Naihatid nga ni Kraden sa tindahan ng potion si Lilica.
Kraden. Salamat sa pag hatid sa anak ko.
Sabi ng ina ni Lilica.
Walang anuman po iyon. Sige po mauuna na po ako.
Sagot ni Kraden.
Nagpaalam din si Kraden kay Lilica at nagpasya ng umalis pero bago siya tuluyang bumalik sa palasyo ay dumaan muna ito sa Workshop ng pamilya ni Rigor.
Sa labas pa lang ay may naririnig na si Kraden na pag hampas ng maso at tumatama sa bakal.
Chink!! Chank!!!(sfx)
Rigor nandiyan ka ba?
Sabi ni Kraden mula sa labas.
Agad siyang narinig ni Rigor at lumabas ito.
Oh Kraden. Ikaw pala iyan.
Sabi ni Rigor. Nakasuot ito ng baluti upang protektahan ang kanyang sarili sa init ng pugon.
At pumasok na nga sila sa loob ng Workshop.
Wow ang dami mo nang nagawang armas ah.
Sabi ni Kraden.
Hehe..Oo nga eh.. Kanina pa kong umaga dito gawa ng gawa ng sandata eh. Saka teka Kraden may ginawa ako para sayo.
Sabi ni Rigor.
Ano? Para sa akin? Ano naman?
Teka lang.
Biglang pumasok sa isang silid si Rigor at kinuha ang isang baluti na may simbulo ng Zargrand.
Gawa ito sa isang espesyal na metal at mga mahaling Leather. At sa loob ay napaka gandang uri ng tela upang maging komportable ang gagamit nito.
Wow. Ang ganda naman nito Rigor bakit mo naman ako ginawan ng ganito?
Tanong ni Kraden.
Ay Teka meron pa palang kulang.
Sabi ni Rigor at nagmadali muli itong bumalik sa isang silid at pag ka labas niya ay may dala na siyang isang kalasag.
Yan. Kumpleto na. Hehe regalo ko sayo yan Kraden.. Noon ang iyong ama na si Guardian Vargas ay iginawa din ng aking ama ng kanyang baluti. Hehe.. Gusto ko din sanang gawin iyon. Diba bukas na ng pagsubok ng pagiging taga bantay? Galingan mo Kraden ah. Nasa likod mo lang kami ni Lilica.
Sabi ni Rigor.
Masayang masaya si Kraden sa kanyang narinig at nagkamayan sila ni Rigor. Matapos nilang mag kwentuhan ay agad namang bumalik si Kraden sa palasyo upang samahan ang kanyang ama at ina pauwi.
O sige Rigor salamat nga ulit dito sa ginawa mong baluti.
Sabi ni Kraden.
Ngumiti naman si Rigor.
Agad nakabalik si Kraden sa palasyo. At pinuntahan ang kanyang mga magulang.
Nakita siya ng mga gwardya ng palasyo at agad siyang pinapasok sa loob.
Agad niyang nakita ang ina.
Ina. Anong Oras po ba ang uwi natin?
Tanong ni Kraden.
Anak. Hindi muna tayo makakauwi.
Ha? Bakit po ina?
May sasabihin kami ng iyong ama. Tungkol ito sa pagsubok ng pagiging taga bantay.
Pagka sabi noon ni Guardian Gwenneth ay biglang dumating ang kanyang ama.
Kraden. Dito muna tayo sa palasyo. Kailangan nating paghandaan ang magiging pagsubok mo.
BINABASA MO ANG
Tales of Galfia
FantasyThis is a tale of love, magic, battles and aeons.Yes Aeons!They are mythical creatures that can be summoned to aid their master in battle.Kingdom against kingdom.Hearts against hearts this story will take you to a world of fantasy called Galfia. Joi...