CHAPTER 28:The Sky Pirates

1K 54 10
                                    

B.H.G Main headquarters

Thug thug thug! (Sfx)(Running foot steps)

Shuutt! (Sfx) (Sliding door opening)

(Pant ..pant.) Direktor! Bakit niyo naman ibinigay kay Vanzio ang assignment na iyon.? Hindi ba ako ang nauna sa ulo ng taong iyon?

Sabi ng isang lalaki na tila isang miyembro ng B.H.G.

Huminahon ka Wesley. Masyado ng nagiging perwisyo ang Vlade Garmhunter na iyon sa emperyo kayat mismong si Haring Goruch na ng Bal-Hama ang humiling na ipadala si Vanzio.

Sabi ni Direktor Akaros

Mismo ang Hari? Hay! Nakakaasar!

Padabog na sabi ni Wesley.

Ang Vlade na iyon.. Tsk.. Sa unang dalawang araw pa lamang ay naging isang Class A Criminal na ang taong iyon. At ngayon sa dami ng gustong humuli sa kanya ay itinaas na sa Class S ang Criminal Rank nito at tumaas na din ang kanyang reward sa 100 million Ginra. Kahit ang heneral ng Main Kingdom na si Xernis Garridor ay gusto din ang ulo ng Vlade na iyon.

Sabi ni Direktor Akaros

Pati si Heneral Garridor? Ganoon ka lakas ng Vlade na iyon?

Sabi ni Wesley.

Wesley. Wag mo nang abalahin ang sarili mo kay Vlade. Asikasuhin mo nalang yung ibang assignment na ibinigay ko sayo.

Sabi ni Direktor Akaros pero pag tingin niya kay Wesley ay wala na ito.

Hay.. Matigas talaga ang ulo ng Wesley na iyon.. Tsk.

Samantala sa Skyship na sinasakyan nila Kraden Lilica at Rigor.

Sabay sabay silang pumunta sa deck ng skyship upang tignan ang himpapawid at ilang isla sa ibaba.

Whoa! Ang ganda naman sa himpapawid.

Sabi ni Lilica na halatang tuwang tuwa.

Oo nga. Napaka aliwalas sa himpapawid. Saka ang ganda ng tanawin sa ibaba.

Sabi naman ni Rigor.

Seryoso naman si Kraden na nakatingin sa malayo.

May problema ba Kraden?

Tanong ni Rigor.

(Sigh) Nagaalala lang kasi ako sa inyo. Napakadelikado ng misyon na ito ayoko kayong mapahamak ni Lilica.

Sabi ni Kraden.

Magtiwala ka sa amin Kraden. Hindi kami magiging pabigat. Gusto lang namin na tulungan ka.

Sabi ni Rigor.

Nag aalala rin kami sayo Kraden. Ang gusto namin ni Rigor ay suportahan ka. Saka di ba pangako nating tatlo.. Walang iwanan.

Sabi ni Lilica.

Oo walang iwanan.

Biglang may sumabog sa tagiliran ng Skyship.

Boom!!!(sfx)

Sa lakas ng pagsabog ay nayanig ng Skyship.

Ahh!!

Gyaahhh!!!

Aaahhhh!!!

Nagsigawan ang mga tao dahil sa pagsabog.

At mula sa makapal na ulap ay lumabas ang isang lumang Skyship na may itim na bandera.

Sky Pirates!!

Tales of GalfiaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon