CHAPTER 35: Rage!

926 46 14
                                    

Sa B.H.G Headquarters.

Dumating ang mga sundalo ng Bal-Hama dala ang sandata ni Vanzio. Hinatid nila ito kay Direktor Akaros.

Nandoon din si Wesley at naghihintay ng balita tungkol sa misyon ni Vanzio.

Napatayo si Wesley ng makita niya ang sandata ni Vanzio.

Hindi makapaniwala ang dalawa sa kanilang nakita.

Hindi maaari? Natalo ng Vlade na iyon si Vanzio?

Sabi ni Wesley.

Hindi makapagsalita si Direktor Akaros dahil sa sobrang pagkabigla. Nagisip itong mabuti.

Iyan lamang ang aming nakuha sa lugar ng labanan Direktor Akaros.

Sabi ng kapitan ng Bal-Hama army.

Hindi malaman ni Wesley kung matutuwa ba siya o magagalit dahil sa nangyari. Ngayon siya na ang number 1 Ranked Blacklist hunter ng B.H.G. pero ngayon din ay nawalan siya ng matinding kakompitensya.

Agad kinuha ni Wesley ang Buster Sword ni Vanzio.

Ako na ang bahala sa espadang ito ni Vanzio.

Sabi ni Wesley sa kapitan at agad naman itong ibinigay ng kapitan.

Pagkaalis ng mga sundalo mg Bal-Hama ay agad kinausap ni Wesley si Direktor Akaros.

Direktor.. Maaari bang sa akin mo na ibigay ang paghuli sa Vlade na iyon.

Sabi ni Wesley habang nakayuko.

May magagawa pa ba ako? Marahil ay nakarating na sa hari ang nangyari kay Vanzio... Kayat.. Sayong sayo na ang Vlade na iyon.

Sabi ni Direktor Akaros.

Magbalik tayo sa laban nila Kraden at Goris.

Slash!! Slash!! Slash!!(sfx)(Sword Swinging)

Hindi matamaan ni Goris si Kraden dahil sa bilis nitong umilag.

Grrahh!!! Graaahh!! Grahhh!!

Ipinagpatuloy pa din ni Goris ang pag atake kahit alam niyang hindi siya tatama kay Kraden.

Ano? Iyon na ba iyon? Napaka bagal mo!

Sabi ni Kraden habang nakatingin kay Goris.

Asar... Hindi ko maaaring gamitin ang Nightmare Eye sa labang ito dahil kapag ginawa ko iyon ay mas malaking problema.

Sabi ni Goris sa kanyang sarili.

Ang Nightmare eye ay isang technique na kumukonsumo ng Life Force ng mismong gumagamit nito. Dahil nagamit na ni Goris ang Nightmare eye sa mga hunter ay napakalaking Life Force ang nawala sa kanya. Kayat limitado nalang sa isa ang pwede niyang pag gamitan nito.

Biglang umatake si Kraden at binanga ng kalasag si Goris.

Yaaahh!!! PAK!!(SFX)(Sheild Smash)

Natumba si Goris at dumugo ang ilong nito.

Dahan dahan siyang tumayo at tila naiinis na.

Mukhang wala na akong pagpipilian. Kung hindi ka lang sana nakialam ay sana may pera na ako para sa mga kasamahan ko. Mukhang kailangan ko na talagang gamitin ito. .

Sabi ni Goris.

Narinig siya ng isa sa mga kasamahan niya.

Pinuno wag mong gamitin iyon!! Mamamatay kayo!

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon