"Hindi ka namin tunay na anak.".
Lumabas ito mismo sa bibig ni Guardian Gwenneth.
Napatayo sa kinauupuan niya si Kraden.Tumingin siya sa kanyang mga magulang.Tila may luhang nangingilid ngunit pinipigilan lang niya itong tumulo.
Lumapit ang kanyang ina sa kanya at niyakap siya.Tulala lang si Kraden at tila nalilito.
"Paanong hindi niyo ako anak?".
Tanong ni Kraden sa ina.Bumaling din siya ng tingin sa kanyang ama at nag tanong.
"Ama?Totoo ba ang sina sabi ni ina?"
Seryosong nag salita si Guardian Vargas.
"Totoo ang sinabi ng iyong ina Kraden.Hindi ka namin tunay na anak.Ngunit tinuring ka na naming anak at mahal ka namin ng iyong ina."
Napabalik sa upuan si Kraden.At nabaling naman ang kanyang tingin sa espada.
"Gusto kong malaman ang totoo..At konektado ba ang espadang ito sa akin?"Tanong ni Kraden.
"Sige ikukwento ko ang buong katotohanan".Sagot ni guardian Vargas.
Bisperas ng digmaan ng mga summoner ng mag tipon ang mga pinuno ng Solara.
Si Xehans Vailenberg ang pinaka mataas na pinuno ng Solara noon at si Orgus Vailenberg ang kanyang kapatid at mismong adviser ni Xehans.
Sila ang magkapatid na Master Summoner ng Solara.Kasama din sa pag pupulong ang isang babaeng nag ngangalang Virian Sephdec.Si Virian ay isang Master Summoner ng Elemento ng hangin.
At nagumpisa na nga ang pulong.
Nagsalita si Xehans.Bukas na ng umaga aatake ang Noctraska at kelangan na nating lumaban..handa na ba ang mga pangkat niyo?
Mahal kong kapatid ang mga wizard natin ay nakabuo na ng Mana Tree..Siguradong di tayo mauubusan ng mana bukas.Sagot ni Orgus.
Ang Pangkat ng Hangin ay handa na..Ngunit may kaunting problema Xehans.Sabi ni Virian.
At anong problema naman Virian?Wag mong sabihing?. .Tanong ni Xehans na tila alam na niya ang problema.
Oo ang Aeons ng Kidlat..Gusto na nilang kumalas sa pangkat ng hangin at bumuo ng sariling pangkat.Sagot ni Virian.
Ngunit hindi ba mga Aeons lang sila bakit natin kailangang sumunod sa mga Aeons..Kung hindi dahil sa ating mga summoners ay isa lamang silang kumpol ng enerhiya.Sabi ni Orgus.
Iba ang mga Thunder Aeons..May kakayahan silang lumabas kahit hindi gamitan ng Mana.Ani moy may mga sariling buhay ang kinakatakot ko lang ay baka hindi sila kumampi sa Solara..Bagkus ay manggulo.Sabi ni Virian.
Ano ngayong plano mo?Virian?Tanong ni Xehans.
Hindi pa nakakasagot ni Virian ay sumabat agad si Orgus.
Ako na ang bahala sa mga Thunder Aeons na yan.Wag ka nang mag alala Virian tutulungan kita sa abot ng aking makakaya.Sabi ni Orgus.
Salamat Orgus.Pasalamat ni Virian.
Natapos na ang pagpupulong ng mga pinuno ng Solara..
Lumalim na ang gabi.
Sinadya ni Orgus si Virian sa kanyang silid.Dadalhan niya ito ng makakain at papaalalahanan na mag ingat sa laban.
Ilang hakbang nalang ay malapit na siya sa kwarto at may narinig siyang boses sa loob ng kwarto.At kilala niya ang boses na iyon.Boses iyon ni Xehans.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasíaThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...