pero desidido na itong makipag laban.Itinaas nito ang kanang kamay Hudyat ito na mag handa na sa pag lusob.
Biglang nag salita si Zu.
"Tsk...Talaga bang lalaban niyo kami?Mga immortal kami!Hanggang may kidlat mabubuhay kami!!Mga hangal!"
Napangiti lang si Khail sa sinabing iyon ni Zu.
"Heh.Ikaw ang hangal Aeon..Alam nating may paraan upang paslangin ang isang Aeon...Hehehe..."
Pag ka sabi noon ni Khail ay agad niyang inilabas ang isang Gintong Kahon.
Noong nakita iyon ni Ramman ay tila may kaunting pag aalala ang bumakas sa kanyang mukha.
Napansin agad ito ni Mirka at nag tanong.
"Ramman...Ano ang bagay na iyan?"
Tanong ni Mirka.
Hindi agad nakapagsalita si Ramman.
"Iyan ang Golden Djinn Box".
Nagaalalang sabi ni Ramman.
"Ha?Yan ang Maalamat na Djinn Box?!"
Gulat na sabi ni Zu.
Di mawala ang ngiti sa mukha ni Khail mula ng ilabas niya ang kahon.Si Gexus naman ay nakahanda na sa pag atake.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...