CHAPTER 16:Light Of Hope

1.3K 65 3
                                    

Drip.. Drop... Drip..

Nakahiga sa isang madilim na lugar si Tenkka at nasa ibabaw ng tubig na kulay asul.

Pumatak sa mukha ni Tenkka ang ilang patak ng tubig mula sa kawalan.

Huh? Nasaan ako?...

Tanong ni Tenkka sa sarili.

Isang boses ang biglang nagsalita at boses ito ng isang babae.

Tenkka.. Bumangon ka...

Mmirka? Nasaan ka?

Huwag kang mag alala sa amin nina Zu Dophar at Ramman kailangan mong bumangon.

Huh? Pero ang sarap ng pakiramdam ng nakahiga sa tubig..

Sabi ni Tenkka na tila inaantok.

Hoy Tenkka! Tumayo ka dyan! Wag kang matulog!

Zu? Ikaw ba yan?

Tanong ni Tenkka.

Oo! Kailangan mong tumayo at lumaban wag kang matutulog!

Sigaw ni Zu.

Kahit kailan ang ingay ingay mo..

Tama si Zu Tenkka. Kailangan mo nang bumangon dyan. Kailangan mong lumaban muli at talunin si Azrathel Novis.

Biglang nagising si Tenkka at naalala na kailangan pala niyang pigilan si Azrathel Novis.

Biglang bumangon si Tenkka habang naka upo.

Nasaan ba ako?! Nasaan ba kayo?!!

Nasa kalagitnaan ka ng buhay at kamatayan Tenkka.. Kailangan mong lumaban.

Ramman? Ikaw ba iyan? Napaka dilim dito! Nasaan ba kayo?!

Oo Tenkka si Ramman ito. Lumaban ka! Dalhin mo ang kapayapaan sa buong galfia! Kasama mo kami sa likod mo. Lumaban ka at talunin mo si Azrathel Novis!

Biglang may lumitaw na maliit na liwanag sa itaas ng kadiliman at itinaas ni Tenkka ang kanyang mga braso. Ngunit biglang lumubog ang kanyang mga paa sa tubig at unti unti siyang lumulubog.

Ha? Anung nangyayari? Bakit ako lumulubog.

Ramman! Mirka! Zu! Dophar! Anung nangyayari?

Sigaw ni Tenkka na bakas ang matinding takot sa kamatayan.

Hinde... Ito na ba ang katapusan?

Biglang kuminang ang Mana Seal ni Tenkka at tila ito ang dahilan ng kanyang pag lubog.

Ha? Ang Seal? Pinipigilan nito ang Life Force ko!! Hindi ito maaari.

Hanggang tuluyan na ngang lumubog si Tenkka sa tubig at unti unti na siyang lumalalim. Nalulunod na si Tenkka at tila mawawalan na ito ng malay ng biglang may hindi pamilyar na boses ang nagsalita.

Mandirigma... Akoy sasanib at hahalo sa iyong buhay.

Boses ito ng tila isang binatilyo.

Biglang may humawak sa mga kamay ni Tenkka at biglang sumabog ang napakalakas na liwanag.

Talunin mo siya... Sambit ng misteryosong boses.

Magbalik tayo sa laban ng mga Wind Aeon at ni Azrathel Novis.

Aerah!! Agirah!! Gamitin niyo na ang Hurricane Lance!

Agad ginamit ng dalawang aeon ang Hurricane Lance at agad itong ipinatama kay Azrathel Novis.

Agad din namang binalot ni Azrathel Novis ang kanyang katawan ng kanyang pakpak at sinalag nito ang napakalakas na pag atakeng ginawa ng mga Wind aeon.

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon