CHAPTER 34: Their Path Crossed

956 47 10
                                    

Agad bumaba si Kraden sa lobby ng hotel.

Hinanap niya yung dalawa sa baba pero hindi niya sila makita.

Nasan na kaya yung mga yun.

Napaupo nalang si Kraden. Sa isang sofa sa lobby ng hotel.

Nang biglang pumasok yung dalawa sa pinto ng hotel.

Oh saan kayo galing?

Tanong ni Kraden.

Sabay lipad ng isang tinapay patungo kay Kraden at nasalo niya ito.

Bumili kami ng almusal. Saka ibang gamit. Tulad ng Wetstones saka metal plates pang repair ng mga sandata.

Sabi ni Rigor.

Ako naman ay bumili ng ilang herbs sa palengke para sa mga potion ko.

Sabi naman ni Lilica.

Ahh. Hindi kase kayo nag paalam eh.

Pasensya na ang himbing pa kase ng tulog mo eh..Kaya hindi kana namin ginising ni Rigor.

Sabi ni Lilica.

At naghanda na nga ang tatlo sa pag alis sa hotel. Magtutungo na sila sa tarangkahan patungo sa Magiskon.

Samantala sa Felefe Caravan.

Nakaparada ang mga karwahe ng caravan malapit sa pader ng Le Gurnald.

At sa loob ng isang karwahe ay nandoon sina Vlade at Anya.

Nakahiga si Vlade sa isang kama at may nakataling kadena sa dalawang kamay at paa nito.

Unting unting dumilat si Vlade.

Nnasaan ako??

Tanong ni Vlade habang nakatingin sa kisame ng karwahe. Pag paling niya sa kanyang kanan ay nakita niya ang kanyang kapatid na si Anya.

Anya?!

Pero ng akmang babangon na si Vlade at yayakapin ang kapatid ay naramdaman ni Vlade na nakakadena ang kanyang kamay at paa?

Ha? Ano ito?! Bakit ako naka kadena?

Tanong ni Vlade.

Kuya.. Bihag tayo ng mga bandido.. Sila daw ang felefe bandits.

Sabi ni Anya.

Ano?!

At biglang dumating si Goris at tinitigan agad sa mata si Vlade.

Kuya wag kang titingin sa mga mata niya.

Ha? Bakit?

Tanong ni Vlade.

Huli na ang lahat.. Naipasa ko na ang Weakening Spell sa kapatid mo.

Sabi ni Goris.

At pag tingin ni Anya kay Vlade ay hinang hina na ito.

Napaka walang hiya mo!! Pakawalan mo na kami!!

Galit na galit na sabi ni Anya sabay sugod kay Goris.

Kakalmutin na sana ni Anya si Goris. Pero napakadali lang nasalo ni Goris ang kamay ni Anya.

Alam mo Anya.. Wala ka nang magagawa.. Pagpasensyahan mo na kailangan talaga namin ng pera.

Sabi ni Goris sabay tulak kay Anya at napaupo ito.

Inaayos lang ng mga tauhan ko ang mga papeles mo sa opisina ng Le Gurnald at nagkakahalaga ka ng 50 milyong Ginra. Sapat na upang may makain ang mga kapwa ko Refugees sa itinayo naming Tent City sa kakahuyan malapit sa Kulm Dessert.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon