CHAPTER 14:The Forbidden Spell

1.4K 58 0
                                    

Papalapit na ng papalapit si Horlthor kay Xehans ngunit dahil sa husay ni Xehans sa pag gamit ng Aeon ay muli nanamang nabitag si Horlthor.

Natapakan niya ang isang naglalawang tubig at bigla itong lumawak at kumorte itong bilog at nilamon siya sa loob.

Tila ito rin ang pag atakeng ginamit ni Runidia sa naunang Aeon.

Nagulat si Orgus ng tila alam na niya ang mangyayari.

Horlthor!! Gumawa ka ng paraan!! Tumakas ka na dyan!!

Sigaw ni Xehans.

Kitang kita na walang magawa si Horlthor dahil nasa loob na siya ng bula na punong puno ng tubig.

Orgus.. Ito na ng katapusan ng Horlthor na iyan..

Sabi ni Xehans.

Unti unti namang tumayo si Orgus at halatang halata pa din ng panghihina.

Xehans!!! Di pa tapos ang laban.

Sagot ni Orgus.

Hmf..Pwes tatapusin ko na! Runidia!

Huh?

Paglingon ni Xehans kay Runidia at Horlthor ay di niya inaasahan ang nakita. Nagpapalabas ng matinding init si Horlthor sa kanyang katawan kayat nag -eevaporate ang water form na si Runidia.

Runidia!!

Sigaw ni Xehans habang nakikita niya kung paano unti unting naglalaho ang kanyang Aeon.

Hehehe..Anung sinabi ko sayo Xehans! Si Horlthor ay higit na mas malakas kesa sa mga ordinaryong Aeon.. Dapat nga alam mo na iyon. Ngunit mas pinili mong maliitin ako.. Hehehehahaha!! Ngayon.. Ako naman.. Alam kong kunti nalang ang Mana mo kayat hindi mo na kayang mag summon..

Sabi ni Orgus habang nakangiti papalapit kay Xehans.

Orgus!! Hindi ako magpapatalo sa isang Traydor na tulad mo!!

Ginamit ni Xehans ang kanyang mga natitirang mana upang gumawa ng espada mula sa hangin.

Lalaban ako hanggang huli!!

Sigaw ni Xehans pasugod kay Horlthor.

GGRRAAAAAHHH!!!!!

Sinugod niya ng harapan si Horlthor gamit ang kanyang espada ngunit madali lang itong nasalag ni Horlthor.

Bahagyang umatras si Xehans at muli itong sumugod.

Graah!!! Hiyyya!! Grraahh!!

Sunod sunod na pag atake ang ginawa ni Xehans ngunit parang baliwala lang ito kay Horlthor.

Gyahahaha!! Xehans! Walang patutunguhan ang mga pagatake mo! Horlthor tapusin mo na siya!!

Utos ni Orgus

Agad sumugod si Horlthor kay Xehans at sinalag ito ni Xehans.

Nagkiskisan ang kanilang mga espada.

Bigla namang tinunaw ni Xehans ang kanyang espada at lumabas ang napaka lamig na hangin.

Naghalo ng init ng espada ni Horlthor at malamig na hangin at ang resulta?

Kidlat.

Dahil gawa sa mana ang hangin ay napunta ang kidlat sa kamay ni Xehans.

Agad nakapunta sa likod si Xehans at..

LIGHTNING PALM STRIKE!!!

Tinamaan si Horlthor. Lalo pang dumoble ang lakas ng kuryente dahil sa basang paligid at bakal na armor ni Horlthor..

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon